Gayuma

281 1 1
                                    

Hindi ko maipaliwag,
Kung ba't marahil ikaw ang hinahanap
Pag gising ko ikaw ang nasa isip----

"Clarence!" si Ka Perding, sumisigaw na naman.

"Tanggalin mo nga yang earphone mo! Ano ba?! magtatrabaho kaba o makikinig nalang dyan ng mga kanta ha?!" Nakabeast mode na sya ngayon. Ganyan talaga sya, pag bigyan nyo na, matanda na kasi.

"Opo, sorry! Magtatrabaho na! " agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko. Wala naman kasing customer eh! Ano naman ang gagawin ko? Eh taga abot lang naman ako ng order dito.

5years na akong nagtatrabaho dito, mahirap lang kami kaya di na ako naka-abot pa ng kolehiyo. Kaya napilitan akong magtrabaho, para kahit papaano mapag-aral ko ang dalawa kong kapatid na nasa highschool na ngayon. Saka ko nalang iintindihin ang sarili ko. Basta ang mahalaga makatulong ako sa pamilya.

Buti nga kinuha ako ni Ka Perding dito sa karinderya nya. Ayos daw kasi ako, dumami daw ang customer niya ng magtrabaho ako sa kanya. Mga babaeng nagpapapansin sa akin ang madalas nyang customer. Hindi naman sa pagmamayabang eh, may itsura naman ako.

Pumunta ako sa labas to check kung may mga customer na oorder. May ilang tao, pero yung iba kumakain na. Mukang wala na akong trabaho ngayon so balik muna ko sa loob para makapag soundtrip hehe,pero mukang may bagong customer ako ngayon. Na ngayon ko lang nakita.

"Good Morning Ma'am!" Maligayang bati ko sa babaeng nasa harap ko ngayon. Maganda sya, matangos ang ilong, maputi, maganda ang mata at mukang natural ang kutis nya, pati ang buhok nya na color brown ay bumabagay sa maganda nyang balat.

She Stare at me, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. And then she smiled, she looks like an angel. Para akong stroke ng makita ko ang magandang ngiti nya sa akin. Ewan ko ba pero feeling ko, na love at first sight ako.

"Kuya, Pa order naman ng best seller nyo?" she said in lovely voice , lalo akong tinamaan sa kanya dahil ang ganda rin ng tinig nya. Muka rin syang mayaman dahil sa porma nya. Porma na simple but cute.

"Kuya??" winawagay-way nya yung kamay nya sa harap ng mata ko. Kaya namulat ako sa realidad.

"Yes ma'am! " kumiripas ako to get her order on the kitchen. No, I will cook for her! Tama, magaling ako magluto kaya ako ang magluluto ng best seller namin.

Binuksan ko ang kalan, naghiwa ng mga rekados, at kinuha ang main ingredient sa refrigirator. Inilagay ko ang mga uunahing lutuing sangkap sa kumukulong tubig.

"Hoy!"

"Ay pwet!"

"Nasaan?"

"Grr! Bakit kaba nanggugulat ha?" si Bobby, sya ang tabachingching na kusinero namin. Sya rin ang dahilan kung bakit nababawasan ang mga order ng mga customer. Masiba kasi talaga sya ey.

"Eh pano ikaw! Ano ba kasing ginagawa mo dito? Ako ang kusinero, waiter ka. "

"Wala! Trip ko lang magluto? Hehe"

"Trip magluto o baka naman type mo yung babaeng maganda na nasa labas---" Tinakpan ko ang bibig nya ng kamay ko

"Ssssh! Baka may makarinig sayo! "

Tinanggal nya ang kamay ko.

"Sabi na nga ba eh! So pano? magtatago ka nalang dyan? pormahan mo pare! "

"Eto nga! pinagluluto ko sya oh?! "

"Sige, kain muna ko. Ikaw na muna bahala dito sa kusina ah. Bye bye" sabi ni taba sabay umalis.

hay nako...

----

Tadaaaah!!

Luto na ang niluto ko para kay ... Hindi ko pa nga pala alam ang pangalan nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GAYUMAWhere stories live. Discover now