"Umbay! ikaw na" sigaw ng isang nakahubad at may nunal sa leeg na binatilyong lalaki sabay pasok sa loob ng manipis at maduming tabing.
lumakas ang tibok ng puso ko habang si Umbay ay tila nanlalamig habang tila nananalangin sa lahat ng santo.
"uy Balong!, eh ikaw na kaya mauna?, ang sakit kasi ng ngipin ko eh", kabadong sabi sa akin ni Umbay.
Si Umbay, pitong taong gulang at mahilig sa laro, patpatin at sakitin pero malakas kumain, malakas din tumawa at kadalasang bully sa klase, Grade 1 section 4, row 4.
suot nya ang palda ng nanay nya na bulaklakin at pulang tshirt na haling luma na, nakayapak lang sya at pawisa,
"sus, ikaw na Umbay, para kang hindi lalaki! yan lamang eh" sigaw ni Amboy bago pa ako makasagot.
nanuyo na ang mahigit na dalawang oras ko ng nginunguyang dahon ng bayabas dahil sa sinabi niya..
nakapila kami sa isang mahaba at mabahong iskinita kung saan sa itaas ay may karatula na mukhang pinagpyestahan na ng bubuyog at may nakasulat na "LIBRE ANG TULE".
at eto nga, nanginginig na pumasok si Umbay sa pulang tabing habang naririnig ko ang mala dimonyong tawa ni Amboy,
"Araaaaaayy!" malakas na sigaw ni Umbay mula sa loob ng mga tabing na talagang nag panerbyos sa mura kong isipan.
"Ha ha ha talaga iyang si Umbay, napakaduwag!" mas lalo namang lumakas ang tawa ni Amboy.
maya maya eh lumabas na si Umbay, tulala siya na parang dalagang pinagsamantalahan ng pitong barako sa luob.
"oh panu! Ikaw na susunod ——", mapanukso pading sabi ni Amboy.
Muntik ko nang malunok ang dahon ng bayabas na matagal ko ng nginunguya.
"wag mo sabihing takot ka din? Whahahhaah" pang aasar pa ni Amboy.
Si Amboy, pitong taong gulang at may aking katabaan, malakas kumain at mas malakas mangasar, Grade 1 section six, at row 4.
"Hindi ah," mabilis pa sa kidlat na dipensa ko, pero ayaw talaga makiisa ng tuhod ko, nginig sya talaga.
Napa sulyap bigla ako kay umbay, tulala parin at maga ang mga mata, hawak sa harapan ang suot nyang palda ng nanay nya.
"Balong! Ikaw na susunod!" sigaw ng nakahubad na lalaking may nunal sa leeg.
Parang tumigil ang pagikot ni mother earth, as in exclomotion ang lahat at tanging heart beat ko lang ang naririnig ko.
Lumakad ako papalapit sa pulang tabing, at dahan dahan ko itong hinawi.
"pasok na Balong" sabi ni tatay obet, siya ang may pakana ng libreng tule, kapit bahay namin siya, edad 50 plus na pero binata pa.tubong tondo.
Pumasok na ko sa loob at kita ko ang mga dugo na natuyo sa lapag.
"K-kuya Obet, ma-masakit po ba?" sabay pahid ko sa maluha luha ko ng mata.
"naku hindi, parang kagat lang ng langgam ito" naka ngiti nya pang sagot kaya nalantad lahat ng bulok nyang ngipin." Hubo ka na", dagdag pa.
Tinanggal ko ang short ko na regalo ng ninong ko nuong pasko, para akong hihimatayin sa takot.para akong papatayin.
Naisip ko, ilang langgam kaya ang kakagat sa akin para tumbasan ang sakit, at anong uri kaya ng langgam.antik??
Inihanda na ni kuya obet ang labaha at ilang tela. Napalunok laway ako.
"K-kuya s-saglit po,' masakit po ba?" pigil ko kay kuya.
"hindi nga masakit Balong" para ka lang kinurot sa singit ng nanay mo.
Aakma na uli sya para hiwain ang putotoy ko.
"S-sandali po, m-masakit po kurot ni Nanay ehh," naiyak na ako talaga.
"naku ikaw na bata ka! Pagumuwi ka ng hindi tule eh mas lalo ka malilintikan sa nanay mo." Naiinis na atah si kuya obet ah.
Eto ako, si Balong, pito na din, medyo duwag pero hindi "iyakin?" hehe, Grade 1 din section 3 row 4.
Hindi mataba pero medyo payat,, may suot akong salamin na kasing laki ng kay harry potter.
".m-masakit kasi kuya obet eh" umiiyak ko pa ding sagot.
"anong masakit eh hindi ko pa nga nahihiwa yang pitoy mo." High blood agad si kuya obet eh. "ano? Itutuloy pa ba natin to?".
Napasinghot ako ng sipon ko, naisip ko ang galit ni nanay.
"s-sige p'po," alinlangan ko pa ding sagot.
Ipinag pasa langit ko nalang ang lahat.
Tumingala ako at pumikit ng mariin, naramdaman ko ang kamay ni kuya obet sa pitoy ko ng biglang maramdaman ko ang talim ng labaha.
"Aaarrrraaaaayyyy!!!!!"..malakas kong atungal.
"oh okey na Balong" ngiti ngiti pa si kuya obet.
"KUYA, ANG SAKIT!" pasigok kong sabi kasabay ng mga hikbi.
————————————
"Amboy ikaw na!" narinig kong tawag ng lalaking may nunal sa leeg habang naglalakad ako papalayo sa tabing na pula.
"Amboy, wala ba si Amboy??!" muling tawag ng lalaki pero wala padding sumasagot.
"Loko talaga yung Amboy nay un, mukhang nangaripas sa takot ah" bulong ko sa sarili.
Sa wakas uuwi ako sa bahay nang daladala ang trophy, malapit na kong maging binata.
"hi Balong, masakit ba?" bati sa akin ni Lolieta.
Si Lolieta, grade 1 at section 2, mabait siya at mukhang mahinhin, lagi nya kong inaasar at inaaway.
"ha?!," nagulat ako kay lolieta kaya patakbo akong umuwi sa bahay, wala na kong pakialam kung masakit pa din ang pitoy ko.
———————————————————-
Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa!!
Pls do comment and vote!!
thanks
BINABASA MO ANG
buhay ng BINATILYO
HumorIto ang babasahing swaktong swakto sa panlasa mo, Para sa mga binata pero pwede din sa mga hindi siguradong binata, Lalong pwede sa mga dalaga, maganda, seksi, skiny o boney, kahit may ngipin man o wala basta kilala si abakada, pwede na!... Pagbasah...
