"Ano ba meron at tinawagan mo ko ??"
"may gusto lang sana akong sabihin"
"importante ba yan??"
"oo please punta ka malapit dito sa park nyo intayin kita dito"
Ewan ko ang sama talaga ng pakiramdam ko eh parang may mali hays.
Sure akong tulog na sila mama kaya bumaba ako at lumabas ng bahay kahit nanakapanjama.Nagpunta ako sa park malapit samin at nakita ko sya dun nakaupo sa isang swing.
Lumapit ako sa kanya ng nakangiti pero di parin mawala yung kaba sakin kaya napapaisip ako kung seryoso ata paguusapan namin.Tumayo sya at niyakap ako ng mahigpit nagtaka ako kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"may probelma ba??"tanong ko sa kanya
"Magbreak na tayo"
Nagulat ako sa sinabi nya at natulala diko akalaing hahantong kami sa ganto wala naman kaming pinagawayan na kahit ano,Ano tong naririnig ko sana panaginip lang.Pumikit ako at may tumulong luha sa aking mga mata.
"May problema ba tayo?? sabihin mo kung ano babe pls wag lang ganto"Umiiyak kong sabi
"Nicolette tama na diko na kaya ayoko na"
"akala ko ba walang iwanan bat mo ko ngayon iiwan ? ano ba kasi yung probelma sabihin mo ng malinawan ako!!"walang tigil sa kakaluha ang aking mga mata.
"Hindi na kita mahal may iba na kong mahal"
Napaatras ako sa sinabi nya ito yung araw na ikinakatakot ko na mawala sya sakin nanginginig ang boung katawan ko at tumungin sa kanya kahit nanlalabo ang mga paningin ko.Niyakap ko sya sa huling pagkakataon at nagpaalam sa kanya.