Way back Past

26 0 0
                                    

Nang pagkaharap niya. Parang namumukhaan ko na siya pero hindi ko maalala kung san kami nagkita.

"Hi , Guardian Angel ". He whispered and smile sweetly.

At ako ay tulala lang. nagulat na lang ako nasa harap ko na pala siya. Shocks ! Ang gwapo niyaa

"Who are you?" Tanong ko ng may pagtataka. 

"Aww, Don't you remember me ? sad to hear , because me ? I never forget you".Sabi nya with his seducing tone with matching lip bite. 

He's a gooddamn hawwt ! Ang hot niya grabe. Sino ba kasi to ? Pero pilit ko talagang inaalala kung san kami nagkita e. He's quite familiar

Umiling lang ako bilang sagot ko. napangiti naman siya at lumayo ng kaunti sakin

"Dawn Angelo Salvador , nice to meet you again Guardian Angel". at tinaas niya ang kamay niya na animo'y nakikipag shake hands..

loading...

25%

50%..

75%

100%

"Whaaaa.Nerrrd ? Is that you ? How come ? Grabe ang laki na ng pinagbago mo". sabi ko ng di makapaniwala 

He just give me a seducing look and a lip bite 

Then he whispered

"Come". Pag aya niya

"Eh?"-ako

"I said come"-siya

"S-san?"-kinakabahang tanong ko

Habang papalapit lang siya ng papalapit.Nakatingin lang siya sa mga mata ko while smirking with his seducing look. Maayygaaad bata pa po ako 

Habang paatras naman ako papalapit siya

"A-ano kasi amm aalis pa kame ni jaycee , diba jayc--". Napahinto ako ng paglingon ko wala na si jaycee. whaaa pano nako nito

Binaling ko ulit ang tingin ko sa kanya at magkalapit na pala ang mukha namin. 

I smell his masculine perfume

"Come on My Guardian Angel". He said with seducing tone

I can feel his breathe 

"i-im in a h-hurry kasi". Pagtanggi ko

Nabigla ako ng hinawakan niya yung kamay ko bigla.

"Saglit lang to"- sabi niya pa

"Waaggg!--". Pagsigaw ko

"Why?". 0.0 pagkabigla niya "

"Busog ka ba ? Sayang may hinanda pa naman akong dinner". Sabay turo niya dun sa nakahandang table na may pagkain at kandila pa na halatang para sa dalawang tao lang

Ok. so assuming ako ganon ? Nakakahiya -.-"

"Ahehehe.joke lang ^_^Y peace". Sabi ko. ugghh nakakahiya 

After namin mag dinner e hinatid niya na ko sa bahay

Sino siya ? wait , kwento ko 

Flashback... 

Naglalakad ako sa hallway ng school namin may pakanta kanta effect pa

Lalalala .. Ng may nakita kong binubully sa sulok

"Oy, ano ginagawa niyo jan ha?'".- sita ko dun sa mga lalake,tatlo sila at di hamak na mas matatangkad sila kaysa sakin. pero di ako nagpatinag 

"nambubugbog,gusto mo ikaw na isunod namin ha?".

ay aba't sinusubukan ako netong mga to, baka uubra sila, tignan naten 

Then i smirked 

"Let's see"-hamon ko pa sa kanila

at natigilan sila sa pambubugbog dun sa lalake, kita sa mukha nila ang pagkagulat.

Pero hindi din sila nagpatinag.

Papalapit na sila sakin ng..

"ah excuse me wag na, wag niyo syang idamay. hayaan niyo na lang siya".pag mamakaawa nung lalaking binugbog nila.

"oh ikaw manahimik ka jan ah. kung ayaw mong ako na tumapos sayo!" saka ko siya tinignan ng matalim. 

at binaling ko agad ang tingin ko sa tatlong mokong ,

nang makalapit sila ay pinalibutan nila ko kaya dahan dahan akong umiikot na parang fighting scene sa tv

then nung sumugod na yung dalawa binigyan ko ng  flying kick yung isa sa kanan at upper cut naman sa kaliwa chaka ko siniko yung isa sa gilid ko. at kung anu ano pang mga sipa,suntok at sampal ang natanggap nila mula sakin ng bumagsak na silang tatlo inapakan ko pa sa tyan yung leader leaderan nila

"oh ano? uulit pa kayo? dagdagan ko pa. ano?!" pananakot ko pa, at agad naman silang nag sitayuan at tumakbo palayo.

"oy ikaw nerd? anong tinitingin tingin mo jan? Tayo na!" sabi ko dun sa lalaki ng may pananakot pa.

tumayo naman agad siya "Ah,salam--".

"Oh hephep, wag kang mag drama, at wag kang magpasalamat may bayad yun!". Ramdam ko na magpapasalamat na siya kaya pinigilan ko. hindi ko naman ginawa yun para magpasalamat siya at magkaron pa ng utang na loob sakin.

"Ahh,ano, kasi amm.  wala na kasi akong ano pera , kinuha na nila". 

"Hindi ko kailangan ng pera mo no ,di ko ginawa yun para manlimos!"-pagtataray ko pa

" e ano pala gusto mo?"-tanong niya

"Gusto ko? Simple lang! Kailangan sa susunod na magkita tayo, hindi ka na nagpapa api sa mga hinayupak na yun. o sa kahit na kanino pa mang poncio pilato jan! At ayan yung salamin mo! ang laki laki, mababa lang naman grado niyan diba? kasi di naman ganun ka kapal, bumili ka naman ng magandang design. at later on macocorrect din naman yan. So ,much better! yung uniform mo, magpatahi ka ng bago, yung fit lang sa katawan mo.yung tama lang. hindi yung ganyan.long sleeves na nga nilakihan mo pa! anong klaseng katarantaduhan yan! Umayos ka ha.Umayos ka!"Litanya ko pa sa kanya 

Siya naman natulala pa 

"Ah O-o s-sige"

"At , HUWAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN HANGGA'T GANYAN KA PA! KUNG DI GUGULPIHIN TALAGA KITA, KUHA MO?".

Tatango tango lang siya habang bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulat. well, ayoko kasi ng may naaping ganun at ayoko din namang turuan syang dumepende lang sakin dahil tinulungan ko na siya. tinulungan ko siya sa paraang mas maganda!

At infairness simula noon di ko na talaga siya nakita. 

--

Hi there readers, kung meron man XD

I'll try my best na talaga para makapag UD agad agad :)

Ang Boyfie kong Dyosa (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon