"People may come and go in our life. Some may not leave even a single trace but there are few who will leave footprints in your heart. Unfortunately that guy leave not just footprints but hatred & fear"
- January C. Saavedra
*
"He's going to be your husband."
She stared blankly to the guy standing infront of her. Hindi maipagkakaila ang angking kakisigan nito sa kabila ng simpleng v-neck at maong na suot. Kahit naman nuong mga bata pa sila ay ganoon na ito kakisig.
Kaya nga't sa murang edad ay natutunan niya agad itong mahalin.
Natawa na lamang siya sa ideyang nabalot sa isipan niya. Gaya niya tinitigan din siya ng lalaki na parang sinusuri at may bahid ng pagtataka ang mata. Hindi na niya iyon ikinagulat, ilang taon nga ba itong nawala? 10 taon? Malamang maraming magbabago sa kanila parehas. Lalo na sa kanya.
Hindi na siya ang babaeng iniwan nito noon sa isang sadlak na pagkakataon. Yung batang mahina, iyakin at mahal siya? Gaya ng ginawa nito sa kanya, kasama niyang nilibing ang lahat ng masasakit na alaalang binigay nito sa kanya.
At ngayong nagbalik siya hindi niya na muling hahayaang saktan siya ng lalaking ito. Hindi siya mahina. Kaya kung gusto nito ng laro, maluwag niya ito sa loob na pagbibigyan. Binigyan niya ito nang isang nakakapanlokong ngiti na lalong nagpalawig sa kuryosidad na bumalot sa mukha ng binata.
Ganyan. Ganyan ang inaasahan niya.
Dahil sa haba ng panahon at daming sakit na nadama niya, hindi magiging sapat ang salitang "patawad" para maibsan iyon. At hindi kailanman.
Maghihiganti ako, at mararamdaman mo yun Lance Monteverde.
***
BINABASA MO ANG
Last 30th of January.
HumorDahil sa haba ng panahon at daming sakit na nadama niya, hindi magiging sapat ang salitang "patawad" para maibsan iyon.Hindi kailanman.