(Chapter #16) Faith

19 0 0
                                    


Faith's POV

"Huyy ? Gising ka na uyy , papasok ka pa ate faith!" Rinig kong tawag sakin ng bata habang niyuyug-yog ang katawan ko sa kama

"Ohh? Ikaw pala Mandy ? Anong ginagawa mo dito sa bahay ? Ang aga aga nanga-ngapit bahay ka ah, Ahhhmmhh.. bwa bwa bwab" sabi ko naman  sa kanya na nahikab pa at nag takip-takip pa ng  bibig

"Ate diba may pasok ka pa ? Bat di ka pa naliligo ? Tumayo ka na jan.. baka ma late ka , bilisan mo na!" Sabi nya habang hinihila pa ang damit ko

"Hala ! Oo nga pala  , mabuti nalang at ginising mo ko. Salamat Mandy. Hmmm ! Ang cute cute mo talaga. Salamat sa pag gising!" Sabi ko naman saka kinurot ang pisngi nya sabay inalog alog

"Haha. Basta ikaw ate ok lang. Alam mo naman na malakas ka sakin e " Sabi nya naman habang naka ngiti pa saakin. Ang cute ng dimples nya. Hayss.

Habang nag hahanda ng susootin kong mga damit ay napa tingin ako sa wall clock sa apartment na tinutuluyan ko (Time check: 4:44 Am) kaya naka hinga naman ako ngaluwag dahil maaga pa pala..

"Teka , asan na pala ang mga kasama ko kanina dito Mandy ?" Tanong ko sa kanya habang naka turo ang kamay sa kama ko

" ahh. Maaga sila umalis ate faith. Papasok pa daw sila e. Kita nalang daw kayo sa eskwelahan nyo pag pasok mo " sabi naman nya habang tuwid na naka tingin sa akin

Parang may iba kay Mandy ngayong araw ah.. masyadong malaki ang ngiti niya , pero di ko nalang pinansin. Baka maganda lang ang gising , pero ang aga naman.

Papasok na sana ako sa CR ng makalimutan ko ang tuwalya ko kaya bumalik ako sa sala ng makita kong Nandon parin si Mandy at naka ngiti padin na gaya mg ngiti niya kanina saakin . Nyare sa kanya ?

"Mandy bat ang aga mo naman? Asan ba ang Mama mo ?" Tanong ko habang pilit na sinuaungkit ang tuwalya ko na naka sabit sa itaas ng bubong ng apartment na tinutuluyan ko

Ilang minuto akong nag hintay ng sagot habang sinusungkit ang tuwalya ko pero wala akong narinig kaya napa tingin na ako kay Mandy ng makitang wala na sya sa harap ko

"Ohh ? San na napunta amg bata na yon ?" Tanong ko sa sarili ko ng makuha ko na ang kinukuha long tuwalya

"Hmmm. Bilis naman mawala nun ?" Takang sabi ko ulit sa sarili ko habang naglalakad papunta sa bintana malapit sa pinto para silipin si Mandy pero wala akong nakita.. hayss , maka ligo na nga lang .

Matapos akong maka ligo ay nag bihis na ako at nag madaling kumain para maka pasok na kaagad sa school ...

*@School*

"Hi Faith?" Rinig kong tawag sa pangalan ko kaya napa tingin ako.. nakita ko naman ang dalawang lalaki na hindi ko kilala kaya napa kunot ang noo ko

"Ahh. Hello , ako ba ang tinatawag nyo ? kilala nio ko?" Tanong ko sa kanila na naka kunot parin ang noo

"Ahh. Oo , ako pala si Kyle , at sya naman si Antonio " Sabi nung lalake na naka Blue habang naka lahad pa ang kanyang kamay

"Ahh. Nice meeting you . Sagot ko nalang at nakipag kamay din kay Antonio

"Hmm. Pano nio pala ako nakilala ?" Takang tanong ko sa kanila na naka tinginan pa bago sumagot si Kyle saakin

"Hmm. Transferee ka kase . Kaya maybe i think marami ang makaka kilala sayo dito.. sagot nya naman na nagpa tango nalang saakin.

Ng maka rating kami sa tapat ng room ko ay nag paalam na ako sa kanila at hinatid nalang sila ang tingin papalayo.. ng makita kong naka layo na sila ay papasok na sana ako ng may tumawag nanaman saakin

The School DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon