Chapter 2🌸

5 1 0
                                    

Zyril POV

"Where here! " sigaw ni Vincent at agad na bumaba ng sinakyan naming van.

Bumaba naman kami kaagad at pag baba ko.Wow.Ang laki ng bahay! Actually kasing laki lang sya ng bahay namin pero lamang ang bahay na to ng isang linisan.

May gate na kulay gold at mataas ito.Siniguradong hindi  makapapasok ng mag nanakaw.

Nung pumasok na kami lalo pa akong namangha sa ganda ng garden nila. Ibat ibang bulaklak ang nakapaligid dito at may kubo sa loob . Kitang kita ko dito ang modern style ng kubong iyon. May kurtinang puti na parang binalutan ang kubo at may mga nakalaylay pa sa itaas nito.

Pag dating namin sa pintuan..sinalubong kami ng mga maids nila. May isang mataba na nasa gitna. Tinignan nya ako. Ngumiti at tumungo ito sa akin.

"Magandang umaga sir Vincent. Ipinaayos na po ng inyong Ina ang inyong kwarto. Maari na po kayong magpahinga marahil ay maaga pa. Gigisingin nalang po namin kayo kapag nakahanda na ang pagkain sa hapag" sabi ng isang matandang lalaki. Omy. So sina Vincent ang may ari ng mansion na ito?

"Uhmm. Nay Celia , tay nando,nay thresita,tay lando. This is my cousin Katelyn. And this Is my cousin's friend zyril monteverde"

"Kay gandang mga binibini. Hindi na ako magtataka kung bakit pinsan mo ang Batang ito." Turo Kay Katelyn "magkamukhang magkamukha kayo. Ito namang isang binibini kung di mo pa ipinakilala aakalain naming kasintahan mo" natatawang tugon ni tay lando. Nagtawanan naman sila lahat. Habang ako ay namumula na sa hiya.

"Tay lando naman. Sige po mag papa hinga na po kami. Salamat po sa pag aasikaso"

Pumasok na kami ng tuluyan. Itunuro naman sa akin ng isang maid ang kwarto ko.

"Ma'am ito po ang kwarto nyo tawagin nyo nalang po ako kung may kailangan pa kayo." Aalis na sana sya ngunit hinawakan ko sya sa kamay para pigilan. Paano ko sya tatawagin kung hindi ko pa alam ang pangalan nya diba?

"Wait.uhm. anong pangalan mo?" Mukhang nagulat pa sya dahil tinanong ko ang pangalan nya. May nakakagulat ba don?

"Ako po si Cassandra." Nakangiti nyang tugon.

"Uhm.. Ilang taon ka na Cassandra?"

"17 years old na po ako ma'am" ang bata nya masyado. Matanda lang ako ng isang taon sa kanya a? Masyado pa syang bata para mag Banat ng buto. Wow Tagalog na Tagalog.hahahaha.

"Pwede bang tulungan mo ako?" Ipinakita ko sa kanya ang mga gamit ko. Papatulong sana ako mag likom ng gamit. Ilalagay ko na sana sa drawer.

"Sige po ma'am"

Habang nag aayos ng mga damit nag tanungan lang kami ng nagtanungan. Tulad ng kung maganda ba sa maynila, kung paano ba kumilos ang mga taga doon, kung magaganda ba daw ang tao doon.

Bat ba ang mga taga probinsya ang taas ng tingin sa mga taga maynila. Pare-parehas lang rin naman kaming mga tao.

Pag tapos naming mag ayos ng gamit, bumaba na kami ni Cassandra. Dahil kainan na.

Pag baba namin naabutan namin sina Katelyn na nagtatawanan kasama si Vincent pati ang mga katulong nila sa bahay na ito. Kaya naman pumunta na rin kami doon.

Aalis na sana si Cassandra ng higitin ko ulit ang kamay nya. Bat di sya sasama sa amin  e kasama namin ang mga kasamahan nya.

"Ma'am pupunta po ako sa akin kwarto para doon mananghalian" nakangiti nyang sabi.

"No. Dito ka kakain kasama namin." Habang sinasabi ko yon nakatingin ako kina Katelyn na naka ngiti rin. Tinignan ko naman si Vincent at nakita kong naka tingin din sya sa akin tapos tumingin sya kay cassandra at tumango.

Ngumiti naman si Cassandra at parang nagliwanang ang mukha dahil sa narinig nya.

Well oo nagbago ako but hindi totally. Mabait parin naman ako kahit papaano. Yung tipong pag nakakita ako ng pulubi kahit walang pera kung meron man akong pagkain ay ibibigay ko. Hindi ko kayang makakita ng ganong klase ng kalagayan.

"Talaga po ma'am? nakakahiya naman po" tumungo pa sya dahilan para nalaman kong nahihiya nga sya.

"Ano ka ba naman. Magmula ng tulungan mo ako kanina hindi ka na iba sa akin" ngumiti ako at tumayo. Hinila ko sya papalapit sa upuan sa tabi ko.

Nagdasal na kami at nag umpisa ng kumain. Pagkatapos naming magsikain nagpaalam na si mang lando. Ngayon ko lang rin nalaman na mag kapatid si mang nando at mang lando. Kaya pala mag ka tunog ang pangalan nila.

Anak naman ni nay Celia at mang nando si Cassandra. Balak ko sana ng magpasama Kay Cassandra na ikutin ang buong mansion nila Katelyn. I mean nina Vincent.

Pag Labas namin narinig namin na bumukas ang napaka lacking gate sa harap ng mansyon sign na may pumasok.

May kotseng dumaan sa harap namin. I think it's Aston Martin. May kotse pang itim na kasunod. And that car, I think it's Dodge Challenger. Woah. Bigtime cars.

"Cass? Sino sa tingin mo ang nagmamaneho ng mga kotseng yan?"

"Alin Jan ma'am?"

"Both. That Aston martin and that dodge challenger"

"Wow ma'am may alam po pala kayo sa mga kotse. Ang galing. Ahh ma'am. Yung nauna po si sir Nathan po. Yung nasa itim naman pong sasakyan ay si sir Nate. Magkapatid po sila. Pinsan po nina  sir Vincent. Si sir Nathan po ang panganay."

At bumaba naman ng sabay ang dalawang binata na sh*t! Ang gugwapo❤ lalo na yung nakasakay sa itim na Dodge Challenger. Parehas pang naka shades na nakadagdag ng angas nila. Naka white T-shirt na may nakapatong na black leather jacket . Naramdaman ko nalang na kinukulbit ako ni Cassandra.

Mukhang mas lalong magiging maganda ang bakasyon ko HAHAHAHA.

**************

Sana magustuhan nyo. Don't forget to vote and leave a comment. Lovelots. Mwahhhh.

The Bad Boys MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon