CHAPTER 2
Okey ka lang ba? Ako nga pala si Ricardo pakilala niya sa batang babae. Ikaw anong pangalan mo, tanong ni Ricardo.
Pero walang imik ang batang babae. Nakatitig lang ito kay Ricardo at humihikbi.
Alam ko ang pinagdadaanan mo.
Gaya mo, iniwan din ako ng Nanay ko dito. Iyak din ako ng iyak dahil para bang dinudurog ang puso ko sa sobrang sakit, kwento ni Ricardo.
Ito ring lugar na ito ang unang tinakbuhan ko ng araw na iyon. Katulad mo, dito ko rin ibinuhos ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Walang pagsisidlan ang pangungulila ko sa aking ina, dito ko ini-isa-isa ang mga araw na kami ay magkasama. Dito ko rin napag-isip na mahal pa rin ako ng aking ina kahit iniwan niya ako. Sumagi kasi sa isip ko kung ilang beses akong napasiya ni Nanay. Kung ilang beses niya akong napasaya.
Ikaw ilang beses kabang napasaya ng Nanay mo, tanong niya sa batang babae na nakikinig sa kanya.
Maraming beses po Kuya. Ako nga pala si Karen sagot ng batang babae na unti-unti nang tumatahan.
Marami naman pala eh. Kaya yun ang isipin mo. Maraming beses tayong lumigaya sa piling ng mga Nanay natin, pero isang beses lang nila tayung pinaluha at ngayon lang diba, sabi ni Ricardo.
Ngiti at tango lang ang sagot ni Karen.
Kaya mas mahal tayo ng ating mga Nanay, kasi mas marami ang kasiyahang na-ibigay niya kaysa kalungkutan, pagpapaliwanang ni Ricardo kay Karen.
Pero Kuya, bakit niya ako iniwan kung mahal niya ako, tanong ni Karen.
Ganito kasi yan Karen. Ang mga Nanay natin ay may sariling dahilan kung bakit kailangan nilang gawin ang mga desisyong gaya nito. Marahil may mabigat silang dahilan kaya nila ito nagawa sa atin. Ako nga ay di ko pa alam ang sagot kung bakit sa murang edad ko ay iniwan ako dito ng Nanay ko,si Ricardo na bumuntunghininga.
Bakit Kuya, ilang taon kabang iniwan dito ng Nanay mo, tanong ni Karen na nakatingin sa mukha ni Ricardo.
Ako, limang taon pa lang ako ng iniwan ako ng Nanay ko. Ikaw ilang taon ka na ba? tanong ni Ricardo.
Seven na ako Kuya, sagot ni Karen na hawak-hawak ang isang puting panyo.
Mas matanda ka pala sa akin ng isang taon eh. Kaya dapat maging matatag ka Karen para sa pagbalik ng Nanay mo ay maipagmamalaki ka niya, sabi ni Ricardo.
Eh paano Kuya kung hindi na bumalik ang Nanay ko, si Karen na nalungkot na naman.
Alam kung babalikan ka ng Nanay mo, sabi ni Ricardo na pumitas ng bulaklak ng isang pulang gumamela at isa ring dilaw na gumamela.
Aanhin mo yang mga bulaklak Kuya, tanong ni Karen.
Ito, hawakan mo ang dilaw na gumamela sa akin naman itong pula. Sabay nating ilagay sa paanan ni Mama Mary at hilingin natin sa kanya na sana balikan tayo ng mga Nanay natin, sabi ni Ricardo.
