Evilyn's POV
Wag naman Sana. WAG NAMAN SANA!! Huhuhuhuhu.
Pagkadating namin SA ospital agad Kong hinanap sila mommy.
" NURSE!! NURSE! may pasyente po bang nag ngangalang Gilbert Ghaetes at Marie Ghaetes?"
Tanong ko sa nurse habang umiiyak ako."Yes po. Room 219 PO sila" sagot Ng nurse.
Agad akong tumakbo SA sinabing kwarto Ng nurse. Hindi ko na hinintay SI manager Jennie.
Pag kabukas ko Ng pintuan bumungad SA akin Ang malubhang kalagayan nila mommy at daddy.
Agad Kong pinuntahan Ang kanilang mga hinihigaan. Parang bukas na gripo Ang aking mga Mata ngayon.
"Mommy! Daddy! Huhuhuhuhu" hagulgol ko.
"Mommy sorry po.. huhuhu dapat nakinig ako sainyo.. dapa-- dapat Hindi na ako tumakas hi--hindi san-sana mangyayari to huhu sorry Mommy sorry Daddy huhu gumising na po kayo huhuhu mag aaral na po ako.. tsaka Hindi na ako sasali SA mga contest Hindi na ako kakanta para SA inyo mommy! Daddy!! Please po!! Gumising na KAYO!! Huhuhuhuhu Mommy!! Please po! Sorry po!! Gumising na kayo huhuhu mag aaral po ako Ng mabuti para sainyo! Basta wag nyo Lang akong iiwan! Huhuhu." Malakas Kong hagulgol.
Nakita Kong iminulat ni mommy Ang kanyang Mata.
"Mommy! Mommy! Gising kana! Mommy! Mommy?" Pagtataka ko.
Hindi sakin tumitingin SI mommy nakatulala Lang sya SA kisame.
"Mommy? Naririnig nyo ba ako? Mommy?" Pag tatanong ko.
"Mommy! Anong nangyari!? Sabihin mo sakin mommy!" Pahabol ko.
*Tut Tut Tut Tut toooooooot*
"Doc!!!! Manager Jennie!!! Anong nangyayari?? Huhuhuhuhu Mommy!! Daddy!!!! Wag nyo po akong iiwan! Manager Jennie! Nasaan na Yung doctor!??? Huhuhu" pag papanic ko.
Pumasok na Ang doctor at Ang mga nurse para tignan sila daddy at mommy.
"Clear! Clear! Clear!"
"Mommy!!!! Daddy!!!! Huhuhuhuhu wag nyo po akong iiwan!!!! Mommy!! Please!! Huhuhuhuhuhuhuhu sorry po! SORRYYY po!! Huhuhu" nabalot Ng aking pag hagulgol Ang buong kwarto.
"Pasensya na po wala na po kaming magagawa. Masyadong malubha Ang kanilang kalagayan Kaya Hindi na kinaya Ng kanilang mga katawan" pagpapaliwanag Ng doctor at lumabas na.
"Huhuhuhuhuhuhuhu manager Jennie! Anong gagawin ko!?? Wala na sila mommy at daddy!?? Sino Ng mag aalaga sakin!?Sino na--huhuhuhuhu"
"Shhh. Tahan na evi malalagpasan mo Rin Yan.. andito naman ako para gabayan ka.. pero Hindi all the time kasi meron din akong pamilya na inaasikaso. Sana maintindihan mo evi." Pagpapaliwanag ni manager Jennie
Hindi ako sumagot at nag patuloy Lang SA pag iyak.
* One month later*
Nandito ako ngayon SA simenteryo para bisitahin Sina mommy at daddy.
Isang buwan na Ang nakalipas sariwamg sariwa parin Ang sakit simula Ng sila ay mawala.
"Mommy daddy, top 1 po ako sa school Ang galing ko po diba? Tsaka Hindi na Rin po ako kumakanta Kasi Yun po Ang gusto nyo diba? Basta Ang mahalaga ay mag aral ako Ng mabuti." Unti unti Ng lumalabas Ang aking mga luha "tsaka Alam nyo po ba? Marunong na ako magluto Ng paborito nyong adobong manok. Pinag aralan ko po talaga Yun para SA inyo" Hindi parin tumitigil SA pag agos Ang mga luha na galing SA aking mga mata" lagi ko pong inuulam Yun kasi kapag Yun Yung ulam ko parang kapiling ko Kayo eh. Lagi ko Rin pong pinapatugtog Yung kantang paborito nyo naaalala nyo pa ba Yun? Lagi nyo akong kinakantaham ng 'remember me' (from the movie "coco") kapag matutulog na ako. Sana mapatawad nyo na po ako sa nagawa Kong kasalanan, pinag sisisihan ko po talaga Yun" patuloy parin Ang pag agos Ng mga luha ko patungo SA kanilang puntod." Mahal na Mahal ko po KAYO mommy at daddy Hinding Hindi ko po KAYO makakalimutan" pag kasabi ko nun ay umalis na ako at pinunasan Ang luhang kumalat SA aking mukha.
Pumunta na ako SA aming kotse at sinabi SA aking driver na umuwi na.
Ako nalang mag Isa SA bahay namin ngayon at tinatawagan ko nalang Ang driver ko kapag gusto Kong umalis. Mayroong natirang malaking pera SA bank account ni daddy Kaya Yun nalang Ang ginagamit Kong pera para SA pang araw araw Kong pangangailangan. SA edad na 9 ay natutunan ko Ng mamuhay Ng mag Isa at mag pakatatag.
*End of flashback*
Natauhan Lang ako noong may narinig akong ingay SA baba. Parang may dalawang malanding babae na nag hahalungkat Ng pagkain SA refrigerator ko.
Hindi nga ako nag kamali at nakitang may mga pagkaing nakasalaksak SA bunganga nila.nang mapansin nila ako ay bigla silang nag turuan.
"Mmhpmhpmhpmhpmh" Sabi ni zhavia habang nakaturo Kay camille na kasaluluyang umiinom Ng tubig ngayon.
"Anong ako? Ikaw nga naunang kumuha Ng pag Kain Jan eh! Inaya mo Lang ako!" pagpapaliwanag ni camille
"Ehmp shumhunohd kha nhaman?" Pag sasalita ni zhavia habang puno Ang bibig.
"Ubusin mo nga muna yang kinakain mo! Kadiri ka eh!" Pag uutos NI Camille Kay zhavia.
"Nag tuturuan pa KAYO Jan parehas Lang naman kayong kumuha Ng pagkain! Tsaka pano kayo nakapasok dito!?" Pag tatanong ko.
"Umakyat kami SA bakod nyo. Atat na atat na kasi SI zhavia na Makita ka eh. Sya Yung unang umakyat Kaya sumunod nalang ako." Paliwanag NI Camille.
Tumingin ako Kay zhavia na ngayon ay mayroong abot tengang ngiti.
"Haayyss. Kahit kailan talaga Ang sakit nyo SA ulo." Sagot ko habang nakahawak SA sentido ko.
Nagulat ako nang bigla akong yakapin NI zhavia.
"Pag pasensiyahan mo na kami evi kahit ganto kami sayo Mahal na Mahal ka namin^_^ :-*" Sabi ni zhavia habang nakayakap sakin.
Bigla narin akong niyakap ni camille.
"Kahit ganyan kayong mga ugok kayo.. Mahal na Mahal ko Kayo Kasi kayo nalang Ang meron ako.. both of you are MY ONLY FRIENDS and I treat you like family . Kaya subukan nyo Lang na Iwan ako.. malilintikan KAYO sakin" pag babanta ko SA kanila.
"Opo mommy" sabay nilang sagot.
"Baliw" sagot ko habang naka ngiti.
Pag tingin ko SA orasan 6:00am na pala.. Hindi pa ako naliligo. Tumakbo na ako papunta SA CR at naligo na.
Nakarating kami SA school 6:30 na hindi na ako kumain Ng breakfast. pag pasok namin SA room ay pinagalitan kami Ng prof namin. Umupo kami SA bakanteng upuan. Buti nalang mayroong tatlong mag kakatabi na bakanteng upuan Kaya dun nalang kami umupo.
Napaka swerte ko talaga SA mga kaibigan ko. Kaya Hindi ko na sila papakawalan pa.
YOU ARE READING
Your Voice Is My Favorite Song
RomanceSI Evilyn ay isang magaling at sikat na singer noong walong taong gulang pa lamang sya ngunit simula nang mamatay Ang kanyang mga magulang dahil SA kanyang pag kanta itinigil nya na ito at Hindi na muling kumanta pa. Pag kalipas Ng siyam na taon nak...