Nagmahal ka na ba ng sobra? Yung pakiramdam na akala nyo kayo na talaga.. Nagkaroon kayo ng mga masasaya at malulungkot na alaala na di mo kalianman malilimutan.. Ikaw? Anong isang bagay ang pinakanamimiss mo sa taong mahal mo noong kayo pa? Yung tipong maririnig o makakakita ka lang ng ganun ay siya agad ang pumapasok sa isipan mo???
May this short story makes you smile after reading it.
*Salamat nga po pala sa mga nagbasa ng una ko pong short story.. Ang PLANO: A Tragic Love Story.*
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Wow! Ang ganda naman ng mga rosas!” halos manlaki ang mga mata ko pagkakita sa mga red roses ng isang bahay malapit sa amin.
Bagong lipat lang daw ang mga nakatira dito sabi ni tatay. Siguro dala dala nila yung mga halaman nung lumipat sila. Namumukadkad pa kasi yung mga bulaklak tapos anlalaki pa. Iniimagine ko na tuloy na nasa isa akong hardin ng isang palasyo. Ako yung prinsesa na mahilig sa mga roses kaya niregaluhan ako ng aking prinsipe ng isang hardin na maraming tanim na roses.. Hehehe.. Pero sa fairytales lang nangyayari yun. Kasi wala naman akong prinsipe.
Ako nga pala si Hanna. 18 years old at 3rd year na sa kursong AB Mass Communication.
Naalala ko tuloy si Leymar. Ang ex kong super sweet sakin. Oo. Ex ko na siya. Hindi ko alam kung bakit. Basta paggising ko na lang isang umaga, wala na kami. At ang mas masaklap nalaman ko pa yun sa mga kaibigan ko. Ouch no? That’s life. Unpredictable. Nung kami pa, everyday niya kong binibigyan ng mga roses tapos may kasama pang love letter. Hindi nga nawawalan ng roses yung vase namin nun sa bahay e. Nakakamiss sya. Namimiss ko yung mga happy moments namin. Nakakamiss yung pagbibigay nya sakin ng mga roses. Minsan nga tinatanggal ko yung mga petals nya saka ko iiipit sa notebooks ko. Pero wala akong magagawa, wala na siya. Nasa Canada na daw siya ngayon. Umalis siya ng di man lang nagpapaalam. Ni Goodbye o Paalam, wala. Masakit pero natutunan ko ng tanggapin at kung magkita man kami ulit at may iba na sya, ituturing ko pa rin syang kaibigan. Pero sana kami na lang ulit kasi mahal ko pa rin sya kahit sinaktan nya ako. Tatanggapin ko pa rin sya. Ganun ko siya kamahal.
I’m missing him so much lalo pa’t may isang bagay na nagpapaalala sa kanya. Umuwi na rin ako. Ayoko namang pumitas. Baka Makita ako ng may-ari tapos ipabarangay. Kakahiya din.
“Sige mga roses ha. Uwi na ako. Kitakits ulit tayo bukas. Babye!” nagwave pa ko sa kanila.
Parang may topak lang e no? Kausapin daw ba ang mga halaman. Hehe.. Nakakaengganyo kasi e. At yun nga ang ginawa ko. Bago ako pumasok sa school, nag-i-stop over muna ako sa bahay na yun at kinakausap ang mga roses. Ganun din kapag pauwi na ko. Ewan ko lang kung ilang araw na ring ganun ang ginagawa ko.
“Hello beautiful roses! Andito ulit ako.” Nakawide smile pa ko. Nababaliw na ata ako e.
“Alam nyo, pag nakikita ko kayo, may namimiss ako. Yung ex-boyfriend ko 2 years ago. His name is Leymar. Mahal na mahal ko yun kahit bigla na lang nya akong iniwan. Namimiss ko na siya. Namimiss ko rin yung mga ginagawa nya nun for me.” Pinahid ko yung luha ko. Naluha pa talaga ako e rosas lang naman tong pinagsasabihan ko ng nararamdaman ko. Aish:/
Nasa ganung ayos ako nang...
“Miss na miss ka na din nya.”
“Ay! Kalabaw! Nagsalita kayo?” hindi makapaniwalang sabi ko.
Nakikisama ata tong mga bulaklak sa pag-eemote ko.
“Hindi. Imagination ko lang to. Hindi. Gising Hanna. Gumising ka!” tinapik tapik at kinurot kurot ko pa yung pisngi ko.
‘‘Hanna, andito ako sa likod mo.”
?__?
Paglingon ko...
“L-eymar?”
Nagulat talaga ako.
“Ako nga. Totoo ba lahat ng mga sinabi mo? Hanna, mahal na mahal pa rin kita. Please let’s give it another chance.”
Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Nagpatangay na lang ako. Wala akong masabi. Natameme na lang ako. Parang tumigil ang oras ng mga sandaling yun. Basta ang alam ko, Masaya ako kasi andito na ulit sya. Ang lalaking mahal ko. Ang lalaking matagal kong hinintay, nasa harapan ko na. At last!:)
(Sa totoo lang, namiss ko to)
“I love you.” Sabi nya habang yakap yakap pa rin ako.
“I love you too.” Walang kagatol gatol kong sabi.
“Tara sa loob. Sigurado, matutuwa si mommy pag nakita ka nya.” Sabay hila sa kamay ko. Ayeee!:)
At pumasok na nga kami. Bahay pala nila yung madaming tanim na roses. Ansaya saya ko.
Salamat po sa pagbabasa.
Sana nakarelate po kayo. Thank you po ulit.
Sa susunod ko po ulit na short story^__^
*Hugs&Kisses*