Sabi nila, ang love at first sight daw ay totoo. Pero ewan, sa dinami-daming mata na nakita ko, hindi ko mapo-prove na totoo ang love at first sight. Ako nga pala si Kurt, isang eye-doctor. Yes, eye-doctor as in “Ophthalmologist”. I’m 27, and still single. I don’t mean to boast, but sabi ng mga friends ko, gwapo daw ako, mabait, matalino, mayaman. Nasa akin nadaw lahat. Pero ang kulang lang daw sa pagkatao ko; deadma daw ako sa mga taong nagcoconfess, o nagsh-show ng love sa akin. Hindi ko alam, pero… wala naman talaga akong na-feel. Parang single forever ako nito. Haysss.