Prologue

10 0 0
                                    

Mahirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.

Kausap mo siya pero iba lage ang laman ng isip niya.

Abot-kamay ang inyong pagitan pero tila ang layo-layo niya.

Sa dinami-dami ng tao dito sa mundo na pwedeng ibigin, ba't don pa sa taong may mahal ng iba?

Bakit don pa sa taong hindi tayo gusto?

Bakit sa kanya pa na ang dami-dami naman dyang iba?

Bakit ba?

Isa lang ang nakikita at naiisip kung dahilan........ Mahal ko siya.

Iba ang nagagawa ng pag-ibig sa atin.

Nagagawa mo ang mga bagay na never mong inisip na kaya mo pala.

Nagagawa mong maging matapang kahit ang hirap hirap na.

At nagagawa mong magmahal parin kahit nasasaktan kana.

In my case, minahal ko siya kahit masakit na. Ilang buwan lang kaming nagkasama, hindi pa kadamihan ang memories na nabuo pero pinanghahawakan ko ang sinabi niya na mamahalin niya rin ako balang araw. Pero I guess wala na akong magagawa pa kasi nagbalik na ang ex niya. Nagbalik para ayusin ang lahat. Nagbalik para ayusin ang nasirang sila.

Anong laban ng ilang buwan na pagsasama sa taong-taong pagmamahalan nila?

Anong laban ng isang ako sa isang siya?

"ANO?! "

"Hoy Tanya anong sinisigaw-sigaw mo diyan ha?" Pasigaw na sabi ni mama.

"Ha? Ah eh wala po ma. "

"Anong oras mo balak matapos diyan sa banyo? Kanina ka pa diyan, akala ko tatae ka lang ba't parang ang tagal?"

"Eto na po, patapos na po" sabi ko habang kinukuha ang sabon na isasabon ko sa pwet ko para matapos nato.

Hindi ko namalayan na napalakas pala ang pagkasabi ko sa iniisip ko. Masyado akong nadala kaya nakalimutan kung tumatae pa pala ako.

"Tanya, nandiyan pala si Zach sa sala kanina pa naghihintay sayo. May importanteng sasabihin daw sa iyo."

Napabalik ako sa aking paglalakad patungong banyo ng sabihin iyon ni mama.

"ANO?!" pasigaw kong naisabi dahilan para marinig ito ni Zach at tawagin ang pangalan ko.

"Ano bang sinisigaw mo diyan ha? Kanina ka pa ano ng ano dyan. Baka anuhin kita dyan eh."

"Ma naman eh! Ba't niyo po siya pinapasok?!"

"Eh kasi may importante daw siyang sasabihin sayo, ba't di mo nalang puntahan para malaman mo kung ano ang sasabihin niya."

Na conscious ako bigla sa aking katawan, sa aking mukha at sa kung ano ang suot ko. Naka pajama at maluwag na plain white shirt ako at wala akong suot na bra. Shit! Anong gagawin ko?

Bago pa ako nakapag isip ng gagawin ay bigla siyang lumapit sa kinatatayuan ko dahilan.

"Wag kang lumapit! Binabalaan kita! Mapapatay kita ng hindi oras! Wag kang lumapit!" buong diin kong pagkasabi upang siyay matakot. May pagkamalibog ang lalaking ito.

"May sasa..." unti-unti siyang lumapit.

"Sinabi ng wag kang lumapit, pumunta ka sa sala at maghintay ka. Don tayo mag uusap. Wag dito."

"Okay, okay kalma lang. Wala akong gagawing masama."

Bumalik siya sa sala at pumasok naman ako sa kwarto ko at dali-daling nagbihis.

Ano bang ipinunta niya dito?

Matapos kong magbihis ay pumunta ako sa sala. Tinitingnan niya ako at nagsisimula na naman akong maconscious.

"Ano bang pinunta mo dito?" tanong ko sa aking pagkaka-upo.

"Gusto kulang makipag usap sayo."

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko habang ina-arange ko kunware ang mga unan sa sofa.

"Tungkol satin."

Napatigil ako sa kanyang sinabi. Hindi to pwedeng marinig ni mama, magagalit yon.

"Zach pwedeng bang sa coffee shop nalang natin to pag-uusapan? Sorry at pinaghintay kita pero I don't think this will be the right place to talk about that."

"Sure, sorry din sa abala."

"Kita nalang tayo mamaya."

"Sige"

Matapos nyang makalabas ay napaisip ako. Ano kayang sasabihin niya? Aware ako na walang kami pero ba't niya sinabing pag-uusapan namin ang tungkol samin?

Mayamaya....

"Ma, alis na po ako."

"O siya, mag-ingat ka."

Palapit palang ako sa coffee shop, nakita ko na siya sa may gilid na mahinahong naghihintay. Iba na ang kanyang bihis at dala niya ang kanyang laptop na nakalapag sa maliit na lamesa.

Bigla siyang tumayo ng makita akong papalapit. Hindi ko mabasa ang iniisip niya dahil para siyang naguguluhan na hindi ko maintindihan.

"Sorry pinaghintay kita. Kanina ka pa ba?"

"Ah wala yon, maupo ka."

"Ano nga ulit yung sasabihin mo na tungkol sa atin?"

"Gusto ko lang humingi ng sorry."

Napatigil ako sa sorry nya. I've been longing for him to tell me that dahil bigla nalang niya akong inignore for a reason na nagbalik na ang ex niya. Alam kong sabik sila sa isa't-isa, sabik na magka-usap, magkakwentuhan at magkabalikan kaya siguro nya yon nagawa.

"Wag mong isipin yon, you don't need to say sorry, wala kang kasalanan." masigla kung tugon para hindi nya mahalata na unti-unti akong nasasaktan.

"Kumusta kana?" tanong niya para kunware gumaan yung atmosphere ng aming pag-uusap.

"Ako? Heto buhay pa (pero parang patay na simula ng mawala ka- pabulong kung sabi.)
"Ha ano yun?"

"Sabi ko okay lang, nagmamaganda parin."

"Anong nagmamaganda? Maganda ka naman talaga."

Yan yung isa sa rason kung ba't nagustuhan ko siya. Sa pagiging honest niya.

"Eyy, shelemet nemen." tugon ko.

"Ikaw? Kumusta na kayo ni Mia? Nagkabalikan na ba kayo?"

Biglang napawi ang ngiti sa kanyang labi ng banggitin ko ang pangalan ng kanyang ex, this time naging seryoso siya.

"Iniiwan na naman niya ako."

Mababakas ang pait sa kanyang pagkasabi. Nasasaktan na naman siya. Sinaktan na naman ng Mia na yan, ang mahal ko.

"Sorry, hindi ko sinasadyang i open ang topic tungkol sa kanya."

"Okay lang, alam kung tatanungin mo sa akin yan."

"Can I ask you something?" tanong niya.

"Sure, ano yun?"

"Can you be my girlfriend?

Nabigla, nashock, natulala ako sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko at mas lalong hindi ko alam kung anong isasagot sa kanyang tanong.

Should I or I shouldn't?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon