Sabi nila, ang love at first sight daw ay totoo. Pero ewan, sa dinami-daming mata na nakita ko, hindi ko mapo-prove na totoo ang love at first sight. Ako nga pala si Kurt, isang eye-doctor. Yes, eye-doctor as in “Ophthalmologist”. I’m 27, and still single. I don’t mean to boast, but sabi ng mga friends ko, gwapo daw ako, mabait, matalino, mayaman. Nasa aking nadaw lahat. Pero ang kulang lang daw sa pagkatao ko; deadma daw ako sa mga taong nagcoconfess, o nagsh-show ng love sa akin. Hindi ko alam, pero… wala naman talaga akong na-feel. Parang single forever ako nito. Haysss.
It was a warm and sunny day. At sa clinic ko, walang katao-tao. Ako lang at ang dalawa kong assistants na sina Miki at Arvy. Nanonood lang kami ng TV nang biglang-
KLING! Tumunog ang bell sa may pintuan. May customer. Dali-dali namang pumunta si Arvy para i-welcome ang customer namin.
“Sir Kurt, eto po ang customer natin. Magpapacheck-up daw po. Kinuha ko napo ang status nya.” Wika ni Arvy.
“O, sige salamat Arvy. Let’s head this way miss?” Tanong ko ng binibini.
“Miss Krystle.” Sagot nya.
“Miss Krystle.” Ngumiti ako.
Nang papasok na kami sa check-up room, bigla akong kinalabit ni Miki. Sabay sabing:
“Sir, maganda siya! Baka siya na ang babaeng magpapakislap sa mga mata mong matagal nang bulag!” Tumawa ng konti si Miki, para di ma notice ng babae.
“Oo nga sir, tapos single daw!” Dagdag ni Arvy
“Tumahimik kayo ha.” Painis kong sagot sa kanila. And we entered the room.
As I asked her to put her eyeglass off, I was stunned. Totoo ang sinabi ni Miki. Maganda siya. Pero, parang familiar ang mukha niya. Hindi naman sa ano, common ang mukha niya, basta parang I met her before. As I put my gloves on, I was silently eyeing her. Para bang, stalker na stalker talaga ako.
“Miss Krystle, please sit on this chair.” Wika ko.
“Ok Doctor.” She was very silent, I was staring at her all the time talaga. Parang na notice ko na na creep out siya, kaya I took a glance on the calendar.
“Kelan ka huling nagpa-check up?” Tanong ko sa kanya.
“This is my first time Doctor.” Sagot nya. Kaya pala ang tahimik, first timer pala.
“Okay then, hmmm… madali lang ang check-up nato, 10 minutes or less. Now, what seems to be the problem?” I asked her again.
“Ang labo kasi ng mata ko. Nakakainis.” Galit na galit siya.
“Ba’t naiinis ka? Please put your eyes here.” I guided her.
“Oo… kasi one month ago, may nakabunggo sa akin. I think it was a woman, kasi tumakas. Nabunggo ako, tas nawalan ako ng malay. But when I woke up, I was in the hospital. Maybe some good Samaritan offered me a lift, tas dinala ako sa hospital. Pero wala yung mama sa tabi ko, sabi nila lalake daw. Gusto ko sana magpasalamat.” She started the story.