1
Rhen's POV
"What the fck? Sino naman 'tong nagsend na 'to? Mukhang tnga naman!"
Napatawa ako sa nagsend ng game message whatever na yun. Nandito kasi ako ngayon sa isang convenient store malapit sa tinitirhan kong apartment. Kumuha ako ng yosi pagkatapos kong tumawa.
Sinong tanga naman ang maniniwala dito?
Dinelete ko ang text na yun kasabay ng pagihip ko sa sigarilyo ko. Mamayang 12:30 may lakad kami ng barkada ko. Saktong 12 kasi nung pinadala nung unknown na yun yung text niya. Nakakatawa lang talaga.
From: Unknown
To: Rhen
I believe you may have deleted my message from you. I want you to know that this game is serious. I told you my rules. So don't break it whatever happens. But anyway, for you to believe me I should let you witness my first proof that'll change your perspective that this message is real.
I am near you. I can see you through the window of the convenient store you are now sitting. You began to smoke after you delete my message.
I believe you have seen the dog, which reminds me that you are his pet owner. I think it is about to cross the street to meet you. I think I need to kill me. Watch, Rhen. Watch how your only dog be killed by unknown.
After this, please text me your first message. Thank you.
Natatawa ako pagbasa ko nung unang message pero this time hindi na ako natutuwa.
Agad akong napatingin sa harapan ko. Napahinga ako ng mabuti ng makita kong walang tao sa kabilang street. Buti na lang. Mukhang fake talaga 'tong nagtetext sa akin dahil inaamin ko na natakot ako nung nalaman nya yung ginagawa ko pero this? Sasabihan nyang si Davy(aso ko) mamatay para maging isang proof? That's hilarious. Ni wala nga akong nakikitang anino sa kabilang str---
"Sht"
Agad akong napatayo at umalis sa kinauupuan ko ng biglang sumulpot si Davy. Nakikita nya talaga ako!
Bigla akong kinabahan at pinagpawisan ng makita ko si Davy na tumatakbo papunta na sa akin.
"Shit Davy, wag kang tatakbo. Stay!"
Sigaw ko na agad naman niyang ginawa. Di gaanong dinadaanan ang street na yun kaya madalang ang mga sasakyan pero nag iingat pa din ako! Paano kapag totoo? Paano pag hindi? Nakakatawang isipin na nakikita talaga ako nung nagtext sa akin. Magaling syang magpredict ng mga bagay bagay.
E paano kapag coincidence lang yun?
Nung nasiguro kong wala na talagang dadaan na sasakayan dun na ulit ako huminahon.
"Good Davy. Good. Now come here Davy!"
Kasabay ng pag ngiti ko ang pagkagulat ng biglang may mabilis na truck ang dumaan.
Kasabay ng isang truck ang isa pang sasakyan na hindi nakita ang pagkasagasa sa aso ko.
Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Parang biniyak ang puso ko pag kakita ko sa kalagayan ng aso ko.
"DAVYYYYYYYYY!" Galit na sigaw ko.
xxx
Pagkatapos kong umiyak dahil si Davy lang naman ang kasama ko mula ng iwan ako ng pamilya ko at hanggang mag college ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko.
Agad kong nireplyan kung sino man ang walanghiyang nagtext nito sa akin. Ikaw ngayon ang papatayin ko, Unknown.
To: Unknown