Wintery Summer

61 8 2
                                    

[Wintery Summer]

8:45 am

MABILIS akong naglakad patungo sa bus na kasalukuyang nagpupuno na lamang ng nalalabing pasahero. Dala-dala ang isang back pack at maliit na maleta, umakyat na ako sa bus habang binibilang ang mga upuan.


Pang-walong upuan daw ako sa kaliwang bahagi ng bus ayon sa bus ticket na hawak ko.

Isa, dalawa, tatl

"Sorry, Miss," sabi nito sabay yuko upang pulutin 'yong nalaglag na dalawang  bottled water nang mabunggo niya ako.

Tumango nalang ako at nagtungo na sa assigned seat ko. Naks naman! Mukhang siniswerte ako ha! Bakante ang upuan sa tabi ng bitana. Perfect spot para sa emotera mode ko mamaya habang nasa biyahe.

"Miss, d'yan ako naka-upo," sabi ng lalaki. Iyong lalaking nakabunggo sa akin.

'Yong nakangiti kong mga labi dahil sa saya, bumalik na naman sa pagsimangot.

"Ok—a, no!," Tama 'yan Regina! Enough na sa pagiging generous mo.  "Dito ako at ako ang nauna sa pwestong 'to!" matigas na sabi ko. Ganyan nga, Regina! Wala namang nakakakilala sa'yo rito. Wala namang manghuhusga...

Salubong ang makakapal na kilay ng lalaki at halatang hindi gusto ang asta ko sa kaniya. Hawak niya pa rin ang paper bag at mga bottled water. Mukhang hindi na siya magsasalita pa kaya inismiran ko nalang lalo na't naramdaman kong umandar na ang bus.

Umiiling itong umupo nang pabaksak sa tabi ko. Tinignan ko siya mula sa aking peripheral view. Gwapo, matangos ang ilong, makapal ang kilay at may mapupulang la— No! Ikaw talaga, Regina. Stop muna. You need to find yourself not someone else na panakip butas sa puso mong nagsi-seek ng help. Tsk

"Dito ko gustong umupo at wala ka ng magagawa, okay?" sabi ko habang nakatingin sa labas ng bintana, pinakikiramdaman siya.

"May magagawa pa ba ako? 'E, naka-upo ka na nga. Ibang klase rin," he said with his sarcastic voice.

Hindi na ako sumagot pa at nanood nalang ng tanawin sa labas ng bintana. Magiging matagal din 'tong biyahe. 16 hours to be exact. Though, that was based on my research. I haven't been there yet. This is also my first time to have a long trip with just myself and without anyone's company.

Naalala ko tuloy ang rason kung bakit ako narito sa bus na ito at nagpapakalayo-layo sa sakit na naidulot niya.

FLASHBACK

GRADUATION DAY, suot suot ko ang bistidang medyo elegante na sabay namin binili sa mall. Tinignan ko siya at inayos ang kaniyang necktie.

Ngumiti siya,"kaya ko na 'to." Umiling siya nang hindi ko siya pinakinggan.

We've been together ever since we were in junior high school, grade 10 to be exact. Now, our journey in senior high school would end today since today is the graduation day.

"Regina! Kanina pa kita hinahanap. Uupo na kami ng Papa mo sa likod," sabi ni Mama habang itinuturo ang direksiyon kung saan banda sila uupo upang antabayanan ang programa. Mabilis ko namang ibinaba ang kamay ko nakahawak sa necktie ni JP nang bumaling si Mama sa kaniya. Bumati lang ito at umalis na.

Tumingin sa akin si JP nang may hindi maintindihan na emos'yon sa kan'yang mata. Ngumiti nalang ako nang malungot, "sorry." Hindi kasi kami legal. Umabot man kami ng tatlong taon. Walang naglakas loob na umamin sa aming mga magulang. Oo, mahal namin ang isa't isa. Pero sobra higpit kasi ng mga magulang ko at maging ang Mommy niya. Kaya hindi na kami sumubok dahil takot kaming mapaghiwalay.

Wintery Summer ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon