Fall Out

68 6 1
                                    


"Basta ha? Sa Sabado. Hindi ko pwedeng hindi mapanood ito! Ilang buwan ko nang inaabangan yan." Nilingon ko ang phone kong nakapatong sa lamesa para kausapin si Mae.

"Oo na. Grabe naman ito. Dun na lang tayo sa malapit sa amin." nakanguso niyang sagot. Mabilis namang lumundag ang puso ko kaya agad akong bumalik sa paghahanap ng maisusuot para bukas.

"Okay. Okay." Bumuntong-hininga ako at hinagis pabalik ang pulang polo shirt na tinitingnan ko kanina. Kinuha ko ang phone ko at naglakad pabalik ng kama.

"2 PM na lang para makapahinga ka pa ng ilang oras. Anong oras ba uwi niyo ng Friday?" binagsak ang katawan ko at nakadapang tiningnan ang ka-facetime ko.

"Sabi ni kuya mga hapon na daw. Pero sabi ko nga baka maipit kami sa traffic dahil uwian." sagot ni Mae. Kita ko sa background ang mga kapatid at pinsan niyang nagkakasiyahan.

"Sige basta 2 PM Saturday. Pag ikaw na late, sagot mo dinner natin!"

"Sige na! Sige na! Tinatawag na nila ako." natatawa niyang sabi.

"Magpromise ka muna." umupo ako at tiningnan siya ng mabuti. Dinig ko ang malakas na hiyawan ng mga pinsan niya at ang tugtog galing sa videoke.

Sumimangot muna siya saka matamis na ngumiti sa akin. "Oo na. Hindi po ako male-late. Promise."

Tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung posible ba iyon pero tumigil siya. Kasabay ng pagtigil niya ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Mabilis naman na siya kanina pa pero mas bumilis nung ngumiti siya. Ang hirap tuloy huminga.

"Huy! Anton!" agad akong bumalik sa aking sarili nang marinig ko ang boses niya. "Ano na? Tulaley?" natatawa niyang sabi.

"Hahaha sorry na! Ang cute kasi nung ka-video call ko eh."

"Sus! Wala akong panlibre sa'yo!"

Tumawa siya. Natawa naman ako. Pagkatapos ng ilang minutong tawanan. Nagpaalam na siya.

"Text mo na lang ako sa Sabado." paalala niya.

"Sige sige. Enjoy dyan! Ingat din kayo sa pag-uwi!" sagot ko na siya namang tinanguan niya.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama at huminga ng malalim. "Langya! Mae! Hanggang ngayon!" Nagpagulong gulong ako sa kama. Bakit ba? Babae lang ba ang pwedeng kiligin?

Naging mabilis ang mga araw dahil sa dami ng ginagawa sa opisina. Hindi ko namalayan na Friday na pala.

From: Mae
Super busy? Wala man lang text. Anyway, On the way home! See you tom!😘

Mabilis kong nasapo ang ulo ko dahil nawala talaga sa isip ko. Sa sobrang pagod sa trabaho ay kain tapos diretso tulog na lang ang nagawa ko.

"Tara na Anton! Centerstage daw sabi ni TL." tawag sa akin nila Dave.

"Nako! Sa susunod na ko sasama. Kailangan ko na kasi umuwi. Alam mo na." nahihiya kong sagot.

Napatingin sila sa phone kong sakto namang nag-ring at sabay sabay na napatawa.

"Sige! Basta sa susunod dapat kasama ka na." tinanguan ko sila bago sila lumabas. Bumuntong-hininga muna ako bago sagutin ang tawag.

"Hello?" sagot ko at naglakad papunta sa isa sa mga upuan sa pantry.

"Busy?"

"Nope. Sorry. Kakalabas ko lang kasi ng floor. Saan na kayo?"

"Highway, I think. Parang national highway."

"Ah hinapon na kayo. Baka madaling araw na ang dating niyo niyan ng Manila."

"Oo nga eh. Ang kulit kasi nila kuya. Tapos ang sabi sa akin, wag daw ako magreklamo kasi hindi naman daw ako ang magdadrive." natawa ako sa sinabi niya dahil naimagine kong nakapout ito habang nagsasalita.

PerchanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon