Text Message

5 0 0
                                    

Andrew's POV

Kay tagal ko syang inantay ,  ilang taong lumipas na hindi ko sya nakausap , pero ngayon kaharap ko na ang babaeng mahal na mahal ko , simula pa nung una

"Uhmmm....s-sir , a-akin po yan" nakakatawa pa rin sya , pero di ako tumawa baka mahalata ako , di ako nagsalita , kaya nagangat sya ng tingin saakin .. Halatang nagulat sya saakin

Para bang may gusto syang sabihin saakin , pero nagdadalawang isip syang sabihin saakin kung ano yung sasabihin nya , lalo syang naging maganda

"A-Andrew , ako si Klaine , natatandaan mo pa ba?" sabi nya , oo naman natatandaan kita , di ko puwedeng makalimutan ang unang taong nagpatibok ng puso ko

Gusto ko sanang sabihin yon sa kanya , kaso madaming media at camera ang nakatutok saakin kaya di ako makapag salita , at sakto na tinawag na ako ng manager ko , kaya dali dali akong pumunta sa van

Ng makapasok na ako sa van , kinuha ko agad yung phone ko , at agad ko syang tinext

To : Klaine

Oo naman , long time no see Klaine

Nakakatawa kasi , di ko itatangging namiss ko sya ng sobra , kasi simula nung nagawa ko sa kanya yun , sobra syang nagalit saakin , hindi ko rin sya masisisi kasi nagkamali din ako 

Klaine's POV

Di ako makapaniwala na , nag text sya saakin
Nagtext saakin si Andrew , para akong baliw dito na pagulong gulong sa kama , at nabigla ako kay kaye , kaya a nahulog ako sa kama

*BOOGSH*

"Arghhhhh...Arayyy koooo" sabi ko , nakakainis talaga tong bababeng to , di man lang kumatok Hayss

"Luhhh , Klaine okay ka lang? , nakuuu sorry huh?
di na ako nakakatok , nagmamadali kasi ako eh"
sabi nya , Aba saan kaya to pupunta at bihis na bihis , hulaan ko pupunta nanaman yan sa club

Pinaliit ko ang mata ko , at matamaan syang tiningnan , para sabihin saakin kung saakin sya pupunta

"Saan ka naman pupunta?" sabi ko , nakuu alam ko na to di yan sasagot , at pag nagbilang ako ng 3 sasagot agad yan

1

Aba ayaw mo talagang sabihin huh

2

Aba ano to patigasan , hmpp sigeeee tingnan natin

3

"Oo na , oo na hayss , pupunta lang naman ako sa club , saglit lang ako huh? Plss " sabi nya , sabi ko sainyo eh HAHAHAHA 

"Sige mag ingat ka huh" sabi ko HAHAHAHA kung di pa ako magbibilang , di sya sasagot , tumatawa ako at umiiling

Bat ganun bigla akong nagcrave sa beer , maka bili nga muna , baka sakaling makatulog ako , hindi kasi ako makatulog eh , nagsuot ako ng jacket at unalis na

After 1 hour

Yannn nakabili na ako ng beer , pero di ko maalis sa isip ko na nagtext talaga sya saakin , hayss makaalis na nga , pero biglang nahulog yung
Beer na hawak hawak ko , pero may nakapulot non

"Sorry po di ko sinasadya , sorry po talaga ...
Ako na po kuku--" nagulat ako ng makita ko si andrew  , anong ginagawa nya dito?

"O-Ohh.... Andrew anong--" pinutol nya yung sasabihin ko

"Nung una tsinelas , ngayon naman beer , ano pa kaya sa susunod hmm?" sabi nya saakin , wala pa rin syang pinagbago , makulit pa rin hayss

TwentiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon