Dream

15 2 0
                                    

•Everything written in this story is pure fiction and has no affiliation to the people or establishments mentioned•

3rd Person's POV

Dream... Pa-ulit ulit na nagpa-play ang salitang iyan sa utak mo. Nasasabik ka nang pumikit muli upang matunghayan ang panaginip mo na naudlot ngunit nasa kalagitnaan ka pa rin ng klase. Pakiramdam mo na nasa isa kang teleserye tuwing nananaginip ka ngunit pagmulat mo ng mata, ni isa wala ka nang maalala.

Bumuntong-hininga ka at pilit na ibinaling ang atensyon sa gurong nagtuturo sa harapan. Sinulyapan mo ang relo mo at tatlumpung minuto nalang upang ma-dismiss na ang huling klase mo para sa araw na ito.

*kringgg*

Napangiti ka ng palihim nang narinig mo ang tunog ng bell. Nagmadali kang dinampot ang bag mo at nagpaalam sa mga kaibigan na mauuna ka na. Hindi nagtagal ay nakadating ka sa inyong bahay. Kumain ka na at tumungo sa kwarto.

Humiga ka hanggang sa hinila ka na ng antok at tuluyan nang nanaginip.

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon