Lovely's
"thank you very much for attending our concert" sabi ng aming leader na si Irene.
Naghawak-hawak na kami ng kamay at nagbow sa lahat ng tao na nasa loob ng concert hall. Nakangiti akong kumaway sa kanilang lahat. Kitang-kita ang saya sa kanilang mga mukha. Ang iba pa nga ay naiyak marahil ay masaya sila dahil nakita nila kami.
Umakbay sa akin si Katy kaya napatingin ako dito. Nakangiti din itong nakaway sa mga tao. Tumingin ito sa akin at unti-unting nilalapit ang mukha sa akin. Pinitik ko na lang ang noo niya at hinila palabas ng stage.
Pagkakita sa amin ay kaagad kaming nilapitan ng aming mga stylist. Ang iba ay pinupunusan ang aking pawis habang ang iba ay inaayos ang aking gamit. Rinig naman ang iba na napalakpak at kinocongratulate kami. Napaupo na lang ako sa isang upuan doon at pumikit. Nakakapagod ang araw na 'to.
Ngayong araw ang aming concert at pinaghandaan talaga namin ito sa nakaraang ilang buwan. Nakakapagod pero wala naman akong magagawa, ito ang pinili ko. Pinaglaban ko ang pangarap na ito at hindi ako basta basta na susuko.
Narinig ko ang ibang members na nag-uusap. Hindi na talaga kaya ng power ko na makipagusap. May ibang nalapit sa akin para ayusin ang sarili ko. Nakatingin ako ngayon sa harap ng salamin. Napatitig na lang ako sa refelction ko habang inaalala ang mga nangyari noong nakaraang taon. Ang taon kung kaylan kami pinakilala sa buong mundo. Maswerte nga kami dahil kakasimula pa lang ng career namin ay sikat na kaagad kami.
Lima kami sa grupo. Ako ang dancer sa grupo namin. Simula pa naman pagkabata ay hilig ko na talaga ang pagsasayaw. Masaya ako dahil ang trabaho ko ngayon ay may kakugnayan sa pangarap ko talaga.
Si Irene, ang pinakamatanda sa group. Siya din ang leader namin.
Ang sunod naman ay si Wendy, ang vocalist sa group.
BINABASA MO ANG
A Scandalous Love Affair
Romance"So what can you say about the rumors that you and someone is in a relationship? What about your recent boyfriend?" Book 1 of Red Velvet series