Chapter 2 - The Old Building at Princeton

9 0 0
                                    

Chapter 2 – The Old Building at Princeton

Once upon a time

A few mistakes ago

I was in your sights

You got me alone

You found me –

Pinindot ko yung ‘snooze’ sa Galaxy Y ko - yun lang yung afford ni mommy eh – tapos bumalik ulit ako sa pagtulog. Maaga pa naming kasi eh.

*tok*tok*tok Ang ingay ni mommy =_= tapos binuksan pa yung ilaw sa kwarto ko. Ay talaga naman oh.

“Mommy namin eh! 5 mins,” tawad ko pa kay mommy.

“Hoy nako naman Katarina, bilisan mo! Alam mo namang pasukan ngayun, nagpuyat ka pa kagabi! Malelate ka nyan eh!” tapos tinanggal na ni mommy ang kumot ko at lumabas ng kwarto ko.

Bumangon na ako at sumunod kay mommy sa kusina. Mayamaya lang ay handa na akong pumasok. Iniintay ko na lang si mommy para ihatid ako sa school.

Grade 10 na ako or sa iba 4th year high school, sa Princeton International, pero half scholar lang ako. First time ko dito sa school na to kasi lumipat kami ni mommy from Laguna nung namatay si Daddy. Si Tintin naman matagal ko ng kaibigan kasi taga Laguna rin yan kaso lumipat sila dito sa Makati nung nag grade 7 kami. Buti na lang may kakilala na ako dito kaso pagminamalas ka nga naman, di kami magkasection, hays.

Nagpark si mommy malapit sa may main building, “Gusto mo pa bang samahan kita?”

“Wag na ma, andyan naman po si Tintin eh. Kita na lang po tayo mamaya.” Sabi ko sabay bukas na ng pinto.

“Sigurado ka? Asan si Kristin?” tapos tumingin sya sa may papasok ng building.

“Baka nasa loob na po,” sabi ko sabay kuha ng bag ko sa upuan at sara ng pinto.

“Siguro nga, ang tagal mo kasi eh, naiinip tuloy sayo yung tao.”

“Ok, oo na lang. Bye ma, love you!” hindi naman po talaga ako bastos pero, ganun lang talaga kami ni mommy parang magbestfreind lang. Lalo na nung namatay si daddy gusto naming maging kagaya pa rin ng andito si daddy ang atmosphere sa paligid naming kaya ganun kami ni mommy.

“Text mo ako pag may kailangan ka ha? I love you ‘nak!” yan na ang huli kong narinig kay mommy bago ako pumasok paloob ng building.

Sumabay ako sa dami ng taong pumapasok sa loob ng main building, tumingin tingin ako sa paligid, sigurado akong wala akong ibang kakilala dito bukod kay Tintin, first time ko kasi tumira sa Makati. Marami sa kanila halatang magkakakilala na.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at nagsimula ng magtext kay Tintin nang, “Hoy!”

“Ay!” hindi halata na nagitla ako di ba? -_- “Tintin! Bat ba ang halig mo sa ganun?”

“Nako naman Kat, di ka na nasanay sakin.” At nagtampo pa, “Di mo manlang ba ako na miss?”

“Pano kita mamimiss eh halos linggo lingo mo ako tawagan simula nung lumipat kami dito.”

“Eh syempre ngayon lang ulit tayo nagkita after 3 years. Speaking of, sorry wala kami nina Mommy dun sa burol ng daddy mo.” Sabay hawk nya sa braso ko at naglakad na kami sa di ko alam kung saan papunta.

She's MineWhere stories live. Discover now