† CHAPTER FOUR // JEWEL'S MISSION

10 0 0
                                    

2 weeks after

"Cuz!!!! I miss you" si Jewel. Paano ba naman ngayon lang ulit sya nakalabas ng kwarto nya after 2 weeks..

"Same to you, Cuz. Oh saan ang punta?" Eh pano bihis na bihis yata sya ngayon eh

"OMG.. Cuz, Don't tell me hindi mo alam na pasukan na bukas?"

"Alam ko, pero saan ka ba talaga pupunta at bihis na bihis ka?"

"I'm going to shopping. I really miss going to mall. Daig ko pa yata ang nakulong sa prisinto ng 2 linggo eh. At isa pa magma-make-over ako eh. Join ka?" Naku, sa totoo lang lagi nalang syang nagmamake-over kinabukasan bago mag pasukan. Ewan ko ba dyan. Siguro nga naman first day dapat maganda ka.. pero ako???..Duh

"Ah, hindi na. Dito nalang ako sa bahay.hehehe" Kung san san lang ako nyan dadalhin..

"Hindi..Ano ka ba naman Cyrene, college student kana at kailangan mo ng magbago hindi yung pagpapasok ka kala mo nerdy ka" Yah, kapag ako pumapasok, I've always wear my big eyeglasses, eh pano ba naman kasi lagi nilang sinasabi na ako daw si Jewel.

"Cuz, okay lang naman yun noh, atsaka kanya-kanyang trip lang yun..hehehe"

"No, weather you like it or not sasama ka sakin. Tara na" at Ayun di na ako nakaangal kasi naman bigla nalang akong hinigit...

At ayun nakarating na kami dito sa mall. At asual ang daming tao at karamihan mga schoolmates namin nung high school at elementary ang nandito. Yung iba nga eh grabe kung makatingin  para kaming matutunaw. Eh pano ba naman ikaw na ang makasama ng isang sikat na model at kilalang pamilya na si Jewel. Ewan ko lang sayo..

"Cuz, bili muna tayo ng ating mga make-up kit, bag at lahat ng atiing mga gagamitin huh" I nod nalang tutal wala rin naman akong magagawa eh

Grabe ang dami naming pinamili ni Jewel. Biruin nyo P5000 piso ang binayad para lang sa make-up kit...

"Oh, dun naman tayo sa mga boutique" At ito na naman po kami. Sinasabi ko na nga ba eh.. Yun pa mandin ang pinaka  ayoko sa lahat..

At ayun natapos ang kalahating araw namin ni Jewel na puro tingin lang ng damit ang nangyari at puro pagpapaganda. Oo pagkatapos nagdiretso pa kami sa Salon.. Si Mica, remeber? sya na naman kasi yung nag-ayos ng hairstyle ko and this time nagkaroon na ako ng side bangs at pinutol din hanggang balikat ko yung aking buhok at wavie pababa. At tuwang-tuwa na naman ang bakla kasi nga patok na naman daw ang bago nyang hairstyle para sakin. Ginawa pa nga akong model ng kanyang salon eh.. Ewan ko ba, pero nakakailang hindi kasi ako sanay ng kino-compliment ako...Weird di ba?

"Oh ano Cuz, ang sarap di ba?" tanong sakin ni Jewel pagkatapos kung tikman yung Italian dish na inorder nya sakin. Dito kasi kami sa mga Italian resto kumain eh. Kasi alam daw nya na hindi pa ako nakakakain ng mga Italian dish. Like I care naman, hindi naman sa pag-aano pero maas masarap parin para sakin ang mga Pinoy dish, syempre proud to be pinoy yata toh....

"Ayos lang naman :)" kahit hindi....Duh...Pero tuloy parin ako sa pagkain. Aba';y syempre madaming nagugutom sa Africa kaya't kailangang ubusin ko toh...

"Good, Pero matanong ko lang Cuz, wala ka kasing nasasabi sakin o kahit nababanggit about cursh. May crush ka ba Cuz?" HAlos maibuga ko lahat ng pagkain sa bibig ko. Ano naman kayang klaseng katanungan yun!! "Ok ka lang ba cuz, Oh water.." Inabot nya sakin yung isang basong tubig. Grabe naman kasi kung magtanong itong si Jewel eh...wala man lamang pasintabi..

"Ano Cuz may crush ka ba o kahit hinahangaan?" Ang kulit talaga ng isang toh... Pero meron nga ba?

"Ahm, meron, hindi naman ako abnormal" eh kasi sabi nila kapag daw wala kang crush ibig sabihin abnormal ka daw....Kaya ayan, pero wag na lang nyang itanong kung sino...

She's Looking for a Right Guy (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon