CHAPTER 6: MEET THE FAMILY.

37 1 0
                                    

A/N:

Lola po ni Prince!!! ========>

==================================================================

CHAPTER 6:

“Ikaw ba si Princess Chandie Avery Singson?!” seryosong tanong nang Lola ni Prince.

“O-opo”

“Bakit mo mahal yung apo ko?”

“TANDA!”

“What?! Gusto ko lang marinig ang sagot niya Bata!”

Hala! Anung isasagot ko?! Saka tanda, bata?! Ayos ng tawagan nila ah! Parang di mag-lola.

“Mahal ko po siya kasi he made me feel so special.” Tumingin ako sa mga mata nitong retard na to’ nakita kong napangiti siya.

*LUB DUB. LUB DUB.LUB DUB*

Naka-tingin lang ako sakanya habang nagsasalita ako. Ganun din siya. “Pinapahalagahan po niya kasi lahat ng mahahalagang bagay sakin. Napapangiti ako tuwing nakikita ko siyang ngumingiti.” Ngumiti  kaming dalawa ”Napapa-saya niya po ako. Lahat-lahat sakanya ay siyang-siya walang halong kasinungalingan.” Biglang nawala ngiti niya kaya parang nagising ako. Anu ba tong’ pinagsasa-sabi ko. Humarap nalang ako sa lola at mama niya. Atsaka ngumiti.

Seryoso parin silang naka-tingin sakin. Nang biglang...

“Yiiieee!!! Mama kinikilig ako!!!” sabi ng mama ni nicko at nag-tatatalon pa.

HALA! KINIKILIG?! PBB TEENS?! HAHAHAHAHAHAHAHA =)))

“Bata you have chosen well!” sabay hampas sa likod ni bata este ni retard.

“Anu ba ma’ la’ umayos nga kayo! Mahiya naman kayo sa mga balat niyo! Tinuringan pa naman kayong kabilang sa alta syodad.”

“Well Princess, uhhmm. Do you mind if we call you princess, prince kasi tawag naming kay nicko, para bagay na bagay talaga kayo. Wahahahahaha! I’m so kilig talaga!”

“Nobody calls her princess but me!” kontra naman nitong kontra bulate na ito.

“Fine. How about Avery? Ayaw ko ang Chandie kasi yun ang common na tawag sayo ng ma friends mo di ba?” tanong ng mama ni prince retard.

“Opo. It’s ok lang po.” Sagot ko naman

Nagkwento lang sila nang nagkwento tungkol sa batang Prince na kesyo dati lelembot lembot lang ito dati kas patpatin. Nakakatuwa nga sila dahil hndi ko inaasahan na ganito sila kaligalig ang akala ko sila yung terror na seryosong kausap mali pala ako.

+END OF POV+

+PRNCE’S POV+

Gustong makilala ng lola ko at mama ko si Princess. Gusto daw kasi nilang malaman kung totoong tao ito baka daw kasi gawa gawa ko lang daw dahil naririndi na ako sa mga reklamo nila na hindi pa ako magka girlfriend. Buti alam nila.  Kaya dinala ko siya dito sa main building kung saan nagsisilbing opisina nang lola ko. Siya ang namamahala sa school na ito dahil matagal tagal na rin nang mamatay si lolo sa isang car accident kasama ang isang babae. Natatawa talaga ako nung malaman iyon ni tanda at sumugod sa morgue.

*FLASHBACK*

“Walanghiya kang lalaki ka! Uugud ugod ka na nga nambababae ka pa. Pasalamat ka at nakaratay ka najan kung hindi ako mismo ang tatapos sa buhay mo!” sigaw ni lola habang sinasakal ang lolo ko.

“Huwag niyo pong galawin ang bangkay mam. Kawawa naman po.” Sabi nung tao sa morgue.

“Kinakaawaan mo itong matandang huklubang babaerong ito?!”tanong nang lola ko.

Napakamot nalang sa ulo yung lalaki habang ang aking lola ayun patuloy pa rin sa pagsesermo sa lolo kong malamig na katawan.

*END OF FLASHBACK*

Nakita ko nang pumasok sila mama kasunod niya si lola.

“Ikaw ba si Princess Chandie Avery Singson?!” seryosong tanong ni Lola

“O-opo” kinkabahang sagot ni Princess

“Bakit mo mahal yung apo ko?”

“TANDA!” sigaw ko naman nakakagulat naman kasi yung tanong niya.

“What?! Gusto ko lang marinig ang sagot niya Bata!”

Napatingin lang sakin si Princess. “Mahal ko po siya kasi he made me feel so special.” Napangiti nalang ako. Mahal ko na yata siya.

*LUB DUB. LUB DUB.LUB DUB*

Naka-tingin lang ako sakanya habang nagsasalita siya. Ganun din siya. “Pinapahalagahan po niya kasi lahat ng mahahalagang bagay sakin. Napapangiti ako tuwing nakikita ko siyang ngumingiti.” Ngumiti lang  kaming dalawa ”Napapa-saya niya po ako. Lahat-lahat sakanya ay siyang-siya walang halong kasinungalingan.” Biglang nawala ang ngiti ko at umiwas ng tingin sakanya dahil parang natamaan ako sa sinabi niya. Kung alam lang niya. Ano kaya ang magiging reaction niya pati sila mama hindi pa ito alam. Balak ko sanang sabihin sakanila kaya lang nagdadalawang isip pa ako iba pa naman pag iisip nang mga ‘to.

=====================================================

fan.vote.comment!

LIE TO ME; LOVE ME [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon