ELEMENTARY. Yes, unang memorya ko sakanya e elementary kami. Grade 3 ako, sya naman Grade 4.
Madami kaming kalokohan nung bata pa kami e. Sabagay, kahit naman ngayon makalokohan parin. Nag level up nga lang. Lol.
· Naalala ko, nung grade 3 ako, magkalapit yung room namin. Kasi nakahiwalay ang building ng pilot sa ibang sections.
Nagkaron ng mass para sa catholic students, syempre hindi required umattend yung mga non catholics. So it means, naiwan kami sa classroom.
Yung classmate ko pumunta sa classroom ng grade 4, pagbalik nya may dala syang sulat. Binibigay nya sakin, tinanggap ko naman. Pero nung sinabi nya na galing daw yun sa kaibigan nya, pinasauli ko.
· Tapos one time habang inaantay ko yung pinsan ko na umawas, may nakita akong chalk sa may buhangin. Nagsulat ako sa may bench,
HAHAHAHA! Sabi daw kasi dati kapag yung pangalan mo yung nasa taas, ikaw yung nagmamahal sa pangalan ng nasa baba. Kaya sinulat ko yung pangalang nya sa taas, kasi sya naman yung may crush sakin e. LOL! :D
· JUNE 20, birthday nya. Di ko inexpect na iinvite nya ako. Pinapunta nya yung mga pinsan nya sa bahay namin. Nung una ayaw ko sumama, pero nung pangalwang balik nila kasama na si birthday boy. Kaya wala na kong nagawa. Inintay nila ako, kasi di pa ko naliligo non. Omg, nakalimutan ko yung towel ko. Oops, wala naman tao. Takboooooooo!!!!!
Tingin sa kaliwa. HOLY COW! Bull’s eye! As in, literal na nagmukang mata ng bull yung mata nya. Pano ba kasi undies lang suot ko, at parang nag slow motion pa ang lahat that time. Grabe nakakahiya!
· Naalala ko din nung grade 6 ako, nagtry kasi kami mag exam sa trade. Ang tumulong samin ng pinsan nya e yung Mama nya. Umuulan nun, tanda ko pa yung chubby looks nya na mapang asar at wala nang bukambibig kundi malaki mata. Kwago. Shet naman diba? Kung tutuusin pareho lang kaming hayop, kwago ako at baboy sya. I mean, parang insulto narin sa kanya kapag tinatawag nya akong kwago dahil baboy naman sya. Gets? Ah bahala ka kung di mo naintindihan, wala na kong pakealam don!
· Highschool naman, wala akong masyadong balita sakanya, kasi naman palipat lipat sya ng school e. Nag gumaca pa nga sya. Simula non parang nag lie low din yung feeling ng pagkakaron ko ng crush sakanya. WAIT........ Did I just say CRUSH??
· 4th year highschool ako, 1st year college na sya. Lumipat ako ng rainbow, at nagsimulang makitambay sa mga barkada nya. Oo sa mga barkada nya, PWERA SAKANYA. Well, di ko kasi masabing barkada ko sya kasi puro lang naman kami pag babarahan kapag nag kakausap kami e, puro lang tuksuhan, puro biro.
· One time, may Socialixzing at naisipan naming na gumawa ng isang play. BOYS OVER FLOWERS. Pero yung version ng banana split, yung noon time show? Everyday may practice kami, kahit naman katatawanan yung gagawin namin, e syempre kailangan parin mag focus kahit madalas, puro kalokohan ang pinag gagagwa. Sa araw araw nay un, hindi maiiwasan yung magkwentuhan, magtawanan, mag jamming sa pagkanta, magtuksuhan. Kaya mas lalong napapalapit sa isa’t isa ang barkada. Lalo na ang boys. Syempre sila ang pioneer na KUPLAX e. Yes, Kuplax ang pangalan ng barkada. Ewan ko ba kung sinong kupal ang gumawa non. Pero ang alam ko, sa bawat araw na yon, Masaya ako kasama sila, KASAMA SYA.