S I X

23 1 0
                                    

Binalot ko na yung regalo ko. Pero nakailang ulit na ako , hindi pa din matamatama.

Biglang sumagi sa isip ko yung pinanuod ko kanina sa Movie House.

Inisip ng bida na mapadali ang gusto niyang gawin.

Ginaya ko yun. Pumikit ako at pina relax ang utak ko at nag-concenrtate.

Tapos iniisip ko kung paano ko gusto o anong paraang ibalot ang regalo ko.

Itinapat ko yung kamay ko sa regalo at inisip kung paano ko ito babalutin.

Habang nagpo-focus ako sa ginagawa ko, bigla na lang may lumabas na parang ilaw sa kamay ko at biglang nabalot na yung regalo.

Hindi ko maiwasang hindi matakot at magtaka kung bakit ko nagawa yun.

Yung muntik na akong ma rape at ngayon ? Iisa lang ba ang dahilan?

May kapangyarihan ba ako?

Pero imposible. San naman to nanggaling ?

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sasabihin ko ba kay mama kung anong nangyari sa akin.

Kinurot ko ang pisngi ko para malaman kung totoo ba ito at Hindi ako nananaginip.

"Paano? Talaga bang may kapangyarihan ako? Imposible naman yata ito."

Napatayo ako at pumunta sa harap ng salamin. Okay naman ang itsura ko wala namang nagbago.

Napatingin ako sa mga Mata ko. From Purple to Dark Purple? What the?!

Nang dahil sa gulat ko, hindi KO na namalayan na nawalan na pala ako ng malay.


Third Person's POV

Nawalan ng malay si Ally dahil sa pagkagulat niya sa mga nangyayari.

Matapos ang mahabang oras ng pagkawala ng malay ni Ally biglang nalang siyang nagising at parang wala sa sarili.

Tumingin-tingin siya sa kanyang paligid , ngunit hindi Niya alam kung saang lugar siya napadpad.

Nag-isip siya kung Ano ang nangyari sa kanya at pano siya nakarating sa isang hindi pamilyar na lugar.

Nandito siya sa harap ng isang talon. Nakahiga siya sa isang napakalaki ngunit napakakinis na bato. Halos kumikinang ang mga bagay na nasa paligid niya.

Parang nasa isang palabas siya. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari.

Ang tanging naalala niya lang ay bigla siyang nawalan ng malay sa kanyang kwarto.

"Paano ako napunta dito? Anong lugar ito? Nasa langit na ba ako?" Usap ni Ally sa kanyang sarili.

Tumayo na siya sa kanyang pagkahiga at upang makapagmasid-masid sa paligid.

Napakaraming uri ng bulaklak dito. Magagandang tignan ngunit hindi ito pamilyar. Bago lahat ang kanyang nakikita maliban sa isang parte ng lugar.

Malapit sa talon may isang napakalaki at mahabang kahoy na inilagay upang maging isang tulay patungo sa harap ng talon.

Sa isip ni Ally maaaring pwede siyang makapasok sa loob nito. Napagdesisyunan niya na pumunta siya loob ng talon nagbabasakali na may makita siyang tao upang makapagtanong kung saang lugar siya napadpad at paano siya makabalik sa kanilang lugar.

Pumunta na siya sa may kahoy upang makapunta na sa loob ng talon. Naghinay-hinay siya sa paglalakad dahil pag magkataong madulas siya, maaari siyang mahulog at malunod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Purple Eyes PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon