Chapter 59 : Denying

2K 43 0
                                    

Chapter 59

Evo's POV

Nakakaramdam na naman ako ng sakit dito sa puso ko...Nagseselos ba talaga ako? Pinipilit ko namang hwag na silang pansinin at guluhin eh, pero habang ginagawa ko yun para naman akong magkakasakit lagi...

"Umuwe na tayo?" sabi ko noon ni Sol habang naglalakad kami palabas ng clinic...Di naman kasi talaga ako magtatagal doon eh

pinagpahinga lang ako ni Doc. Kliff...

"Sure ka na ayaw mo pang mag-stay dito?" Seryosong tanong ni Sol...

"Sa bahay ko na lang ako tutuloy ngayon?" Nahinto si Sol at hinila nya ako

"Pinuntahan kaba ni Enzo kanina?" napamaang ako sa tanong nya kaya di agad ako nakasagot..." Magsabi ka naman kasi Evo hindi yang nanahimik ka, nag-aalala kami sayo eh"...

"Ayoko na syang pag-usapan ok!"

"Hay yan ang hirap sayo eh masyado kang malihim" Hala nagalit iwanan ba naman ako bigla...

_____________________

"Anung nangyari doon?" Tanong ni Seph...alam nyo bang pati si Seph eh medyo galit kay Enzo...para syang sira lagi pa rin syang nakabuntot kay Sol...hindi rin masabi-sabi na gusto nya ang kaibigan ko eh...Torpe din...

"Ewan!"

"Ako nang maghahated sayo!"

kinuha ni Seph ang mga gamit ko..

"Bakit mi ginagawa to?" tanong ko sa kanya na agad naman nyang ikinagulat

"Alam mo naman ikaw amg gusto ko para kay Enzo diba? Ewan ko nga ba, basta pakiramdam ko may nililihim sa akin si Enzo" napatingin ako sa kanya

" Itigil mo nga yan,"

"Hwag kang magagalit ah, Hindi kaba nagkagusto sa kaibigan ko kahit kunti?" pakiramdam ko namula ako sa tanong nyang yun..

"Hay wala kayong pinagkaiba ni Sol, Ang kulit nyo pareho!" nauna akong naglakad...

"Uy sandali lang naman Evo,.Halata sayong nagdedenay ka eh,"

patakbo nya akkng hinabol kaya naabutan nya din ako...

"Tumahimik kana Seph" pinandilatan ko sya at inirapan...

"Hay kelan ka kaya magsasabi ng totoo, puro ka deny..."

____________________

(ANTIPOLO)

Madilim na at siguro mga alasais na to ng gabi...Nagugutom na ako kaya pinabilisan ko nalang kay Seph ang pagmamaneho ng sasakyan...

"Sigurado kang ayaw mong kumain na lang sa labas?" tinignan nya ako sa rare mirror ng sasakyan ko...

"Ayoko nga diba?"  masungit kung sagot

"Trait ko!" pagpipilit nya at pangungulit nya sa akin...

"Isa pa Seph sasakalin na kita!" nanahimik bigla si Seph...

Ilang sandali lang narating ba namin ang bahay ko...

May dalawang kotse sa harap ng bahay ni Enzo...kung di ako nagkakamali kay Cess yung Alvord na itim at kay Enzo naman yung Toyota Red...

"Hindi kapa baba?" natauhan ako sa pagkatok ni Seph sa bintana at mapansin kung nakababa na pala sya...

Bumaba agad ako at inabot nya sa akin ang susi ng sasakyan ko...

Hindi ko alam pero bigla na lang akong napatingin sa harapan mg bahay ni Enzo...

Natigilan kami pareho ni Seph ng makita naming lumabas ng bahay ni Enzo si Cess...

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon