Off to Korea

12 0 0
                                    

"Maaa! Bakit di mo ko ginising? Male-late ako sa flight nito!"

Sigaw ko kay Mama habang dali-daling bumangon sa higaan. 2:51 na ng hapon, 3:30 flight ko patungong Manila. All my bags are packed naman and I'm ready to go, nag-afternoon nap lang ako kasi connecting flight ako patungong Korea and I'm not the type na madaling makatulog sa byahe. Kaya pagkabangon ko, toothbrush muli agad ako, tapos nagkilay, liptint at pulbo.

Yes, di po ako maarte. Girl scout to! Yan yung tawag saming mga babae na pwede mong makaladkad kahit saan kasi walang arte sa katawan at mostly alam lahat ng bagay-bagay at independent.

"Dany matagal kapa? Traffic ngayon baka di ka na makaabot. " sabi ni Mama.

"Eto na Ma! Pababa na! Bakit kasi di mo ko ginising eh."

"Hala, ikaw kaya may sabi na saglit ka lang matutulog, malay ko bang matatagalan ka."

Hay naku, si Mama talaga. So eto na nga, pababa na ako, dala ko na isang malaking maleta at isang maliit na bag. Black jeans lang at varsity jacket yung pormahan ko, tsaka shades syempre, okay na ako!

"Magsuklay ka nga kahit konti Dany. Kaya walang nanliligaw sayo kasi di ka marunong mag-ayos eh."

Aray! Wag naman mangtotohanan Ma.

"Okay na yan Ma, kamayin ko nalang sa kotse. Tayo na po, please. "

And off we go to the airport. 30min maximum lang naman byahe nito mula sa bahay namin. Aaand, tawag sakin ng mga friends ko e "Ninja" since palagi talaga ako late sa mga event and tinatakbo ko ito para makaabot.

So here I am inside the plane, economy class lang po, di naman kami mayaman. Kaya nga ako mag-aabroad patungong Korea kasi malaki kita don kaysa dito sa Pinas. Now let me introduce myself. I am Daenerys Romano, Dany for short, 22yrs young, a graduate of Bachelor in Arts majoring English. I live in Cebu at patungo akong Manila ngayon to take my flight to Korea. Actually dream ko talaga makapunta sa Korea, kasi aside sa Kdrama addict ako, tapos nakabuntis yung younger brother ko so we need money to gastos and nakauwi na si Papa from abroad kaya mas lalong need ko na talaga magtrabaho, is nandun yung first love ko. Hahaha I may sound ambitious to most of you pero talaga totoo to, he is a KPOP STAR. Ewan ko nga lang kung makikilala nya pa ako. Pero kasi I still believe on what he said before he left, sabi nya babalik sya, babalikan nya ako. Pero dahil baka masyado na syang busy, ako nalang pupunta sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Long Time No SeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon