Chapter 1

51 2 2
                                    

Chapter 1:

Charine’s POV

          *screech…screech…*

        Naalimpungatan ako nang may marinig na kaluskos mula sa aking veranda. Bukas na naman ang pinto. Bigla na namang tumaas ang balahibo ko.

        Dahan dahan akong lumapit sa nakasiwang na pinto at kumuha ng matigas na bagay bilang panangga sakaling matiyempuhan ko kung sino man ang siraulong ito na gabi-gabi na lang kung mantrip.Oo, hindi ito ang unang beses…

        Maingat kong binuksan ang pintuan at… *lingon dito…lingon doon…* Walang tao. Talagang natatakot na ako ah! Gabi-gabi na lang ganito ang eksena sa kwarto ko;magigising ng hatinggabi dahil sa ingay o di kaya naman ay dahil sa…ewan ko, bigla na lang kasing nagigising ang diwa ko dahil sa pakiramdam na parang may nakamasid sa pagtulog ko. Nakakatakot!

        Ngayon lang ako naglakas-loob na isara ang naiiwang bukas na pinto ng veranda. Madalas kasi ay hinahayaan ko na lang itong bukas at nagtatalukbong na lang ng kumot dahil sa sobrang takot. Hindi ako nababaliw! Talagang bumubukas iyan sa tuwing ganitong oras ng gabi. Nakakapagtaka nga eh kasi bago ako matulog ay nilalak ko ito ng bongga!

        Nang maisara ko na ang pintuan ay agad akong nahiga sa malambot at malaki kong kama. Hindi na ako nakatulog pa sa sobrang takot.Muli, binalot ko na lang ang sarili ko sa makapal na kumot. Napakalamig!

        Napaisip ako…Aist! Hindi ko kasi maisip kung sino o ano yung dumadalaw sa akin gabi-gabi! “T-teka…hindi kaya…” Napahawak lang ako sa aking mga balikat na para bang pinuprotektahan ang aking pagkababae…No! No! No! Hindi naman ata rapist yun no! Kung rapist yon sana unang araw pa lang ng bisita niya sa akin ay hinalay na niya ako! Irresistible kaya ako! Aish ! *Iling…Iling…* Hindi dapat ako nag-iisip ng ganung bagay! Kainis naman kasi hindi na ako makatulog eh! Bampira? Multo? Aswang? Stalker? O b-baka si kamatayan?! Waaah ayoko pa!

        Kinaumagahan…

        “Baby! Gising na anak! Uy!”

        “Hmmm…ayoko pang mamatay…”

        “Sino bang nagsabing mamatay ka na?! Oi Charine Valderama kapag hindi ka bumangon diyan pagkabilang ko ng tatlo malilintikan ka na sa ‘ken!”

        “M-mama?!” Nagulat ako na nandito si mama sa bahay minsan lang kasi siya umuwi sa bahay dahil sa work niya. Siguro okay na yung twice a month?

        “Surprised baby?” Nakangiti niyang sabi ngunit bakas pa rin sa mukha niya ang sobrang pagod.

        “Ma! I miss you so much!!! Huhuhu!” Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Anu ba kayo minsan lang ‘to no! Si Mama na lang ang kasama ko sa buhay… si Papa ay patay na. Car accident ang dahilan,mga walong taon na rin ang nakalipas. Tanging si Mama na lang ang nagtatrabaho para sa aming dalawa. Para na rin makapagtapos ako ng pag-aaral sa kolehiyo.Iyan ang dahilan kaya wala akong matakbuhan sa tuwing dinadalaw ako ng creepy stalker ko gabi-gabi. Anlakas ng loob nun porket mag-isa lang ako sa bahay!

        “Baby? Bakit sobrang na-miss mo naman ata ako?” Pagtataka ni Mama na ngayon ay nakayakap na rin sa akin.

        “Masama po bang mamiss kayo?” Nagtataka siguro siya kung bakit ang weird ko ngayon. Kadalasan naman ay hindi ako ganto ka-touchy sa kanya eh. Pero natuwa lang talaga ako ng sobra kasi nandito siya. Feeling ko may armor na ko laban dun sa midnight visitor ko.

        “Ang baby ko talaga…tara mag-breakfast na tayo at may pasok ka pa ng 7:00! Nagluto ako for you!” Oo nga pala! First day of classes ko ngayon. Second year na ako sa kolehiyo. BS Architecture ang kinuha ko. Gusto ko kasing maging tulad ni Papa.Siya nga ang nagdisenyo ng bahay na ito eh kaya sobrang ganda. Malaki siya at feeling ko ay mas lumaki pa simula nang mawala si Papa dahil dalawa na lang kami ni Mama. Ang lungkot…

        “Wow! Namiss ko rin yung luto mo Ma!” Magaling magluto ‘yan si Mama. Aba! Chef ata yan! Mana nga ako sa kanya eh ! :D

        “Ok ! Pero for now maligo ka muna at baka ma-late ka pa.”

        “Ok Ma.” Ni-kiss ko lang siya sa cheek. Sasabihin ko ba sa kanya?

        After kong maligo at magbihis ay agad na akong bumaba.

        “There you are! Let’s eat na!” Aya ni Mama.

        “Hmm… Mukhang masarap!”

        Nakatingin lang si Mama sa’kin habang kumakain. “Bakit Ma? Di ka pa ba kakain?”

        “Iha,dalaga ka na talaga.Ang ganda at ang amo ng mukha mo. I’m sorry kung hindi ko masyadong nasusubaybayan ang paglaki mo.”

        “Bakit nagpapakasenti ka jan Ma? Syempre ok lang sa akin yun noh! Kung hindi po kayo nagtatrabaho, malamang hindi rin po ako nag-aaral ngayon…” At hinawakan ko ang kamay niya, “ Kaya… Thank you po Mama.”

        Ipinatong din niya ang isa niyang kamay sa kamay ko na nakahawak sa isa niya pang kamay at ngumiti lang siya.

        “Teka anak! Bakit ganyan ang mga mata mo at parang nanlalalim?” Pag-aalala ni Mama.“At kanina nung ginigising kita para kang binabangungot.Sabihin mo,may masama bang nangyari sayo?”

        Ayoko! Hindi ko pwedeng sabihin kay Mama! Marami na siyang inaalala ayoko ng madagdagan pa iyon!

        “Wala naman po.Madalas lang akong managinip ng masama lately.”Sorry po sa pagsisinungaling! >.<

        “Ah ganun ba.Mag-pray muna kasi bago matulog okay?”

        Tumango na lang ako at ngumiti.

        “Sige Ma! Papasok na po ako! Ingat po kayo ah tawagan niyo lang po ako kung may kailangan kayo!”

        “Diba dapat ako ang nagsasabi niyan sayo?Andito lang kaya ako sa bahay. Ok sige ingat ka!” At nagbeso lang kami.

        Yun na nga eh anjan lang kayo sa bahay at nag-iisa…baka kasi magparamdam yung creepy stalker ko kay Mama! Wag naman sana!

The Legendary EnvoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon