Prologue

3 0 0
                                    

Sa malayong probinsya ng Mindanao ako lumaki. Salat man sa yaman ang aking pamilya pero masaya kami na magkakasama. Pangatlo ako sa limang   magkakapatid.

Tahimik lang ako at madalas sinasabihan na sobrang mahiyain. Takot ako sa maraming tao. Ang ayaw ko sa lahat ng tinitignan ako lalo na kong ito ay lalake. Simple lang din amg gusto ko sa buhay. Ang makapagtapos sa aking pag aaral. Makasama ko ang pamilya ko at mamuhay ng simple. Hanggang sa dumating ang araw na lahat ng simpleng pangarap unti unting lumalabo.
Sa muranh edad ko na pitong taong gulang,saka naman sumuko si mama. Iniwan na niya kami. Dahil sa kanyang pagkawala,marami ang nagbago. Dahil sa hindi kaya ni papa na buhayin kaming limang magkakapatid. Donn pumasok ang mga kapatid niya. Bawat isa sa amin ay pinaalaga ni papa sa mga kapatid niya. Kaya sa murang edad,naranasan kong mamuhay na hindi kasama ang aking mga kapatid. Walang oras na hindi ako umiiyak. Lagi kong inaabangan si papa sa labas ng pintuan. Sa tuwing umaalis ang tita ko,hindi ako sumasama dahil sa akala ko pupuntahan ako ako ni papa. Pero buwan at taon ang lumipas. Unti-unti ko nang tinanggap na hindi na ako kukunin ni papa.

Dreaming Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon