Ticking-OneShot

25 11 0
                                    

Tik tok tik tok tik tok

Sumasabay sa ihip ng hangin ang tunog ng orasan. Habang bumibilang ito ng segundo na ako nama'y hindi pinapansin.

Wala akong pakialam.

Tik tok tik tok tik tok

Hindi ako mahal ng nanay ko. Iniwan nya ako. Ipinagpalit nya kami sa iba, dahil daw mga wala kaming kwenta. Nakakabanas! Kami na nga yung nagkakanda kuba kuba sa paghahanap ng trabaho samantalang sya eh nakaupo lang tas sya ngayon itong magrereklamo?! Ano akala nya samin?! Namumulot ng pera?

Tik tok tik tok tik tok

Si tatay naman. Nadadatnan ko syang ginagahasa si Ate. Ayoko lang madamay kaya nananahimik ako. Narinig ko pa ngang pinagbantaan nya si Ate na wag magsumbong kundi ay papatayin nya ito. Ano namang magagawa ko?! Si ate nga wala ako pa kaya?! Edi ayun.. nagpatuloy parin si tatay.

Tik tok tik tok tik tok

Si ate naman.. ang hina hina. Wala syang ginagawa kundi ang umiyak dahil sa pinag gagawa ni tatay. Minsan rin ay nananahimik lang sya sa tabi at parang nababaliw na dahil kinakausap nya ang sarili. Kung sana nagmalakas sya at nag sumbong. Hindi na sana sya hahantong pa sa ganito.

Tik tok tik tok tik tok

Si kuya naman.. palaging wala. Andun sa mga kabarkada.. masaya. Habang kami dito miserable, sya naman nagpapakasaya. Wala syang kwenta, ni kahit isang kamusta wala syang sinabi. Ni kahit salapi wala syang binigay. Ganun ba talaga? Hindi naman kami nag kulang sa kanya ah.

Tik tok tik tok tik tok

Etong si bunso naman, walang tigil kakangawa. Akala mo sya lang yung nasasaktan at nasasakal. Ako na nga itong pinag titiisan ang nakakainis na mga ugali nila, tapos sakin pa mapupunta lahat ng sakit.

Tik tok tik tok tik tok

Napatingala ako sa orasang nasa ibabaw ko lang. Kung pwede lang sanang pabalikin ang oras na masaya pa kaming magpamilya. Yung nag ngingitian kami, nagtatawanan, at nagmamahalan. Pero ano pa bang magagawa ko eh nangyare na ang nangyare.

Tik tok tik tok tik tok

Sa ngayon... ang masasandalan ko nalang talaga ay si Kit. Kelangan ko syang puntahan, kelangan ko syang makausap. Ayoko na sa buhay ko... sasama ako sa kanya. Hinding hindi na ako babalik pa sa lecheng buhay nato.

Tik tok tik tok tik tok

Alas syete ng gabi. Napangiti ako. Ito ang oras na sinabi ko kay Kit na pupuntahan ko sya. Kahit hindi sya nag reply ay pupuntahan ko parin sya. Nagmamahalan kami ni Kit at nangako kaming tutulungan namin ang isat isa.

Tik tok tik tok tik tok

Nagsimula na akong maglakad patungo sa condo unit ni Kit. Excited na rin siguro yun na makita ako. Natigil ako sa paglalakad ng madaanan ko ang isang karenderya na may tv. Naagaw ng atensyon ko ang kasalukuyang binabalita.

      "Isang babae patay, matapos gahasain ng kanyang nobyo sa condo unit nito. Matapos gahasain ay pinatay ito ng lalake gamit ang pagpukpok ng napakalaking bato sa ulo upang agarang mamatay ang dalaga. Tinutugis pa ng mga otoridad ang suspect."

Nakunot ang nuo ko at nagkibit balikat nalamang saka naglakad muli. Grabe naman iyong balita, nirape saka pinatay? Walang hiya yung nobyo ng babae. Mabuti pa si Kit, hindi ganun. Mahal ako ni Kit kaya hindi nya magagawa sa akin yun.

     Ng makarating sa condo na tinitirhan ni Kit ay pumasok ako sa elevator. Pinindot ko ito kaso parang ayaw umandar. Napasinghap nalang ako ng malalim at lumabas sa elevator saka tinungo ang hagdan.

      3rd floor pa si Kit pero okay lang. Hindi ako nahirapan sa pag akyat at agad nakarating sa floor, hinanap ko ang room ni Kit na 211 at kakatok na sana sa pinto pero naaninag kong may tao sa loob.

Sa lakas siguro ng aircon sa loob ay lumabas ang isang papel sa siwang ng pinto.








Dont cross the line.



A-ano to? May nangyare ba sa loob?

Agad kong itinulak ang pinto at nagimbal sa isang tanawin na kahit sa panaginip ko ay hindi ko gustong makita. May bangkay. May bangkay sa gitna ng room, naliligo ito sa sariling dugo at wasak pa ang ulo. Hindi ko na ito halos makilala pa.

Muli kong tiningnan ang room number. 211 parin. Siguro nagpalit na ng room si Kit. Haha... hindi naman kasi pwedeng si Kit itong patay dahil lalake naman sya.

At hindi rin pwedeng ako yan... dahil kakapunta ko lang dito.

Nagulat ako ng kahit katiting ay hindi manlang ako napansin ng kahit ni isang pulis. A-anong ibig sabihin nito?

        "Ano? Wala bang Identification card?" Tanong ng isa sa kanila. Pinagmasdan ko sila at parang hangin lang ako dito.

        "Wala eh. Pero tingnan mo yung relo, saka yung locket nya."

Binuksan ng isang pulis ang locket at sinipat ang laman nito. Pati na ang relo ng bangkay. Napailing ang pulis na sinasabing wala.

       "Tingnan mo rin dun sa logbook. Room 211 tingnan mo kung sino ang pumunta dito." Sabi ng isang pulis na sinunod naman ng kasama nya.

Kumabog ang puso ko. Hindi naman siguro ako yan diba? Wala akong naalalang pumunta ako dito, at imposible ring magagawa sakin ni Kit yan. Mahal nya ako, at hinding hindi nya ako sasaktan.

  Nagulat ako ng may luhang pumadausdos sa pisngi ko. Saka ko ulit narinig ang boses ng isang pulis na natira dito.

       "Tsk tsk tsk, ang tindi siguro ng galit nung lalakeng yun sa babaeng to. Sayang ang seksi pa naman." Nanindig ang balahibo ko. Manyak rin ata tong pulis na to eh. "Hay naku miss. Nag pauto ka kasi sa lalakeng yun, ayan tuloy nangyare sayo. Magaling rin magtago ang bwisit na Raiku na yun, di pa mahuli huli kaya ikaw nabiktima na nya na rin. Pang ilan ka kaya, sa natatandaan ko, labing lima na ang kaso ng rape sa kanya." Sabi nya sa bangkay. Pero parang sa akin naman tumatagos ang mga salita nya.

Pero kahit ganun ang narinig ko, napanatag parin ang loob ko. Raiku ang pangalan ng suspect at hindi Kit. Hindi rin ako ang babaeng bangkay na yan.

Akmang aalis na sana ako pero dumating naman bigla yung isa pang pulis. Balisang balisa ito at parang may alam na kaya natigil ako para makinig.

 



        "Cheif! Alam ko na ang pangalan ng biktima. May ginamit rin na ibang pangalan ang suspect kaya hindi sya nakilala ng receptionist. Kit Arevalo, ang ginamit nya habang ang pangalan naman ng biktima ayon sa log book ay.. ano nga ba yun? Ariela? Alleren? 一

Pinutol ko na mismo ang pagsasalita ng pulis dahil alam ko na ang katotohanan. Napahagulhol ako at napaupo sa sahig.


        "Ashie Herrera." Pagsambit ko sa pangalan ko habang nakatingin sa bangkay.


The clock is ticking, and for me, it will stop now.

::::::::

Ticking || OneShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon