*THANKS GOOGLE SA PICTURE NG COVER NITONG STORY ^^*
"Wanna be loved, don't wanna be fool, wanna be cool, wana be loved---" naputol yung pagpapatugtog ko ng I Like It ng BTS or simply Bangtan Boys. Uyyyy wag kayo proud fanboy to, at suga biased pa ^^
[A/N Yung BTS or Bangtan Boys po ay isang kpop group. yun lang po.. Enjoy... pakinggan nyo po yung full song ng BTS na I Like It sa side.. Thank you..]
May tumatawag pala..
"Hello?"
Pero habang may kumakausap sa akin sa kabilang linya nahagip na naman ng mata ko yung babae na palaging nag-iisa at kapag nakikita ko sya palaging nagbabasa ng libro.
"Hello nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko Jin, Huh?!!"
"Ah eh opo auntie hindi lang po ako nagsasalita dahil pinapakinggan ko po kayo.." Patay ano ba sinabi ni auntie?? Patay ako nito stikto pa naman to.
"Oh sige sa weekend simulan mo na itutor yung anak ng kaibigan ko." ahhh yun lang pala xDD
"Sige po auntie. Bye."
"Bye." sabay baba ng tawag.
Haisst ok na yung may tutorials ako na gagawin atleast hindi na ako mabobored sa bahay. Nung napansin ko na tumigil pala ako sa tapat nya pero malayo ah. Paglingon ko wala na sya, kung sabagay nagbell na rin naman at vacant namin. wala kaming teacher kaya nakakagala ako xDD
*Saturday*
Haisst halos araw araw ko syang nakikitang ganun at hindi ko sya malapit-lapitan dahil familiar na ako sa nararamdaman kong ito tuwing nakikita ko sya. Ang toto nyan 3 years ko syang kaklase noong elementary tas ngayong high school 4 years na schoolmate. Haissst paano ko ba sya lalapitan at sasabihin yung totoong nararamdaman ko?!!!!?
*ding dong... ding dong...*
siguro si tita to kasi sabi nya pupunta na lang sila dito sa bahay ee kasama yung sinasabi nyang anak ng kaibigan nya na itututor ko..
"Auntie?"
"Oh siya yung itutuor mo tuwing weekends starting today." Pagkasabi nya yung babae sa likod nya na nagtatago hinila nya para makaharap ko
.
.
.
.
.
.
"Jade Villanueva?" O.O
Pagkasabi ko nun napatingin sya sa akin at nanlaki yung mata nya..
O_________O
"Jin Park?" Niceeeeeeeeee one kilala nya ako ^\\\\\\\^
"MAgkakilala na kayo? MAbuti yun para magkasundo at maturuan mo na sya agad Jin."
"Sige po/Opo auntie." sabay na sabi namin ni Jade... ayieee xDD hahaha ang bading ng iniisip ko xDD
*Fastforward xDD*
Ilang months ko na rin syang tinututor at marunong naman pala sya ee? Pero ayos lang 'to, nakakabonding at nakakaharutan ko sya. Masaya sya kasama kapag kaming dalawa, sa school naman eh balik sya sa pagiging tahimik nya at ang pagbabasa ng libro..
Nandito kami ngayon sa bahay sunday naman ee nag-aya akong magmeryenda at magtapat. Yeah tama magTATAPAT na ako sa kanya sa ibang paraan. ^^
Nandito kami ngayon sa garden nagsa-sight seeing lang xDD
"Ahm Jade?" ito naaa^^
"Bakit Jin-ssi?" Jin-ssi kasi trip nya -,-
"Ahm talikod ka muna."
"A-ah sige." tumalikod sya kahit nagtataka.
Nilagyan ko sya ng blinfold tsaka sya pumalag.
"Hoy hoy hoy Jin-ssi bat mo ko nilagyan ng blindfold ah?"
"Hahahaha wag ka magpanic bilang ka ng 1-100 tas dun mo lang to tatanggalin ah bawal kasi makita ng isang babaeng tulad mo panlalaki lang ito." pagkasabi ko nun pinisil ko pisngi nya.
"Away naman Jhin-sshi..." hahaha parang bata na sabi nya yun pano nanggigigil ako sa pisngi nya ang cute kasi ee.. Kaya mahal ko to ee. Ayan na aa. xDD
"Oo na ito na" sabay bitaw sa cheeks nya ^^
"Ah basta 1-100 ah."
"Oo na oo na >3<."sabay pout nya.
"1... 2... 3..." pagsisimula nyang magbilang..
Dahan dahan kong iniwan yung first note sa tabi nya. Good thing sticky note ginamit ko para hndi madali hanginin.
Nilagay ko na rin sa mga designated places nila yung mga notes para basahin nya na lang at sundin..
Nandito ako ngayon sa corridor sa school kung saan palagi ko syang nakikita nag-iisa na ngayon ay kaming dalawa na ang palaging magkasama at magkatabi.
Ilang minuto pa ang lumipas dahil baka naligawa yun ee nakarating na din sya ng umiiyak? Lumapit sya na umiiyak na hindi ko alam kung masaya o ewan...
"*sobs* *sobs* Jin-ssi? *sobs* *sobs*"
Bigla akong nagpanik nung patuloy parin syang umiiyak na may malungkot na boses nung tinawag nya pangalan ko.
"Oh Jade Bakit ka umiiyak? Masaya ka ba?" sinisigurado ko lang baka iba lang rinig ko hindi malungkot boses nya.
"*sobs* *sobs* para saan to? Alam kong date pero para saan?"
Lumuhod ako sa harap nya...
"Jade since elementary hanggang ngayon I have this feeling na parang magwawala kapag andyan ka at parang kumukulog kapag may kasama kang ibang lalaki. Alam kong simula pa lang mahal na mahal na kiya, hindi ko alam kung kong bakit dahil sabi nga nila hindi pagmamahal kung minamahal mo ang isang tao sa isang dahilan lamang na maganda sya o sexy. Dahil ako hindi ko alam kung anong meron sayo at minamahal kita. Jade I grab this opportunity para aminin sayo ang mga nararamdaman ko at magtanong
.
.
.
Jade Villanueva, wil you be my girlfriend?"
Pagkatapos ko sabihin yun lalo syang umiyak at pinatayo ako saka niyakap. At may sinabi sya na nagpawasak sa damdamin ko.
"Jin-ssi sorry pero di ko kayang tanggapin yan dahil may fiancee na ako at mahal ko siya, alam kong sobrang aga pa para maengaged pero magkasundo na mga pamilya namin ee. Aaminin ko minahal kita noon pero nawala din nung nakilala ko si Kris. Sorry talaga Jin-ssi alam kong may mas deserving pang babae sayo maliban sa akin." Pagkasabi nya nun umalis na sya sa pagkakayakap at umalis ng tuluyan na daladala yung puso ko na nawasak.
Bakit Jade? Bakit?
Kaya pala tuwing nakikita kitang kasama yung lalaking yun sobrang saya mo naiingit ako dahil gusto ko ako lang nagpapasaya sayo. Kaya sobrang tuwa ko nung ikaw pala yung itututor ko at nung napapatawa at napapangiti kita. Una palang pala talo na ako, talong-talo na..
I love you and goodbye my girl in the corridor ..
---FIN---