Nakakatamad na mabuhay minsan naiisip ko nalang na anu ba saysay ko bat ako nandito?
Bakit ganun diba parang wala naman nakakaintindi sa akin,
Wala akong mapag sabihan kasi natatakot ako oo,natatakot ako na ijudge nila ako natatakot ako na baka layuan nila ako.May mga tao na hindi nila alam na nahihirapan din ako kala nila puro saya lang ako kala nila masaya na andito ako sa kalagayan na ganto.
Hindi nila alam nakakaramdam din ako ng sakit,
Sakit na hindi nila nakikita
Sakit na hindi nila namamalayang kumakalat na sa buong katawan ko
At nagugulat nlang ako na wala na ako maramdaman.Mahirap , mahirap na ni isa wala kang makapitan kundi sarili mo lang.
Mahirap kasi alam mong wala kang ibubuga.
Mahirap kasi alam mong hindi ka masaya.
Na wala man lang nakakapansin na ang sakit na yun ang unting unting pumapatay sa lakas na meron ka , sa confidence na meron ka sa kung anu ka.Minsan or kadalasan pa nga kinikimkim mo nalang nararamdaman mo para hindi nila masabi na nag iinarte ka lang.
Nakakatuwang isipin na yung mga taong dapat kakapitan mo sila pa mismo ng dodown sa kung sinu ka.Siguro nga, siguro nga
Mas masarap mabuhay na ikaw lang .
Walang iba ikaw lang
Ikaw lang sa lugar na mapayapa
Kung saan matatanaw mo ng malawakan ang kalangitan na puno ng mga bituin.
Simoy ng hanggin na nagdadala sayo sa lugar ng kapayapaan.
Sa lugar kung saan masaya ka,
Sa lugar kung saan hindi ka magagambala ng mga bangungut na laging sumisira sa maganda mong panaginip.Sana , sana
Mapuntahan ko din yun.
Sana duon nalang ako
Sana, san mag pagkakataon pa na makapunta ako duo..
Sana.