Chapter 4

16 1 0
                                    

Please read my other book, 'That Nerd Is A Gangster'

Thank you!

Chris' POV

Hello! Ako nga pala si Chris! Pero take note, hindi yan ang totoo kong pangalan. Let's say it is just my pen name. Pero secret ko muna yung name ko, special ako eh!

So, ano na ulit mangyayari? Ay, oo nga pala. Nandito kami sa office nila tito Josh dito sa mansion nila. We will to talk about Alexine and the awakening of her power.

We opened the door and greeted them. Agad naman na bumungad sa amin ang tambak tambak na mga files sa mga bookshelves nila, pati na rin sa table niya ang daming mga nakapatong na papel.

"Oh, bat naparito kayo? May kailangan ba kayo?" tanong sa amin ni tita na katabi lang ni tito.

"Ahm, puwede po ba tayo mag usap royal sorcerers?" magalang na sabi ni Aliana na nasa harap namin.

"Ano naman iyon princess?" oo tama kayo ng narinig, princess siya. At ako naman ay isang prince, ang pinaka guwapo sa lahat! 😎

"About kay Alexine po. Lumabas na po ang kapangyarihan niya." seryoso kong sabi sa kanila. Siyempre magaling akong makiramdam sa atmosphere, at alam kong intense ang magiging usapan.

"Kailan nangyari?" seryosong tanong ni tito sa seryoso kong sagot. Hahaha, para akong ewan, AMP.

"Kahapon lang po. Naramdaman po namin ang malakas na enerhiya. At alam naming si Alexine yon." magalang naman na saad ni Zach. Tumango naman si tito na para bang may importanteng iniisip.

"Iyon lang ba mga royalties?" tanong ni tito sa amin. At ngumiti siya sa amin na para bang walang mahalagang pinag usapan.

"Atsaka, aalis na po kami ngayon. Natapos na rin naman po ang mission namin. And we are only given 5 days to accomplish it." sabi ko naman sa kanya. Pero alam niyo idol ko yang si tito. Isa kaya yan sa mga legendary sorcerer. Pati si tita legend din yan.

Pero ang nakakapag taka ay kung bakit Ice ang kapangyarihan ni Alexine, sapagkat mga sorcerer naman sila tita.

"Kayo nalang po magsabi kay Alexine tito, tita." magalang rin na saad ni Althea. Alam kong sa maikling panahon na nakasama namin si Alexine, itinuring na niya siyang isang mahalagang kaibigan.

Hindi naman kasi mahirap makisama sa kanya eh.

Tumango si tito at sinabing, "Magiingat kayo royalties. Ipapasama ko nalang kayo kay tita niyo."

Sa huling pagkakataon ay nginitian namin siya. Sa isang iglap ay nandito na kami sa gubat kung nasaan ang portal.

Hay, mami miss ko talaga ang lugar na to. Mas maraming chicks at pagkain dito ah.

Pero bago pa kayo mag isip ng kung ano ano, hindi po babae ang tinutukoy ko ah.
Ang sinasabi kong chicks ay sisiw. Ang cute kaya nila, lalo na yung may ibang kulay, yung binebenta sa simbahan?

"Tita, pakisabi nalang po kay Alexine na aalis po kami. Pakisabi rin po na mamimiss ko siya tita." sabi ni Aliana. Hay, pustahan tayo nalulungkot na tong babaeng to. Hay, at alam kong magaalala yung lalaking yon pag nalaman niyang nalulungkot to.

Ngumite lang si Tita at sinabihan na kaming pumasok sa portal. Pero bago ako pumasok, sinulyapan ko muna ang mansiyon at tuluyan ng pumasok sa portal.

After closing my eyes in a second ay nandito na kami sa harap ng school. Naka balik na kami, pero alam kong may kulang parin.

"Maligayang pagbabalik, Superior Alphas." bati saamin ni headmistress.

Hay, saglit lang ang bakasyon namin ah, matagal nanaman ang susunod naming bakasyon. Balik sa dati nanaman kami.

Arruien Academy: Home of the long lost elemental princess [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon