Lunch

7 0 0
                                    

💞Doyeon POV💞

"Ano ba kanina pa tayo naglalakad di ba tayo hihinto"- sabi ng panget aba't

"Hoy! Sino ba kasi nagsabi sayo na sundan mo ko kahit saan ako pumunta. Lumayas kana nga sa harapan ko kung pagod kana edi umupo ka"- grabe ang daming reklamo ng isang to kahit wala pa naman kaming masyadong nalalakad.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at di na pinansin ang pagrereklamo nya grabe ang daldal ng isang yun sarap nilang pagsamahin ni pink sa isang hawla panigurado magkakasundo yung dalawang yun.

"Hey! Wait grabe ang bilis mo naman maglakad para kang cheetah"- tiningnan ko sya ng masama

"Eto naman joke lang hehehe... nagugutom na kasi ako tara kain tayo treat ko"- pangyayaya nya

"Geh nagugutom na din naman ako"- sabi ko

"Yun oh! Pumayag sya let's go may alam akong malapit at panigurado magugustuhan mo dun"- masayang sabi nya

Pagdating namin dun naghanap agad kami ng table at umupo. May dumating na waitress

"Hi ma'am Hi sir"- pagbati sa akin nakangiti nga plastic naman pero pagdating kay asungot kung ngumiti kala mo mapupunit na yung labi nya at aba't nagpapacute pa

"Hi din Ms. Cute"- at nag wink pa ang asungot arghhh... Ang landi talaga ng lalaking to isama mo pa tong babaeng to ang sarap nilang paguntugin

"Okay Ms. Waitress titigan mo na lang ba yang asungot na yan o kukunin mo ang order namin"- inis na sabi ko

"Sorry po maam what is your order?"- tanong nya

"Carbonara and pink milk ice cream"- sabi ko

"Ganun na lang din ang akin"- asungot

"Ang sungit mo naman meron kaba ngayon?"- tanong nya

"Wala masungit talaga ako"- sabi ko naman

"Siguro pinaglihi ka nang nanay mo sa sama ng loob kaya ka ganyan"- asungot

"Aba't hoy! ugok kung di ka titigil dyan sasapakin talaga kita"

"Ito naman nagbibiro lang hahaha.."- tawa nya

Maya- Maya dumating na ang order namin at kumain ng tahimik.

"Hmm.. Hoy babae may tanong ako gusto ko sagutin mo lahat"

"Hoy asungot hindi babae ang pangalan ko. Ang pangalan ko ay Doyeon atsaka wag kang ngang demanding dyan"

"At hoy ka rin hindi asungot pangalan ko kundi Taehyung okay at wag ka nang maarte sagutin mo na lang lahat ng tanong ko"

"Ano bang itatanong mo MR. TAEHYUNG"- diinan ko talaga ang Mr. Taehyung

"Pano kayo naka-survive ng mga kasama mo"

"Anong ibig mong sabihin?"-tanong ko

"Ang ibig kong sabihin yung binigay naming parusa sa inyo na wanted kayo"

"Ah yun ba okay lang pang batang parusa lang naman ang naranasan  namin"- sabi ko na parang wala lang sa amin pero sa totoo lang nakakapikon talaga yung wanted thingy na yun

"Talaga kung sa bagay mga amazona naman kayo di rin nakapagtataka kung bakit nalagpasan nyo ang mga ginawa nila pero hanggat di namin sinasabi na itigil namin yun makakaranas kau araw-araw ng ibat-ibang parusa"- nakangising sabi nya arghh.. Aish asungot talaga

"Whatever. Alam nyo ang dami nyong alam wanted thingy sino ba nag pauso nyan"- naiirita kong sabi

"No other than ME"- sabi nya habang nakangiting tagumpay

"Ikaw na asungot ka pano mo napapayag yung mga kasama mo sa wanted thingy na yun"

"Hahaha... Yun ba wala lang naisip din nila na parusahan ang mga makukulit na estudyante "

"So sa tingin mo makukulit kaming estudyante"- tanong ko

"Oo dahil umupo kayo sa pinagbabawal na upuan na para lang dapat sa amin"

"Grabe ang childish nyo naman may special na upuan talaga para sa inyo. Ano kayo mga prinsepe?"- saad ko

"Oo di ba halata*habang nakahawak sa baba"- proud na sabi nya

"Pwede ba tigilan mo kong asungot ka nakakadiri nakakawalang ganang kumain"- sabi ko habang umaarte na nasusuka.

"Hala grabe sya oh! alam mo siguro tomboy ka kaya di ka natatablan ng kagwapuhan KO?"

"Hoy for your information di ako tomboy ang ganda ko namang tomboy ikaw siguro bakla"-sabi ko sabay flip ng hair ko

"Aba't ang gwapo ko namang bakla"- sabi nya naman

Kringgg....
(Calling Yoojung)

Oh! Bakit kaya to tumatawag.

"Oh! Hello yoodaeng"- bati ko

"Doyeon nasan kana? Tapos na ang klase bumalik kana dito."

"Geh papunta na ko" -tsaka ko ineend

"Oh! Sinong kausap mo amazona?"- tanong nya

"Wala kana dun"- sabi ko sabay tayo at aalis na sana kaso may nakalimutan ako nilabas ko ang wallet ko at kumuha ng pera

"Oh! Ito pambayad mo. Libre na kita nakakaawa ka naman mukha kang walang pera"- saka ko sya tinapik sa balikat at umalis na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The RivalryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon