IV

6 0 0
                                    

IV : "Princess"

My first and second class went well. And now... Breaktime na... And there's something inside me saying not to go out. But it's breaktime! And I'm hungr--

"Oh." Biglang may naglapag ng pagkain sa desk ko na may kasamang softdrinks. Eh?

"An-- Kean?" Napatingala ako't nakitang nandun si Kean. Teka ano bang nangyayari dito?

"Kumain ka maigi okay? Bye~"

Ano yun?

"Binigyan siya ni Kean ng pagkain?"

"Grabe ang haba na ng buhok niya!"

"Nakakainggit!"

Napatingin ako dun sa mga babaing nasa likuran na nagkwekwentuhan lang kanina tungkol sa new professors na dumating. Ngayon, ako na ang pinagkwekwentuhan nila.

"Kanina kasama niya si Silver!"

"Talaga?"

"Oo! Pati nga daw si Alex kasama niya eh!"

"Pati si Alex nilalandi niya na rin!?"

"Ang lakas naman ata ng loob niya!"

Nilalandi?

Napatayo ako ng wala sa oras sa narinig ko mula sa kanila. Agad ko silang nilapitan, "Excuse me," sabi ko't kunyari ay pupuntahan ko yung locker ko sa likuran.

"Maraming daan, bakit dito ka pa sa gitna namin dadaan?"

"Kasi tapat nitong way na 'to ang locker ko."

"Huh." Biglang tumayo yung isa, "Hindi mo ba kami nakikilala!?" Ah tama. Sila yung kasama ni Queenie kahapon sa may entrance.

"Nakikilala ko naman kayo."

She smirked, "Then dumistansya ka kung ayaw mo ng ambulansya."

"Aanhin ko naman ang ambulansya? Bakit? Maoospital ba kayo?"

Halatang naasar siya sa sinabi ko. Umamba siyang sasampalin na ako ng biglang bumukas ang pinto. Ibinaba niya ang kamay niya habang nanlalaki ang mga mata. Her expression really crept me out kaya napalingon din ako sa tinitignan niya't napanganga sa nakita ko.

"What?"

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"What~?" Painosente niyang tanong.

"Sige sayo na yan." Ani ko't naglakad papunta sa gilid niya.

"Gusto mo?"

"No thank you,"

"Kanino ba 'to galing babe? Ang pangit ng lasa."

"BABE!?" Reaksyon nung tatlong babae sa mga back row. Sandali kaming napatingin sa kanilang tatlo bago bumalik ang tingin ko sa kanya na nakaupo sa upuan ko at kinakain na yung pagkain na binigay ni Kean.

"Ikaw na nga 'tong kumakain ng pagkain na binigay sakin, nagawa mo pang manglait."

He looked up at me, "Well seriously babe, yun yung lasa eh. Anong gusto mong sabihin ko?"

"Tigilan mo nga yan." Sabi ko't hinila siya patayo mula sa upuan ko.

"Bakit nanaman ba babe?"

"Tigilan mo ko sa kaka-babe mo."

"Eh ano bang gusto mong itawag ko sayo?"

"I have my name Silver."

What crept me out again is that look of his eyes. His eyes are glimmering. This is bad. I mean this is so bad!

Roses 'n Swords Academy : The School Of Allies 'n EnemiesWhere stories live. Discover now