4 days of February (OneShot)

32 2 0
                                    

3rd Person's POV

Pasukan na. Nasa junior year na ng kolehiyo si Lucy. Tradisyon na tuwing pasukan ang pagpapakilala sa harap ng klase, na ayaw na ayaw gawin ni Lucy. Mahiyain, tahimik at blangko ang ekspresyon palagi ng dalaga. Kahit nga matatalik nyang kaibigan ay natatakot minsan sa blangkong ekspresyon nya.

"Ms. Reyes, infront please." nanatili lang na naka-upo si Lucy. Ayaw tumayo. Hindi kasi sya sanay. Muli syang tinawag at wala ng nagawa kaya napipilitang tumayo at pumunta sa harapan.

"I'm Lucy Marie Reyes. 16. From College of Creative Writing." sabi nya gamit ang malamig na boses at tingin. Pagkatapos magsalita ay agad na bumalik sa pwesto nya sa likod.

"Okay, class dismissed." at saktong tumunog ang bell. Agad namang umalis si Lucy.

Si Lucy ay kumukuha ng kursong Creative Writing. Accelerated sya ng dalawang taon noong elementarya sya kaya naman, syang ang pinakabata sa klase nila. Hindi sya pala-salita ngunit, sa lahat ng mga akda nya ay hindi mo aakalaing tahimik at simple lang ang nagsulat. Totoo namang nakakamangha ang lahat ng mga isinulat nya. Idinadaan nya lahat ng nararamdaman nya gamit ang sulat. 'Gift from God' nga ang tawag sa kanya ng guro nya.

Lumipas ang ilang linggo ng klase. Ganun pa rin, walang pagbabago. Magtuturo, magsusulat, paulit-ulit.

Araw ng Biyernes, pinagawa sila ng prof. nila ng isang kwentong hinding-hindi nila makakalimutan. Pangyayaring tumatak sa buhay nila. Pangyayaring hindi na matatanggal sa sistema nila.

Isang himala na huling natapos sa pagsusulat si Lucy. Kadalasan ay nauuna ito, ngunit ngayon, huli sya.

Habang nagsusulat si Lucy, naisip nya, 'bakit ba ako naging ganito? Anong nangyari?' nung mga panahon na iyon, napagisip-isip nya na, bakit hindi nya subukan? Subukang makisalamuha sa iba. Subukang maki-socialize. Ngunit hindi nya alam kung anong magiging epekto nito sa kanya. Natatakot sya.

Kinabukasan, agad na binigyang papuri ang gawa ni Lucy. Sinabi ng prof. nila na ibahagi ang pangyayaring hindi malilimutan sa buhay nila na isinulat nila.

May nagsulat tungkol sa kanilang mga crush, tungkol sa kasintahan, sa pamilya, sa sarili at meron pamg tungkol sa alaga nila. Lahat ay tumatawa sa sinulat ng makulit nilang kaklase maliban kay Lucy. Dahil sa magandang gawa ng dalaga ay inutusan syang ibahagi ang kanya. Ilang beses syang umiling. Ayaw nya.

'Susubukan ko.' isip nya.

Dahan dahan syang tumayo at naglakad papunta sa harap. Huminga sya ng malalim at tinignan ang buong klase na naghihintay sa bawat salitang sasambitin ni Lucy. Hinawakan nyang mabuti ang papel at inumpisahang magbasa.

"'Apat na araw ng Pebrero'

ni Lucy Reyes

Apat na araw. Ano ba ang maaaring mangyari sa mga araw na iyan? Lumipas? Ano ang gagawin mo sa bilang na mga araw na iyan?

Limang taong gulang. nasa unang baitang ng elementarya. Masiyahin, palaging naka-ngiti, matalino at simple ang batang Lucy. Enero iyon, tandang-tanda ko pa. Bakit ko nga ba makakalimutan iyon?" sandali syang huminto at muling tiningnan ang klase. Tinanguan sya ng guro nila, ipagpatuloy raw ang pagbabasa.

"Patapos na ang klase. Ilang linggo na lang at Pebrero na, bakasyon na at kaarawan ko na. Nagplano kaming pamilya kung saan pupunta sa darating na bakasyon. Sinabi ni Papa na pupunta kaming Baguio. Nakakatuwa ! Hindi pa ako nakakapuntang Baguio."

"Dumating ang unang araw ng Pebrero. Pumunta kaming mall para bumili ng mga gamit na gagamitin sa pagpunta namin sa Baguio. Mga jacket, boots at iba pa. Ang saya! Kumain pa kami sa Jollibee." muling tumingin si Lucy sa klase. Nakita nyang nasa kanya ang atensyon ng lahat. Nagpatuloy sya.

"Ikalawang araw ng Pebrero. Pumunta kami ng Kuya Lewis ko sa Enchanted Kingdom. Maagang regalo para sa kaarawan ko sa susunod na araw. Sumakay kaming Karusel. Paborito ko iyon! Ang ganda. Naglaro din kami sa bump cars. May nakita rin akong magandang laruan, kaya hiniling ko kay kuya na bilhin ito. Panibagong masayang araw na naman !"

"Ikatlong araw. Kaarawan ko na bukas. Walang trabaho sina Mama, Papa at Kuya. Inilabas ko ang laruang pinabili ko kay Kuya kahapon. Sabi ni Kuya, 'cley' daw iyon. Malambot ito at masarap hawakan. Nagiiba-iba din ang hugis. Nakakamangha ! Nakita ni kuya na hindi pa ako marunong gumawa. Tumabi sya sakin at tinulungan akong gumawa ng bahay. Ang ganda ! Sumama din sila Mama at Papa. Gumawa kami ng apat na tao na magkakahawak-kamay. Isa-isa ko itong tinuro tsaka sinabing, 'Papa, Mama, Kuya Lewis, Baby Lucy !' Sama-sama kaming natulog, magkakayakap." huminga si Lucy ng malalim. Ito na. Muli syang nagpatuloy.

"Ika-apat na araw ng Pebrero. Nagising ako sa malakas na sigaw nila Papa, Mama at Kuya ng, 'Happy Birthday Lucy!!' Kaarawan ko na. Anim na taong gulang na ako. Ngayon din kami pupuntang Baguio. Maaga kaming umalis sa bahay. Buong byahe, gising ako. Paulit-ulit na kumakanta ng Happy Birthday To Me. Katabi ko si Kuya Lewis, natutulog. Mahaba pala ang byahe papunta sa Baguio. Nasa pataas kaming daan. Ang ganda! Sumilip ako sa bintana at ang taas na namin! Parang nasa langit! Nakitang kong pinagpapawisan si Papa. Tinanong ko sya, ngunit sabi nya, mainit daw. Tumango ako at muling kumanta. Nasa pababang daan na kami. Ang bilis namin! Yehey! Kitang-kita ko lahat. Lahat. Lahat, pati kung paano nabangga ang sasakyan namin. Kitang-kita ko ang mga dugong lumabas na mukha nila Mama at Papa. Pati kay Kuya na yinakap ako." dahan-dahan na pinunasan ni Lucy ang kanyang mga luha.

"Ika-apat na araw ng Pebrero. Ika-anim na kaarawan ko. Namatay ang pamilya ko. Si Papa, Mama at Kuya. Kahit bata pa lang ako, alam ko na ang nangyari. Wala na sila. Mukha lang silang natutulog pero, hindi. Wala na sila. Bigla na lang tumulo ng walang humpay ang luha ko."

"Paano ko nga ba makakalimutan ang pangyayaring iyon? Na sa tuwing sasapit ang kaarawan ko, imbis na maging masaya ako, hindi ko magawa. Dahil, naaalala ko kung paano nawalan ng buhay ang Papa, Mama at Kuya ko. Naalala ko ang mga huling katagang sinabi nila. 'I Love You, Lucy.'" inilibot niya ang tingin sa buong klase. Lahat, umiiyak. Kahit sya. Pati ang prof. nila.

"Walang permanenteng kasiyahan sa mundo. Kahit ang mga taong pang-permanente, nawawala rin. Kaya, kung meron man tayong bagay o tao na nakakapagpasaya satin, lubusin na natin. Live our life to the fullest, ika nga. Hindi natin alam kung kailan sila mawawala. At sobrang sakit pag nawala sila. Sampung taon na ang nakakaraan, sariwa pa rin ang pangyayaring iyon. At kahit kailan, hindi ko malilimutan, kailanman."

-THE END-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

4 days of February (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon