Ako'y napipi
Ako'y naduwag
Kasinungalingan ang
ginawang sulusyon
Pinili na takasan
ang nararamdaman
Akala'y sa pamamagitan
nito ay makakalimotNgunit napagtanto na ika'y
mahalaga
Kaya't hindi na kinaya
Kaya't binalikan kaNgunit sa maling oras
at panahon pala
Akala'y pwede pa
Akala'y may pag-asa paNgunit wala na pala
Kasi masaya kana sa piling ng ibaKaya pinili nalang ulit
na itikom ang bibig
Muli na namang naging PIPI sa pangalawang
pagkakataon
At pinili nalang na magkunwaring masaya
at hindi masakit kahit sobrang sakit naUmasa na kaya mong maghintay
Ngunit apurado ka pala
Kaya't agad kang nag hanap ng iba
Na iyo namang ikinaligayaNaging PIPI sa mahabang panahon
Natakot na baka tanggihan mo o ayawan mo ang isang tulad ko na nagmahal lang sayoAko'y isang PIPI
Pipi sa pag sabi ng katotohanan
Pipi sa pag sabi ng nararamdaman
At Pipi dahil hindi nabanggit ang salitang "MAHAL KITA"
Salitang itinago sa isip na iaalay sana para sayo.........Thank you for reading !!!?