Panimula

417 1 0
                                    

Hindi na ako nageenjoy maglaro sa bakuran ni tatay obet.

Ayaw ko na ng taya-tayaan, patintero, tumbang preso at chinese garter? sa mainit at pa-epsing panahon.

Hinding-hindi ko na kinakain ang cotton candy at malaking lollipop lalo at andyan si Lolieta.

Pero etoh ang tunay na panira sa nagpupumilit na pumoging ako,

Ang pagtubo ng sangkatutak na pimples sa mukha ko na parang mga proud dahil sa patuloy nilang paglaki, isama pa ang pagpiyok ng dating mala-utot ng manok kong boses na ngayon ay parang busina na ng palaka, (walangdyo).

Iniwasan ko na si Lolieta.

Pipila ba ako o hindi sa isang mahaba, nakaka sindak at madugong patulian?

pagkalipas ng mahigit isang linggo, ready na akong sumigaw ng....."DARLA!"

"Este!"

"BINATILYO na ako!.

buhay ng BINATILYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon