CHAPTER 01

442 0 0
                                    

CHAPTER 1

Dinig na dinig ni Ricardo ang pag-iyak ng isang bata sa loob ng opisina ni Sister Fe. Na-aalala niya tuloy ang panahon na iniwan din siya ng kanyang ina.

Nay, huwag mo akong iwan dito. Handa naman akong magtiis sa hirap Nay basta kasama lang kita araw-araw.

Huwag matigas ang ulo mo Ricardo, sundin mo na lang ang gusto ko. Wala akong magandang buhay na ma-ibibigay sayo.

Pero Nay, ang makapiling ka ay isang magandang bagay na para sa akin. Di ako naghahangad ng iba pa kundi ikaw lang Nay.

Ang tigas talaga ng ulo mo Ricardo. Kahit anong dahilan ko sayo, lahat ay balewala sayo, sabi ni Amalia sa anak.

Nay, mahal kita, at ayaw kung malayo ako sayo. Nay matitiis mo ba ang mawalay ako sayo? Di mo na ba ako mahal Nay? Diba sabi mo sa akin ako ang buhay mo? Gusto kung marinig Nay na mahal mo pa rin ako? Nay! Umiiyak na tanong ni Ricardo sa kanyang ina.

Gusto mong marinig, sige aaminin ko sa iyo. Di totoo ang lahat ng iyon, nagsasawa na ako sa iyo, di kita mahal at hindi kita kailangan sa buhay ko. Balakid ka lang sa akin!  Sagabal, sabi ni Amalia sa anak, kaya iyan ang ilagay mo sa kukuti mo. Tinusok pa ng daliri ni Amalia ang ulo ni Ricardo.

Niyakap pa rin ni Ricardo ang kanyang ina. Alam niya na nagsisinungaling lang ito para pumayag siyang iwanan sa ampunan.

Ano ba, sabay tulak ni Amalia kay Ricardo.

Natumba si Ricardo sa sahig! Umiiyak pa rin. Pero bakas sa mata ni Amalia ang pagka-awa sa anak. Gusto niya itong tulungan upang tumayo pero pinipigil ni Amalia ang kanyang sarili.

Sige na Sister Fe, aalis na ako, sabi ni Amalia sa madre at tumakbo palayo.

 

Bumalik ang kanyang pag-iisip sa kasalukuyan ng nakita niya ang isang babae na lumabas sa opisina ni Sister Fe.

Pinagmasdan lang niya itong nakasandal sa pinto. Habang ang anak na iniwan sa loob ay nagsisigaw.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Ricardo. Nadama niya ang sakit na dinadamdam ng babaeng nakasandal sa pinto.

Na-alala tuloy niya ang kanyang Nanay Amalia. Na-isa-isip niya na marahil ganyan din ang naramdaman ng kanyang ina nung iwan siya nito.

Pinapahid ng babae ang luhaang mata ng puting panyo. Pumipikit-pikit ito, parang pinipilit ang sarili na tanggapin ang nagawang desisyon kahit masakit.

Unang beses kasing makasaksi ni Ricardo ng isang ina na nang-iwan ng anak dito sa ampunan kaya na-antig ang kanyang puso. Di niya napigilan ang sarili na mapa-iyak habang pinagmamasdan ang babaeng nakasandal sa pinto ng opisina ni Sister Fe.

Patawarin mo ako anak. Sana maintindihan mo ang ginawa kung ito. Sana anak, pagdating ng panahon na magkita tayo ulit at matanggap mo ulit ako. Wala na akong ibang ma-isip na paraan anak, pero pinapangako ko, babalikan kita anak. Yan ang bulong ng babae sa kanyang sarili na narinig naman ni Ricardo dahil nilapitan niya ito.

Okey ka lang ba Ma'am, tanong ni Ricardo sa babae habang may dalang baso ng tubig. Nakita kasi niya itong pinupok-pok ang dibdib kaya naisipan niyang dalhan ito ng tubig. Ininum naman ito ng babae.

Maraming salamat! Ako nga pala si Magdalena, pagpapakilala ng babae na nahihirapan sa pagsasalita kasi humihikbi ito.

Ricardo po, Ma'am, sagot ni Ricardo habang inaabot galing sa babae ang baso.

Nay! Nay! Tawag pa din ng batang babae sa loob.

Iho, sana huwag mong pabayaan si Karen dito. Iho, alam kung di dapat ako umaasa sa iba pero wala na akong ibang pagpipilian. Mali itong ini-aasa ko ang responsibilidad ko sa iba, pero wala akong magagawa. Ito ang pinakamabuting paraang naisip ko keysa mahirapan ang anak ko sa buhay. Kaya kung pwede iho, huwag mo sanang pabayaan si Karen dito. Maari ba Ricardo.

Opo Ma'am, aalagaan ko po siya, sagot naman ni Ricardo.

Niyakap siya ng babae, mahigpit, mainit at abot sa kaluluwa niya ang kakaibang yakap na iyon. Yakap ng isang inang ayaw mawalay sa kanyang anak.

Napayakap na din si Ricardo sa babae, kaysarap ng pakiramdam niya kahit hindi niya ito ina.

Pumipikit si Ricardo at dinama ang yakap ng babae at inisip na ang kanyang ina ang yumayakap sa kanya.

Huwag kang mag-aalala Ma'am, aalagaan ko at babantayan ang anak mo.

Maraming salamat iho, sige na aalis na ako. Salamat ulit, sabi ng babae at nagtatak-bong nilisan ang ampunan.

Buntung-hininga na lang ang pinakawalan ni Ricardo ng di na makita ang babae. Dinig pa rin niya ang pag-iiyak ng bata na pinipilit patahanin ni Sister Fe.

Nang silipin niya ang bata ay biglang niyakap ng awa si Ricardo. Na-alala niya ang kanyang sarili sa batang nakita niyang naka-tingin lang sa sahig ang matang patuloy pa ring nag-lalabas ng luha. Luha ng pag-kawalay, luha ng pangungulila.

Iha, tahan na, si Sister Fe na hinahagod ang likod ni Karen.

Sister bakit ganun, bakit ako iniwan ni Nanay, mabait naman ako, tanung ni Karen kay Sister Fe.

Kasi iha gusto niyang maging maligaya ka at alam niya dito sa ampunan magiging maligaya ka. Maraming mag-aalaga sayo. Marami kang kalarong bata ayaw mo non, pagpapaliwanag ni Sister Fe sa kanya.

Siyempre gusto, pero si Nanay ang pinakagusto kung makalaro. Makasama. Siya lang po, at tumayong bigla ang batang si Karen. Pinihit ang pintuan at saka nag-tatakbong lumabas. Si Ricardo naman ay nabigla kaya di niya napigilan ito.

Iha, bumalik ka dito, sigaw ng may edad na si Sister Fe.

Ako napo ang bahala sa kanya Sister Fe, presenta ni Ricardo nang makita siya nito na nakatayo sa labas ng opisina niya.

Dali-daling sinundan ni Ricardo ang bata, di naman ito makakalabas ng ampunan kasi naka-lock ang gate at may gwardiya ito.

Hinanap ni Ricardo ang bata sa labas ng gusali. Tinanong niya ang guard pero wala daw itong nakita. Kaya biglang sumagi sa isip niya ang lugar kung saan din siya unang nagtago noong iniwan siya ng Nanay niya.

Tama nga si Ricardo, doon sa likod ng ampunan. May groto kasi don si Mama Mary at may puno ng pula at dilaw na gumamela sa bawat gilig nito. Para bang para-iso ang lugar na iyon sa ganda. Na kapag andon ka ay mahuhupa ang sakit na nararamdaman mo. Mapapawi ang lungkot na bumabalot sa kina-ibuturan ng iyong puso.

Pinagmasdan lang ni Ricardo ang batang si Karen na umiiyak pa rin habang naka-upo sa naka-upo sa harapan ng birhen.

Mama Mary bakit ba ako iniwan ng Nanay ko. Di na niya ba ako mahal? tanong ni Karen na titig na titig sa mukha ni Mama Mary.

Nakaka-awa ang mukha ni Karen. Sa murang edad ay nakaranas na siya ng isang hamon sa buhay na di niya alam kung paano lalabanan. Hamon na magdudulot ng sugat sa puso na mahirap maghilum.

Si Ricardo naman ay pinagmamasdan pa rin ang batang si Karen na nagpapahid ng kanyang luha. Nakikita niya ang kanyang sarili sa batang ito. Nanariwa ulit ang unang araw din nang paglisan ng kanyang ina noon.

Halos mamatay sa lungkot si Ricardo sa panahong iyon. Magkahalong sakit, pangungulila, hinagpis ang nadarama niya. Sa panahong ma-alala niya ang sayang pinagsaluhan nila ng kanyang ina, ay parang sibat na nag-gugutay-gutay sa kanyang puso.

GUMAMELATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon