ANG LALAKI

173 4 0
                                    

*tingin sa salamin*

*kuha ng suklay sa bag*

*magsusuklay*

*ibabalik ang suklay sa bag*

*kukuha ng make-up*

*magme-make-up*

*ibabalik ang make-up*

*tingin sa kabarkada*

Bess, hindi ko gusto 'yung ginawa mo sa boyfriend mo ah? Alam mo, hindi dapat sila piniperahan. Kahit na naglilibre siya sayo at binibigay nya gusto mo, hindi ka dapat umaabuso. Ano tingin mo sa kaniya, BANGKO? May ibinilin ka bang pera? Di ba wala? Tandaan mo, may sarili din silang buhay. Wag mong iasa lahat. May pera ka naman ah? Ba't di mo gamitin? Ano 'yan, everyday ipon? Lagay piggy bank parati? Libre overload ka sa kanya ganun? Aba! Di dapat ganyan. Naintindihan mo ba ko?

*tingin ulit sa salamin*

*kuha ng lipstick*

*magli-lipstick*

Bess, USAPANG BABAE lang, papayuhan lang kita sa mga dapat mong gawin sa mga lalaki o specifically, sa BF mo. Okeey?

una: Dapat hati-hati kayo ng mga gastosin. SHARE-SHARE ba! Oh di kaya, KKB. Para naman patas at walang maubusan ng pera.

pangalawa: Dapat bigyan mo rin ng regalo. SPECIAL GIFT. Hindi yung nabibili mo lang sa tabi-tabi.

ikatlo: Dapat sineseryoso, hindi niloloko.

*kukuha ng perfume*

*magpe-perfume*

ikaapat: Dapat IPAGMAMALAKI, Hindi sinasabing "Ayy, ano.. uhm, uhh.. FRIEND KO LANG 'YAN."

(Ikinahihiya mo? Aba! Edi sana hindi mo nalang sinagot para hindi masaktan si kumpare. Ano ba 'yan.)

ikalima: Dapat I-tre-treasure, hindi binabalewala.

*ibabalik ang mga gamit sa bag*

*tingin sa kabarkada*

ikaanim: Dapat MINAMAHAL, hindi 'yung ONE-SIDED LOVE lang.

ikapito: Wag kang masyadong CLINGY at SWEET. Baka maumay sa'yo. Chill ka lang!

ikawalo: Wag na wag kang magiging NAGGER. Ano ka niya, NANAY? Okay lang naman magtanong but don't go beyond the limit.

ikasiyam: Wag kang umabuso pag naging mabait at maalaga siya sayo. Inshort, DON'T TAKE HIM FOR GRANTED!

ikasampu: Kahit maldita ka, ipafeel at ipakita mo naman na mahal mo siya. Kahit hindi masyado basta malalaman at makikita niya.

Oh, ano bess? Nakuha mo na ba ang lahat ng sinabi ko? Hindi ganyan trato mo sa boyfriend mo ah? O kahit sa ibang lalaki. Tandaan mo na kung wala sila, wala tayong kahati sa buhay at wala din sana tayo dito sa mundong ibabaw. Sige bess, alis na 'ko. May bibilhin pa ako sa grocery at mall. Sa susunod ulit nating pag-uusap. Sana nakinig ka sa'kin at salamat sa USAPANG BABAE.

Usapang Babae (fanfic of Usapang Lalaki by oowsic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon