Ganun siguro talaga ang buhay no?
Darating talaga ang time na ipapamukha niya sayo mismo kung saan ang limitation mo.
Na yung bounderies na ginawa mo dapat hindi ka lalagpas duon.
Kasi pag lumagpas ka parang sinaktan mo na ang sarili mo.Haha..
Natatatuwang isipin na minsan nag eexpect tayo sa dapat hindi naman.
Dapat pag laanan ng oras at panahon.Minsan mapapatanung ka nalang talaga?
Anu ba ginawa ko?
Anu ba mali sa akin?
Bakit?
Bakit hindi nila ako matanggap?
Bakit hindi nila maappreciate yung mga efforts ko?
Bakit?Tapos sasagutin mo din sarili mong katanungan.
Siguro,
Siguro dahil bobo ako?
Siguro dahil hindi ako maganda?
Siguro dahil nakakairita ako?
Siguro dahil sadyang ayaw nila sa akin.Yan lang naman ang mga ilang katanungan at kasagutan na umiikot sa aking isipan.
Dumadating sa point na kulang nalang sumabog ang utak ko dahil sa dami ng iniisip.
Pero pag ibubuka ko na ang aking mga labi ang tanging lumalabas na salita ay ang
"Okay lang ako"Hindi nila alam sa likod ng salita na yan,
Million million ang salitang gusto kong isigaw,
Isigaw kung gaano kasakit ang nararamdaman ko.
Kung papaanong gusto ko lang naman yakapin nila ako ng mahigpit kasi alam ko,
Alam ko sa yakap nila mawawala lahat ng million na salita na naglalaro sa aking isipan.Sana ,
Sana dumating ang araw na marealize nila ang halaga ko.
Halaga ko bilang Kaibigan,
Halaga ko bilang Kaklase,
Halaga ko bilang Kapatid,
At Halaga ko bilang...
Anak.