#1

30 3 0
                                    

Bagong pauso nanaman! Two words... LOOM. BANDS.

Daming bumibili nito. Nauso lang sakin to nung bigyan ako ng bracelet ng kaibigan ko.

At ayun!

Na-addict ako sa loombands. Palakpakan! xD

Lagi nalang akong gumagawa ng loombands. Kapag bored o kaya'y walang magawa.

Lagi pa naman akong bored! Andami na tuloy akong loombands. Dumadami tuloy loomband designs na meron ako.

Habang padami ng padami ang loombands ko, doon naman paitim ng paitim ang eyebags ko kakaresearch ng bagong designs! Oh diba? Bongga!

"Thank you sa loom bands!"

"Bukas nalang bayad ko!"

"Bigay mo nalang sakin to please?"

Yan ang ilang halimbawa ng mga sinasabi sakin ng mga classmates ko. Minsan tumatanggi ako. Minsan hindi. Depends lang kapag naging mabait sila sakin.

Morena kase ako. Dagdagan pa ng napakaitim na eyebags. Nagmukha tuloy akong black american turn to zombie na makikita mo sa The walking Dead na teleserye.

Ayun! Walang nagkakagusto sakin. Bahala sila diyan. I donut care about them other guys. Isa lang crush ko, si Lance.

Sikat siya sa school. Magaling na mang-aawit. Matalino. Mabait. Yun nga lang may pagkasiraulo.

Classmates kami. And the goodnews for mey? NASA TAPATAN KO YUNG PWESTO NIYA! Oh diba? Swerte much!

"Elbii, gawan mo naman kong loom bands oh." kalabit niya sakin.

"Ayoko nga." konting pakipot pa.

"Sige na. Para sa pinakamamahal mong alaga." nagpuppy dog eyes pa siya sakin. Ang cute!

Oo, parang yaya niya ako minsan dahil ma-alaga ako sakanya. Binibigyan ng snacks minsan. Nagshashare kami ng tubig. Nanghihingi yan ng papel sakin. Nangongopya pa minsan. Kasama din sa pagstudy.

Naiingit nga sakin yung mga beki naming kabatchmates dahil malapit yung loob sakin ni Lance.

"Oo na! Tigilan mo nga yan. Ang panget mong magpout!" ngumisi naman siya. Baliw talaga.

***

Pagkauwi ko, nag-effort talaga akong magresearch ng magandang panlalake na design. At sa wakas, may nakita ako! Reggae yung color. Red, yellow, green.

Buong magdamag akong gising paara gawin yung bracelet na yun. Para yun sa crush ko eh!

Pagkadating ng umaga dali-dali akong pumunta ng school para mabigay ito sakanya.

"Lansones! Eto na loombands mo!" niyakap naman niya ako. Hhmmp! Ang bago niya. Wahaha. Mainggit kayo mga beki.

"The best ka talaga Elbii!"

"Syempre. Ako pa!"

"Gawan mo ulit ako ng isa pa. Please????" pinagdikit pa niya yung dalawang kamay niya.

"May choice pa ba ako?"

Lumapad yung ngiti niya tapos niyakap niya ulit ako. Hayy. Heaven. Cloud Nine. (♡_♡)

"This time, color violet ha?"

"Bakla ka ba?"

umiling lang siya at umalis kagad sa harapan ko.

***

Nahirapan ulit ako maghanap ng violet na design. Tapos naabotan pa ko ng midnight. Oh my eyebags!

Oy Loombands!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon