Prologue

18 0 0
                                    

"San mo ba ako dadalhin?!"sigaw ko sa kaniya.Di ko na mapigilan na sigawan siya dahil sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.Buti na lang at walang masyadong tao na nakakita samin.

Kahit anong piglas ko ay hindi ako makawala.Napunta kami sa lugar na hindi ko pa kailanman napuntahan.

Binuksan niya ang pinto at hinila niya ako papasok sa loob.Namangha ako dahil sa laki at ganda nang disenyo.Sa tingin ko ay ito ang kanilang sariling kwarto sa loob ng eskwelahan.

Hindi na ako nagtaka kung bakit may ganito sila.Kaibigan niya lang naman ang isa sa anak ng may-ari ng eskwelahan.

Hinila niya muli ako sa isang kwarto na sa tingin ko ay sa kanya.Mapapansin mo naman ito dahil sa harap nang kanilang pinto ay may disenyo ito at nakalagay ang kanilang mga pangalan.

Muntik pa akong matawa dahil sa disenyo nito.Buti na lang napigilan ko dahil tumingin siya sakin ng masama.

"That fucker."rinig kong bulong niya ngunit mapapansin mo ang inis dito.

Nang makapasok kami sa kanyang silid ay nanlilisik ang mata niya na tumingin sakin at tinulak niya ako sa likod ng pintuan at hinampas ng malakas ang pintuan.

"Ano bang problema mo?!"galit na sigaw ko sa kanya.Ang sakit ng tulak at ang lakas ng paghampas niya sa pinto.Dagdag mo pa na hinawak niyang mahigpit uli ang braso ko.

"You! Ikaw ang problema ko!"

"Anong ako?! Wala akong ginagawa sayo!"

"I hate this feeling."rinig kong bulong niya at bumuntong hininga.

Tumingin ulit siya sakin ngunit hindi na galit ang nasa kanyang mga mata kundi pag-aalala.

Pag-aalala? Imposible.

"Fuck those people!"galit na singhal na naman niya.

Umalis siya sa harap ko at kumuha ng tuwalya sa cabinet.Ibinalot niya ito sa katawan ko.

"Ako lang ang dapat makakita niyan Dela Cruz.Ako lang."madiin na sabi niya.

Napalunok na lang ako dahil sa sobrang lapit nang kanyang mukha sakin.

Napatingin ako sa suot ko halos kita ang aking kabuuan ko dahil basang basa ang aking buong katawan.

"Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan Santillan."hamon na sabi ko sa kanya.

"You can't disobey me Dela Cruz.Ako ang nagmamay-ari sayo.Ako lang.When I said you are mine.YOU.ARE.MINE."

And the next thing I knew his lips pressed against mine.

------------------------------

This is a work of fiction. Names,characters,businesses,places,events and incidents are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner.Any resemblance to actual person,living or dead,or actual events is purely coincidental.

Do not distribute,publish,transmit,modify, display or create derivative works from or exploit the contains of this in ajy way.Please obtain permission from the author.

Copyright ⓒ icetaethic

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

For You (Bad Boys Series #1)Where stories live. Discover now