Usapang Babae

359 5 1
                                    

*Musta na bess?

Ako? Uhh.. uhm, okay lang naman. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Tumitingin sa malayo. Ewan ko ba, may mga bagay na hindi ko talaga maintindihan.

*Buntong hininga*

Bakit ganun? Kahit saang anggulo ko tingnan, wala naman akong nagawang mali. Kahit na may pagka-Maldita ako mahal ko naman siya eh tapos ipagpalit lang niya ako para sa ibang babae?

*tingin sa itaas*

Kahit na hindi ako masyadong maganda at sexy bess, nasasaktan din naman ako, may puso din. TAO PA RIN. May damdamin. Nangangailangan ng pagmamahal, pag-aalaga, para maging masaya.

*hinga ng malalim*

Kahit na may pagka- BOSSY ako, hindi ko naman inaasa sa kanya lahat. Hindi ko sya masyadong pinapabayad dahil may pera din naman ako galing sa savings ko. Bali KKB kami. So, hindi na ako nagiging mas pabigat sa kanya.

*buntong hininga*

Alam ko may pagka-immature ako pero seryoso naman ako. Basta pag ibig na ang pinag-uusapan. Kung may problema kami o ako lang, sinasabi ko naman agad sakanya para masolusyonan agad. Pero wala talaga.

*hingang malalim*

At ito ang masaklap!

*singhot*

Binigay ko lahat ng pagmamahal ko sakanya pero sinayang lang n'ya. Pinagpalit n'ya pa ako do'n sa sexy'ng babae na mukha namang prosti sa kapal ng foundation sa mukha! Tsk.

*singhot*

Ang saklap ng buhay!

*singhot*

Ang sakit pala talaga kung first Heartbreak mo. Tagos puso, labas dugo.

Hayy buhay. Ang hirap maging babae. Ang magawa mo lang kung brokenhearted ka, umiyak ng umiyak. Di ka sure kung mahal ka at seryoso sayo ang lalaki. Kung totoo ba lahat ng ginawa niya o nagloloko lang siya.

*Buntong hininga*

Ako, kamusta? Ito umiiyak para sa isang gagong lalaki, isang walang magawa sa buhay at sinaktan lang ang magandang katulad ko! Bubuntong hininga. Titingin sa malayo. Matutulala. Inaalala kong may nagawa ba talaga akong mali. Anong pagkukulang ko sa kanya at ba't niya ako iniwan. At paulit-ulit na cycle.

*singhot*

Sige bess, dito nalang.

Mga lalaki talaga ang hirap basahin.
Di ko na maintindihan!

Source : Keisha Dale

Usapang Babae (fanfic of Usapang Lalaki by oowsic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon