"Hey!" bati ko kay Ann.
"Kamusta naman?" tanong niyang habang hinahatak ang upuan sa harapan ko.
"Hold it! Oorder muna ako." hindi ko naman mapigilang matawa dahil talagang itinaas niya pa ang kamay niya para patigilin ako sa sasabihin ko.
Tumayo siya at pumila muna sa may counter. Sakto namang umilaw yung phone niyang naiwan sa ibabaw ng lamesa.
Babe calling ...
Ang swerte talaga nitong bestfriend ko pagdating sa love life. Sana bestfriends din kami pagdating sa ganyan.
"Sorry." natigil ang pagmumuni-muni ko nang bigla siyang dumating at sinagot ang tawag ni Jake.
"Sorry babe. Yep. Kasama ko na si Mae. I will don't worry." nakangisi lang ako habang kausap ni Ann ang boyfriend niya sa phone.
"Yes. Love you too." sabi niya at umakto akong nasusuka.
"Ewan ko sayong bruha ka! So ano na? May progress na ba ang MaeTon ko?" sabi niya sabay kain ng french toast na inorder niya.
"MaeTon? Eew Ann! Ano ba yan! Kakanood mo yan ng Kdrama."
"What? Yun ang tawag ko sa love team niyong stagnant ni Anton."
Gusto ko sanang matawa pero pangalan niya palang ay agad nang may kumirot sa may dibdib ko.
"So? Ano na?" tanong niya ulit bago uminom sa kanyang frappe.
Kinuha ko ang sarili kong kape saka uminum dito. Mapait. Iced flat white ba naman. Pero okay lang, malayo ito sa nararamdaman ko.
Nasa isang sikat na coffee shop kami somewhere in the middle of the bustling city proper. It's weekday kaya jampacked ang lugar ng mga professionals who took a break to have coffee or mga papasok palang for an afternoon shift.
I'm kinda regretting calling Ann here. I wanted someone to talk to but at the same time ayaw kong magkwento. Ayaw kong balikan yung sakit.
"Mae?" bumalik ang diwa ko nang tawagin ako ni Ann. Concern evident on her face.
"I know there's something wrong. And you know you can tell me everything. Anything." sabi niya at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa may lamesa.
I tried to hide the lump on my throat by laughing it out. "Too much drama Ann. Wala namang progress. I find his company enjoyable."
"I know you're tired of hearing this but, sa tagal niyong close, nagtapat na siya sayo't lahat lahat, never ka bang nagkagusto sa kanya?"
"I already told you and I'm telling you again, wala talaga girl." sabi ko sabay inom ng kape.
Tiningnan lang niya ako na para bang hindi naniniwala at nagkibit balikat na lang.
Napunta ang usapan sa upcoming out of the country trip nila ni Jake at gusto niya akong isama. Pero syempre tumanggi ako. Gawin pa nila akong taga-picture dun!
-----"Just ring me if you need someone to talk to. Alam mo namang papaliparin ko ang sasakyan ko makarating lang ako agad sayo." sabi ni Ann pagkababa ko ng kotse niya.
"Sure ka? Kahit na may ginagawa kayo ni Jake?" natatawa kong sabi.
"Uhm.. Gagawin kong quickie para sayo." nakangisi niyang sabi.
"Eeeew Ann! Wala akong balak malaman ang sex life deets niyo ni Jake!" sabi ko at sinara ang pintuan ng kanyang sasakyan.
"Hey!" binaba niya ang bintana ng passenger seat. "I'm just joking! But seriously, just call me."