I

10 1 1
                                    

Someone's POV

Hindi ko na namalayan pa na napapunta na ako sa kinahahantungan ko ngayon na nakasakay na ako sa tricycle, maybe dahil sa pagiging excited kong makita muli ang mga katropa pips ko nanaman. Yipee!

And maybe dahil na din sa pagiging excited ko, di ko na alam kung ano pinaggagawa kong pagmamadali bago makarating sa kinagagalawan ko basta ang alam ko ay nakasakay na ako sa sasakyang ito...

Oh well, hindi ko na dapat yan kailangang problemahin pa at ang isipin ko na ngayon na dapat masaya ako ngayon, dahil makakapasok na muli ako sa paaralang pinamalagian ko na ng tatlong taon, and obviously this would be my 4th year na mamalagi ako sa paaralang ito.

Why am I not happy for this?! Hindi ba dapat nadadama ko na ang tagumpay ko dahil may milestone nanaman muli akong mararating? Iba kasi itong namamayani sa aking isipan ngayon, tila nababalot ito ng coldness. Kalungkutan ito siguro dahil may pilit na bumabalik nanamang ala-ala sa muling paglapit na ng destinasyon namin. Nandito naman uli, dumdaloy nanaman uli yung kalungkutan namamayani sa akin dahil sa mga ala-alang pilit bumabagabag sa akin, pagbagsak muli sa mapapait na pangyayari ng nakaraan and I hope sana di na muli ito mangyari, dahil nakalipas na ito.

...

Imbis na isipin ko ang pamamalaam ko sa paaralang ito, iniisip ko na kung paano ko susulitin tong isang taon pang natitira para maenjoy ko ang Junior High School Life. Balita ko rin kasi, ililipat na ako ng mga magulang ko sa Manila at doon ako matira sa kamag-anak namin na malimit naming pinupuntahan tuwing bakasyon. Para din naman ito sa akin, para mabigyan ako ng mas may kalidad na edukasyon, at siyempre, matuto nang humakbang sa sarili kong mga paa.

Maya maya, biglang tumigil itong sinasakyan ko, pero hindi pa naman ito ang paaralan namin, at siguro'y may sasakay na tao dito sa sinasakyan kong tricycle. Hindi ko namalayan ang kaniyang pagtawag sa tricycle, o sadyang kinakalimutan ko lang siya. Tila, may naaalala ako sa boses niya, na kailangan na dapat wag ng aalahanin pa, dahil lumisan na siya sa iyong buhay at hindi ka muli yayakapin pa. Ngunit, hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko, dahil nagawa niya pa akong tabihan at kita ko sa kaniyang mga ngiti, na parang ang sayang saya na niya.

Siguro, dahil nakamove on na siya sa kung ano mang nagkaroon na relasyon sa amin bilang malapit na magkaibigan. Ganun ganun na lang ba yun? Life must go on, diba nga? Pero di eh, hindi ko pa kayang bitawan ang taong pilit ko pang alalahanin dahil naging malaking papel siya sa aking buhay and hindi yun magbabago...

I looked upon him and hindi ko namalayan, nakatingin din pala sya sa akin. Our eyes struck. Kitang kita sa kaniyang mga mata ang kaniyang pagkamalamig na dating na gusto niyang ipadanas sa akin ng bawat sandali ang kaseryosohan na siguro napagtanto niya, kawalan niya lang ako, dahil mayroon pang 7Billion pang ibang tao.

Pero kahit gayunpaman, magkakapareho man tayo bilang tao, kahit gaano pa man tayo karami maging ang mga kamukha natin na halos magkakapalitan na ng mukha, pero magkakaiba pa rin tayo ng halaga. Parang yan lang yung mga bagong labas na pera... Magkakatulad man sila ng anyo at kulay, pero magkakaiba pa rin sila ng halaga...

At yun na nga, syempre pilit kong maging professional sa kaniya para kunwari maayos na rin ako sa kalagayan ko ngayon, kahit kumikirot pa rin itong puso ko sa hindi mo inaasahang mawawala ang isang taong nagbigay ng malaking kahulugan sa yo ni kahit anong paguusap, di man lang nakausap kung ano mang dahilan ang naging hamon sa napakamalamya naming pagsasama.

Umiwas na rin ako sa paningin sa kaniya at tinuloy ang pananaghoy.

Hindi naman sa pag-assume pero may bumabagabag sa isipan ko na maaaring gusto niya ring makipagayos sa akin pero hindi niya lang magawa dahil may sumasagabal. Alam ko namang meron iyan lagi. Pero kailangan ko pang alamin mabuti kung totoo nga itong sinasambit ko. Ang mahalaga na lang sa ngayon ay may natitira pa syang pake at pahalagan ko na lang yun as a token.

Ang tahimik ng paligid, maliban sa tunog ng aming sasakyang sinasakyan kasabay ang pagikot ng gulong sa lubak lubak na daan naming tinatahak.

Anlikot ng sasakyan at napapasabay kami sa pag-uga nito....

Tiningnan ko muli siya, ayun hawak nya ang kaniyang cellphone... Habang gamit nya iyon, kinig na kinig ang tunog na senyas na ang dami nyang kausap. Ang bilis nyang magtype para mabasa naman ang ibang convo. Pagpatuloy mo lang 'yan pren. Nandito naman ako sa yong tabi kahit hindi mo ko pansin na naarine ako.

Ayun, naandun pa rin ang iyong matamis na ngiti. Nakabungisngis. Naalala ko uli tawa mo, yun lagi ang naeenjoy ko sa yo. Hahaha.

Imbis na makapagdrama pa lalo sa kaniya nagisip isip muli ako. Napagtanto ko, bakit parang ang tagal naming nakaupo sa aming sinasakyan...

And I see again na naandito na pala kami sa aming destinasyon... Kailan pa kaya? Siguro nagtaka na rin ang drayber kung bakit ni isa sa amin wala pang nakibo. Presence of mind naman oh, pren!

Hinugot ko ang pera sa aking bulsa. At sabay abot sa drayber. Pero ang sabi ni kuya, wala pa akong barya, at sinabi sa katabi ko kung kakilala naman nya daw ako.

"Oo," ang dagliang pagsambit nito...

Biglang sumulpot ang kaniyang kamay na may nakasahod na barya na nagkakahalagang ₱14. Ibig sabihin ba nito, ililibre na din ba ako nito?

Iyon, bumaba kami sa tricycle... Sasabihin ko na babayaran ko na lang mamaya pero naunahan ako nito, e.

"Wag mo na bayaran, ayos lang." At sabay pagtawid nya sa daan papasok sa amig campus.

Hindi na ako nakaimik pa at nang nakalayo na siya sa akin, pumasok na rin ako sa loob ng kampus.

Dali dali akong dumeretso sa room dahil malalate na ako hahaha. Pero nakarating pa rin ako sa tamang oras. Phew.

Tutal 1st day pa naman namin, kahit saan pwede kami umupo and mas pinili kong makatabi ang aking paboritong katabi tuwing 1st Day ng klase...

Pagbaba pa lang ng gamit ko ay biglang bumatingting... Ano ba yan?! Di man lang ako pinaupo eh! Di ko tuloy nakausap katabi ko, pero bayai na mamaya na lang hahaha.

Umaga pa lang ng Unang Araw ng aming klase, ang dami ko na agad drama. Grabe? Pano pa kaya sa mga susunod pang araw? Let's See...

-End of Chapter-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Found and LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon