[Property of: keinilene]
Tandang-tanda ko pa nun... Unang pasukan ng pagiging 2nd year college student ko.. Unang subject namin ang ENGL6 (Speech Communication) at sa speech laboratory ang room namin.. Napaka ingay ko nga nung time na yun ehh! Nagdadaldalan kami sa labas ng speech lab kasi wala pa ang prof. namin..
Dahil sa maharot ako, di ko sinasadyang may mabangga ako at pagtingin ko.... Isang poging lalaki!
NGA-NGA!
"Ay! Sorry po kuya!" Yun na lang ang nasabi ko sa kanya. Siya naman, ngumiti sa akin. Oha! Ang GWAPO! *O* Talagang sinundan ko siya ng paningin ko at nagulat naman ako ng pumunta siya sa may pinto ng speech lab at binuksan niya ito.. Nag-hand gesture siya ng 'Pasok na sa loob' kaya naman pumasok kaming lahat sa loob ng speech lab.. Hindi pa rin mag-sink sa utak ko ang mga nangyayari..
Tama ang mga tsismis na nahagilap ko sa mga classmate ko na may bagong prof. Nahiya naman ako sa pagtawag sa kanya ng 'kuya' kanina.. Umupo ako sa may table no. 7 which is sa unahan at kaharap sa kanya.. Tinitigan ko siya habang siya naman ay may ginagawa sa laptop niya.. Ang gwapo talaga! *w*
Nung kumpleto na kami, nagpakilala siya sa amin.. Siya pala si Sir Alexander De Ocampo.. Ang prof. namin sa Engl6 at kami daw ang kauna-unahang student niya.. Dahil nga sa gwapo si Sir Xander, yung mga malalanding girls sa amin ay may kanya-kanyang paraan para magpa-cute lang sa kanya.. Tinanong pa nga nila kung ilang taon na si sir ehh at kung ano ang status.. Biglang lumaki ang tenga ko dun at talagang nakinig ako sa mga pinag-uusapan nila.. 25 years old lang pala si Sir at siya ay SINGLE! Sa di malamang dahilan, lumundag ang puso ko dun.. Crush ko na siguro si Sir Xander kahit ito ang first time na nakilala namin siya.. GWAPO KASI SIYA EHH! XD Lahat ng girls, kinilig ng bongga.. Yung mga boys naman naming classmate, nangantsaw kaya si Sir Xander ngumingiti na lang kaya naman yung mga malalandi nagtitilian.. Mala-Hearthrob pala si Sir Xander!
Dahil sa malandi ako, nag-facebook agad ako sa cellphone ko at sinearch ko ang pangalan ni Sir Xander.. Sa una pa nga ehh, ang daming lumabas na result at hindi ko alam kung ano dun sa mga results ang FB ni Sir Xander.. Hangga't sa may umagaw ng pansin ko dahil sa profile pic niya na wacky ang itsura.. Ewan ko ba, bigla na naman kasing lumundag ang puso ko at natatawa ako sa picture niya! XD Binusisi ko muna yung profile nun at TADAAA!!! Si Sir Alexander nga yun!!! XD Kinilig ako bigla!!! Nanginginig akong pindutin ang 'add as a friend' kaya naman laking gulat ko ng bigla itong pindutin ng classmate ko at halos mapatay ko na siya dahil sinakal ko siya ng bongga!! Buong araw akong nakatulala ang nagiisip ng malalim dahil iniisip ko kung ia-accept ba ni Sir Alex ang friend request ko. Talagang pinoproblema ko yun ng todo! XD
Sa tuwing makaka-salubong ko si Sir Xander sa hallway ng campus namin, binabati ko siya ng 'Hi Sir!' tapos ngingitian niya naman ako.. Ahihihi! KINIKILIG AKETCH!! :"> Ini-stalk ko siya palagi at kung maikita niyo lang ang cellphone ko, wallpaper nun ay yung picture ni Sir Xander! XD Engl6 na ulit yung klase namin at nagulat ako ng narinig kong nagsalita si Sir Alex ng..
"Who is Tricia Pasco?" Halos lumundag na ako sa kinauupuan ko at lahat ng mga classmate ko naka-tingin sa akin at tinuturo nila ako.. Ngumiti naman sa akin si Sir Alex sabay sabi sa akin na...
"Ikaw pala yung nag-add sa akin sa FB.." Sabay ngiti niya sa akin.. WAAAHHH!!! Kinikilig ako!! >///< Gustong-gusto ko ng tumambling sa harap at kumembot-kembot sa sobrang kilig!! Nung nalaman ng mga classmate ko yun, agad nila akong kinuyog at hiningi nila sa akin ang email add ni Sir Xander. Binigay ko naman sa kanila yun..
Simula nung nangyari yun, ako na palagi ang inuutusan ni Sir Xander kapag may ipapagawa siya sa klase.. Ako na din ang nagiging assistant niya.. Kapag may important announcement sa klase namin, sa akin niya yun pinapasabi at ako na lang daw ang mag-announce sa klase namin.. Halos naging active ako sa klase niya kahit hindi ko ito favorite subject dati at hate na hate ko ito but now, I LOVE ENGLISH! XD
BINABASA MO ANG
UNEXPECTED LOVE [One-Shot] -Editing-
RomanceEverything takes place at the right time.