" Kyaaahhh !! The LUCKY 5 ! I love you ! "
" Ang gwapo talaga nila ! "
" Saranghamnida Kevin ! "
" I love you Earl ! " - sigaw ko.
Si Earl Aguilar, ang long time crush ko. Nasa kanya na ang lahat.
Gwapo.
Mayaman.
Matalino.
Sikat.
Matangkad .
at....
Pinagkakaguluhan ng mga babae.
Ang LUCKY 5 , sikat na banda dito sa school campus namin. Limang miyembro sila kasama na doon si Earl.
Minsan nga , hinihiling ko sa wishing star, o sa wishing well na sana mapansin niya ako. Na sana maging kami.
Alam kong imposible yun dahil isa lang akong hamak na fan niya. Sa dami niyang fans, hindi niya ako mapapansin at isa pa, hindi din nya ako kilala.
Pero nung isang araw,
Natapos ang recess namin. Umupo ako sa isang bench at nagpahangin. Dahil sa wala akong magawa. Nagsulat ako ng isang diary.
Dear Diary,
Alam mo, may crush ako. Si Earl Aguilar. Sana mapansin niya ako. Sana makausap niya ako kahit sandali lang. Sana makasama ko siya kahit isang segundo lang. Kahit yun lang... Sana mapansin niya ako.
Nang matapos na yun.. Naglalakad ako nang may nakabunggo ako.
" Aw ! Sorry po ! "
" Sorry Miss. "
Magkapanabay na sabi namin. Wait. Parang familiar yung boses niya. Parang narinig ko na yun. Tumingala ako kung sino. Laking gulat ko na lang na si Earl pala ang nakabangga ko.
" Miss, okay ka lang ba ? " tanong niya.
" A-ah .. O-okay lang ako. "
" Sorry Miss "
Kinakabahang tumango na lang ako. Kapag malapitan siya, bumibilis ang tibok ng puso ko kaya di ko maiwasang kabahan at mautal. At ito rin yung pinakamasayang araw ko dahil kinausap niya ako. Kahit saglit lang yun. Okay lang. Makita siya at marinig ang boses niya. Kompleto na ang araw ko.
Paalis na sana ako ng...
"Miss, panyo mo oh." Si Earl pala.
"A-ah Thanks. " sabay ngiti ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/18032122-288-k103334.jpg)
BINABASA MO ANG
The FanGirl Wish (One Shot)
Teen FictionA fangirl who fall in love in a popular guy and yet her dreams came true.