The Beginning

7 0 0
                                    


Tanging tunog ng aircon ang naririnig ko, minulat ko ang mata ko. Madilim dahil natatabunan ng makapal at malaking pulang kurtina ang sinag ng araw. Dahan-dahan kong tinaggal ang makapal na comforter na nakatabon sa katawan ko.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong silid. Malawak at sobrang elegante. Carpeted ang sahig na kulay pula rin.

May apat na pintuan, ang isa ay para sa Closet, ang isa ay para sa banyo, ang isa ay para sa make up room at ang isa ay ang pintuan palabas.

Hayyy, hindi talaga ako nasanay. Dominique, dito ka na nakatira okay? Dito ka nakatira sa isang mansyon na kung saan nakatira ang mga magulang mo, okay? Let's say naninibago pa rin ako dahil wala pang isang linggo ako dito.

"Priscilla Dominique, gising ka na ba?" humikab ako bago sumagot.

"Opooo" sagot ko at pikit matang naglakad papasok sa banyo at nanghilamos. Nagtoothbrush, at naeexcite na gumamit ng mouthwash, pinabili ko kasi si Yaya nang mouthwash na strawberry at mint flavor, ngayon Strawberry ang ginamit ko.

*Glog* glog* *glog*

"Domi—ahhhhppt"

Napa 'O' ang bibig ko nang naibuga ko kay Adele ang mouthwash na galing sa bibig ko. Bigla-bigla kasi syang pumasok.

"Kadiriiiiii" reklamo nya sabay hilamos ng mukha nya. Matalim nya akong tinitigan matapos.

"Oh my god, Dominique. Paano kung si Lola ang pumasok? Deds ka talaga." halakhak nito, bahagya pa akong nagulat pero nakitawa na rin, alam nyo minsan baliw din 'tong si Adele 'eh.

"Sorry, nabigla kasi ako." pagpapaumanhin ko.

"No, it's okay. Mabango naman ih." ngumisi sya. Pfft.

"By the way, bakit ka narito?" tanong ko.

"Ah! Magpapasama sana ako sayo sa boutique ng friend ko. May kukunin akong dress for the upcoming party for you."

"Eeeeh sabihin mo naman kay Mommy na hindi na tayo mag papaparty, nakakahiya kayaaaa." pagsusumamo ko.

"Duhh, hindi ko gagawin yan no. Invited si Rain kaya hindi pwedeng hindi matuloy 'to. Hmmp!"

"Haha! Sino ba kasi yang si Rain? Kapatid ba yan ni Storm?" halakhak ko.

"Ha.Ha.Ha. Uranus Lanser ang ika-apat sa apat na magkakapatid, Panganay si Uranus Lanser Asumpcion, 26 years old. Pangalawa si Mercury Grace Asumpcion, 22 years old. Pangatlo si Earth Vaughn Asumpcion 20 years old, hotty to jusko, pero di ko sya type. Pang apat si Neptune Brix Asumpcion, 17 years old." tili nya.

"Wag mong sabihing Saturn ang mama nila at Venus naman ang papa HAHAHAHAHAH" halakhak ko.

"Wapeks! Baliktad ka lang. Venus Mildred Asumpcion ang mama nila at Saturn Hades Asumpcion naman ang papa nila." laglag ang panga ko, kung literal lang ay nasa sahig na ito.

"Epic nang mukha mo sis, hahahaha" tawa sya ng tawa, nakahawak pa sya sa tiyan nya. Ako ba, pinagtitripan ng ate ko?

"Seryoso? Yang tataa"

"Oo nga sabi. Kaya samahan mo na ako at pupunta tayo sa boutique ni Mercury." as in?

"As in? Bakit hindi na nila pinalitan apelyido nila ng planet?" nag make face naman sya, saka ako inirapan.

Hi, PriscillaWhere stories live. Discover now