Chapter 4: first day

7 0 0
                                    

Notebooks

Ballpens

Yellow papers

Nilagay ko na sa Bag lahat ng dadalin ko ngayong araw.

After kong magsuklay, gora na!

"Gab! Alis na ko. Maki lock na lang yung gate pag alis mo ha?!"

"Alam ko!! Ikaw lang naman yung hindi nakakapag lock ng gate e!!!"

Okay, siguro nagtataka kayo yung bakit puro exclamation marks. E kasi naman, nasa may pinto na ko tapos nasa second floor sya. Well, okay lang mag ingay, dalawa lang naman kasi kami dito sa bahay. Nasa states sila mama at papa, si Ate Rina naman, yung kasambahay na iniwan nila mama para tulungan kami, inenroll muna daw yung anak nya sa probinsya. Hinayaan na muna namin ni Gab kasi okay lang naman samin.

Sumakay lang ako ng tricycle papunta sa terminal tapos sakay na ng bus.

Medyo malayo din kasi yung bahay namin sa University na papasukan ko.

Nasabi ko na bang schoolmate ko pa rin yung dalawa?

Ayaw nila kong iwan e HEHEHE

Hindi, joke lang. Dun lang din kasi sila nakapasa.

Si Ivy, fine arts yung kinuha nyang course.

Si Sheena naman, architecture.

Ako? Journalism.

Mesyo magkakalayo kami ng building pero dahil orientation pa lang naman para sa mga freshmen students, magkikita pa rin kaming tatlo.

"Miss. Huy. Miss! San ka?"

"Ay palakang pinirito!"

Si manong kondoktor pala, nagkukuha na ng bayad.

Inabot ko na yung bayad ko sabay tingin ng masama kasi nakita kong pinipigilan nya yung tawa nya. Matutulog na lang muna ko.

"O M G! Sheena! You're so pretty! Mukha ka na talagang tao wag ka lang magsasalita!!! At ikaw.. Err. Vin. Ano ba yan?! First day, shirt and pants? Hay. Hindi ka pa rin nagbabago. First day you know. First impression sayo ng classmates and profs. Gusto mo ganyan ka nila makita?!"

"Ivy, school ang pinuntahan ko. Hindi Gay bar tsaka hindi rin ako model na rarampa. Magsusulat lang ako sa notebook ko kailangan naka dress pa ko? -,-"

"What...ever! Let's go na nga!!"

Sheena: -_______-"

Woah. Ang daming tao, ang ingay. Grabe. Ganito pala talaga pag college. Puro couple, iba-ibang grupo din ng magbabarkada. Matinding pag aadjust pala talaga yung mangyayari.

Sheena: guys, punta na ko sa mga ka course ko. Bye -____-

Ivy: ako rin. Bye girls!!

So? Ako? Naiwan. -,-

Uupo na lang ako dito at makikinig.

Kyle's POV

"Oy pare! Dito ka rin? Anong course mo?"

"O pare? Journalism ako."

"Ah ganun? Sige pre! Goodluck!"

Nginitian ko na lang ulit. Sa totoo lang. Hindi ko naman yun kilala e. Ayoko naman syang mapahiya.

Teka san ba ko uupo dito.

Makapag tanong na nga lang.

"Ah. Miss, san yung journalism?"

Tiningnan nya muna ko mula ulo hanggang paa. Grabe nakakatakot naman tong babaeng to. Tsaka parang.. Hindi sya marunong magsuklay. Tsk tsk.

"Bat sakin mo tinatanong?"

Tapos dinuduro nya yung sarili nya.

Umupo na ko sa tabi nya, nangangawit na rin ako.

Nakita kong nagulat sya.

"Bawal bang magtanong?"

Hindi nya ko sinagot at dumukmo na sya.

Grabe talaga.

Welcome! Feel free and bla bla bla bla

Ang daldal naman dami pang sinabi buti natapos rin. Tatayo na sana ko para pumunta sa klase kaso nakita ko tong babaeng katabi ko na nakadukmo pa rin at hindi bumabangon.

Vin pala yung pangalan nya, anong klaseng.. May pangalan pa sya sa bag?! HAHAHAHAHAHA nakaipit yun papel na may pangalan nya sa may gilid ng bag nya.

May nakasulat pang ibalik daw pag nakita. Parang bata! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!

Aalis na sana ko kaso nakakaawa naman kaya..

"Hoy. Vin. Gising."

"Gab namaaan! Ang aga aga pa e!"

Gab? Sino yun? Daddy nya? Aso nila? Boyfriend nya?

"Gising na malelate na rin ako sa klase ko e."

Bumangon na sya at..

"Ano ba Gab?!!!! O______O aaaah. E-e-eh. Ssss-so-rry."

Hahahaha! Grabe tong babae na to. Yumuyuko pa sya habang nagsosorry. Teka mukang masaya to a.

"Anong sorry? Sorry lang? Pasalamat ka dinukmo kita jan. Niyayakap mo kaya ako kanina habang natutulog ka sabi mo pa 'ang lambot ng unaaan nyamnyamnyaaan'"

"WHAT?!! GINAGAWA KO PA RIN YUN?!"

See. Nambano lang ako pero totoo palang ginagawa nya. Mas lalong masaya to. Hahaha.

"Oo nga e. Muntik lang malagyan ng laway yung damit ko."

"SO-SORRY! Sorry talaga!!!"

Hala? Iiyak ba to?

"Hoy! Wag ka nga umiyak jan. Okay lang sakin."

"T-talaga?"

"Oo. ^_^ pero syempre hindi lang ganun yun. Naistorbo rin kasi ako sa pakikinig ko kaya may kondisyon."

Mukang masaya to ah.

"Ano?! I mean sige. Ano yun?"

Wala syang magawa. Hahahahahaha ang galing mo talaga Kyle..

Lost and Now FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon