Sandra’s POV
Di ko alam kung matututwa pa ako o magsisi sa ginawa ko. Ilang araw na rin akong iniiwasan ni Rafael. Ito naman yung gusto ko diba? Pero ba’t di ako masaya. Nakakamiss pala talaga yun mga ginagawa niya para sa akin. Ang hirap. Kailangan ko na naman sanayin ang sarili ko na wala siya. Kahit kasi sa klase, di kami nagpapansinan.
“Sandz, okay ka lang?” tanong ng nag-iisang malapit ko na kaibigan. Yan pang isang bagay na nagpapahirap sa akin eh. Ang pagtawag niya sa akin ng ‘Sandz’. Yan kasi yung tawag sa akin dati ni Raf.
Tangina. Ba’t kasi sa lahat ng bagay na nakikita at ginagawa ko, may alaala niya. “Oo naman. Ba’t ba ako di magiging okay?” tanong ko na may pilit na ngiti.
“Ilang araw ka na kasing lutang eh. Miss mo na siya no?” tanong niya.
“Ba’t ko siya mamimiss? Masaya nga ako eh. Kasi simula nung iniwasan niya ako, tumigil na rin ang usap-usapan ng kalandian ko,” sakastiko kong sabi.
Napangiti na lang rin siya sa akin. “Wala pa akong pinabanggit na pangalan Sandz, defensive ka na masyado. Sige ah, mauna na ako. Malapit na rin kasi ang klase ko eh,” paalam niya.
Tumango lang ako at umalis na rin. Pumunta ako sa palagi kong tinatambayan sa tuwing gusto kong mapag-isa. Sa lugar kung saan kami huling nag-usap ni Raf.
Nang malapit na ako sa lugar na yun ay bigla akong natigilan. Nandito siya. Anong ginagawa niya dito? Tatalikod na sana ako bago pa niya ako mapansin pero. “Sandz,” sabi niya. Kahit sobran hina ng boses niya, rinig na rinig ko pa rin yun.
“Ahhh. Sige, mauna na ako,” nahihiya kong sabi. Di ko rin naman alam anong sasabihin ko sakaling mag-uusap kami.
“Sandali lang. Wag ka munang umalis,” sabi niya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa ilalim ng puno at naglakad palapit sa akin.
Nagtitigan lang kami ng ilang sandali bago ko naisipang basagin ang katahimikan. “So, kamusta ka na? Mukhang napabayaan mo na sarili mo ah,” komento.
“Paano ko pa ba aatupagin sarili ko kung sa bawat minuto ng bawat araw, ikaw lang iniisip ko,” sabi niya ng may mapait na ngiti. “Sandz, di ba talaga pwede? Kasi kahit anong pilit ko, di ko magawang iwasan ka eh,” sabi pa niya.
“Nagagawa mo naman nitong mga nakaraang araw Raf. Makakaya mo ulit yun,” sabi ko. Ewan ko ba’t yun lumabas sa bibig ko. Iba naman sinasabi ng puso ko.
Napatawa naman siya pero obvious na hindi siya masaya. “Di mo lang ako nakikita Sandz. Pero sinusundan pa rin kita. Di lang talaga ako nagpapahalata,” sabi niya. Kaya pala. Akala ko nababaliw na ako nitong mga nakaraang araw. Palagi ko kasing nararamdaman na may nagbabantay sa akin.
“Kaya pala…” sabi ko. Di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim at tumitig ulit sa mga mata ko. “Sandz, wala ba talaga akong pag-asa? Di ba talaga tayo pwede?” nagmamakaawang tanong niya.
“Di naman sa ganun Raf pero,” sabi ko.
“Pero ano? Sabihin mo naman sa akin paano ayusin to Sandz. Di ko na kasi talaga kayang wala ka eh,” makaawa niya. “Matapos mo akong takbuhan nung gabing yun, di ko na alam anong gagawin ko.”
“Di ko naman kasi ginustong takbuhan ka nun,” sabi ko. “Di ko rin kasi alam anong gagawin nun eh. Tsaka nagbell na rin nun. Di ko nga namalayan na tumatakbo na pala ako palayo sayo,” nakayuko kong paliwanag. Nahihiya na ako dahil sa sinasabi ko.
Bigla naman niyang iniangat mukha ko para salubungin ang titig niya. “Ibig sabihin, may pag-asa ako? May pag-asa maging tayo?” tanong niya. Tumango lang ako dahil di ako sigurado anong isasagot. Naglliwanag naman mukha niya kaya napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Bigla niya akong hinila pa palapit sa kanya at niyakap. “Thank you Sandz. I swear, gagawin ko lahat, di mo lang pagsisihan to,” sabi niya.
Nginitian ko na lang siya at tumango ulit. Hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi k at dahan dahang inilapit ang labi niya sa labi ko.